CHAPTER 19
“Hello, besty?”
“Hi gurl! Free ka ba today? Gala tayo!”
I sighed. “As much as I want to, pero wala ako sa mood para gumala.”
“And why? Another LQ na naman ba? Kayong dalawa ha, wala pa ngang one month. Habit niyo na ba ang magtampuhan or love language niyo lang yan?”
Tinignan ko sa phone ko kung anong oras na and it’s 4PM in a Saturday afternoon. Back to work na si Sean after ng day off niya kahapon at since may emergency meeting sila sa company ay ni isang text or call wala akong natanggap.
“Besty, pwede ba pumunta dyan? May iku-kwento lang ako.” Pag-iiba ko ng topic.
“Sure, besty! Dito na lang tayo sa condo ko at hindi na lang tayo lalabas. O-order na ako ng favorite nating iced coffee.”
“Pwede bang iba naman ang order-in mo?”
I want to try something new…
“Wait, what do you mean?” Ilang segundo rin na hindi nakapagsalita si Coleen sa kabilang linya. “OMG! Tama ba ‘tong iniisip ko? Gosh, girl! Finally!” She squealed. Pag ganitong usapan, napaka-hyper niya talaga.
“Yeah, kailangan yung malakas ang tama.” I said it with confidence, akala mo naman mataas ang tolerance sa alcohol.
“Ay, gusto ko yan! No problem, hihintayin kita dito. Ingat, bye!”
It took me 15 minutes to take a shower then nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng loose t-shirt at short, pinares ko lang sa sneakers kong puti at maliit na bag na sakto lang ang cellphone ko at wallet.
Pagbaba ko ng building ay may pumara agad na taxi kaya hindi na ako maghihintay ng matagal. Pagsakay ko ay sinabi ko na agad sa driver kung saan kami pupunta.
***
“Saktong sakto and dating mo besty, kakarating lang din ng in-order kong alak.” Masayang salubong sa akin ni Coleen.
As I sat on her sofa, nakita ko na agad ang tinutukoy niya.
“Anong klase yan?”
“Ito?” Kumuha siya ng isa. “Bagong product ‘to ng SMB, Cerveza Blanca. Wala pang ganito dito sa Pilipinas, ang alam ko available pa lang ‘to sa anim na bansa sa Asia and since may kakilala akong nagbebenta ng mga imported products ay sa kanya ko ‘to binili.”
Inabot niya sa akin ang isang can ng cerveza blanca. Tingin ko nasa 20 cans ang nabili niya. Nilagay niya ang mga iba pa sa maliit na mesa na nasa harapan namin, at binuksan niya na rin ang isang box ng large pepperoni pizza. So, ito na dinner namin.
Umupo si Coleen sa kabilang side at nagsimula ng uminom.
“Oh my! Ang sarap! Try mo na dali!”
Medyo kinakabahan pa ako habang binubuksan ‘yon dahil for the first time ay ngayon lang ako iinom. Unang subok ko ay halos maluwa ko ‘yon, but I tried again and this time it tasted good.
“So, tell me, Lexi. What’s the reason behind this?” pagsisimula ni Coleen. She is looking straight at me, parang tatagos yung tingin niya sa kaluluwa ko.
Huminga ako ng malalim. “Hindi ako gusto ng mama ni Sean.”
“Huh?” Umusog siya ng konti palapit sa akin. Halata sa mukha niya na naguguluhan siya. “What do you mean? Pinakilala ka na ni kuya Xavier sa mama niya?”
Tumango ako. “She said that I’m not suitable for her son and Sean is just so kind and loves to give help to the needy. Iniisip niya siguro na peperahan ko lang ang anak niya.”
May tumulong luha sa pisngi ko na agad ko namang pinalis at ininom ang beer na hawak hawak ko.
“Grabe naman siya. Sinabi mo ba kay kuya yan?”
Umiling ako. “Hindi ko na sinabi. Kitang kita ko kung gaano ka-mahal ni Sean ang mama niya, ayokong mag-away sila ng dahil lang sa akin.”
“Shunga ka talaga! Malay mo naman, ipaglalaban ka ni kuya sa mama niya. Alam mo namang mahal na mahal ka ‘non. Hahayaan mo na lang ba na maliitin ka ng future mother-in-law mo?” Ngumisi siya.
Tinignan ko siya ng masama. “Sira! Imposible na atang mangyari yon.” May lungkot akong naramdaman sa sinabi ko. Niyugyog ko ang alak at nangangalahati pa lang pala ako and without hesitation I drink it all and I flinched pero kumuha pa ulit ako ng isa.
“Woah! Hinay hinay lang, besty.” Awat sa akin ni Coleen. Nakakatatlo na siya tapos ako pangalawa ko pa lang ‘to.
Hindi ko siya pinansin at uminom ulit. “Favor ko lang sayo, besty. Huwag mo na lang sabihin kay Sean ang kinuwento ko sayo. Tulungan mo na lang akong maghanap ng trabaho.”
“Well, okay. Ikaw ang bahala basta nandito lang ako, I’ll help you. Cheers!”
“Cheers!”
And we’d clink our drinks.
***
Hindi ko alam kung anong oras kami natapos uminom at nakatulog ni Coleen. Kung naubos ba namin lahat ng alak na binili ni besty, but one thing I know is my head hurts right now. Ang sakit sakit ng ulo ko, parang gustong mabiyak!
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata, at kahit medyo nahihilo pa ako ay umupo ako sa kama at tinignan ang paligid ng kwarto kung saan ako nakatulog. This room looks familiar, the scent is also familiar until I realized where I am. I’m in my own room, so sino nagdala sa akin dito? Arg! Wala akong maalala!
Pabagsak akong nahiga ulit at nilagay ang kanang braso ko sa noo at pumikit ulit. I heard the door of my room opened and closed. I removed my arm and looked at the person who entered, and I saw him standing beside my bed and holding a cup of tea wearing his worried and gloomy face.
Umupo siya sa gilid ng kama ko. “I made a tea, inumin mo muna ito, it could help with the grogginess.”
Tinignan ko muna siya sa mata. Nagbakasakaling makikita ko na galit siya, pero hindi ko ma-pin point kung ano talaga ang nasa isip niya.
Bumnagon ulit ako at umupo. Kinuha ko yung tasa ng tsaa na nasa kamay niya. “Salamat.”
“You better rest, magluluto lang ako ng kakainin natin.” He said it with a serious tone. Parang na-guilty ako sa ginawa ko kaya nahawakan ko ang braso niya ng akmang tatayo na siya.
“S-Sorry, mahal… hindi ako nakapag-text sayo kung nasaan ako kahapon.” Nasabi ko habang nakayuko. He seats again and hold my chin; he then raises my head to let me see him.
He reached for my forehead and kissed it. “I love you. Just rest, tatawagan na lang kita kung handa na ang mga pagkain.” Tipid niya akong nginitian.
Tumayo na siya at lumabas na ng kwarto ko. Hindi ko naman mapigilang mainis sa sarili ko at napasabunot ako sa sarili kong buhok.
***
“Ready ka na?” tanong sa akin ni Coleen ng nasa harap na kami ng coffee shop.
Sabi niya sa akin, kilala niya daw ang owner ng café. Naging kapitbahay niya ito noon sa tinitirhan nilang village, anak mayaman pero piniling tahakin ang kanyang sariling pangarap kahit na hindi siya sinuportahan ng parents niya and look at her now, she has her own café with multiple branches not just in the Philippines but in abroad.
“Yes, I’m ready!” I answered confidently.
Kung ano man ang kalalabasan nito, papatunayan ko sa mama ni Sean na hindi ko habol ang yaman ng anak niya. Hindi ko siya minahal dahil lang sa nalaman kong sikat siya or tagapagmana siya o dahil lang sa tinulungan niya ako. I love him because he is brave, intelligent, and passionate. I love him because he is just himself.