CHAPTER 9
“Hello, Lexi? May problema ba? Napatawag ka?”
I rolled myself onto the other side of the bed. Hindi ako makatulog, it’s already past 12 midnight. Nagising ko pa ata si Coleen, halata na sa boses niya na nakatulog na siya.
“Wala naman, besty. Naistorbo ba kita?”
“Yung totoo? Huwag mo kong dyi-no-joke time.” She warned.
“Seryoso nga.” Natatawa kong saad.
“I hate you!” She sounded annoyed. “Alam mo naman kung anong meron bukas, di ba? I’m on a beauty rest already!”
“Eh, bakit? May ka-date ka ba?”
“Aba’t, sumasagot ka na ng ganyan, ha!”
Tumawa ako ng malakas. “Sorry na, kasi naman walang paglagyan yung kilig ko ngayon.” I said while imagining what had happened earlier.
“What do you mean? Don’t tell me, nadiligan ka na?!”
“Tigil tigilan mo nga ako sa mga paganyan mo, Coleen. Mamaya niyan ikaw ang madiligan dyan!” Tumihaya ako.
Humalakhak siya. “Excuse me, over my beautiful and sexy body! So ano nga? Did he invite you to their reunion?”
“S-sort of?”
“Sort of? ‘Di ka sure?”
“Eh, ang sabi niya kasi kanina dadaan lang daw kami saglit.”
Tumili siya dahilan para ilayo ko sa tenga ang cellphone.
“This is it, besty! He got another plan, and it is to date you! Oh, wait do you have dress to wear na ba? May time pa naman tayo bukas ng hapon after class, then diretso na tayo sa condo ko. Ako na ang bahala sa hair and make-up mo!”
“There’s no need to buy clothes dahil may binili na siya para suotin ko daw bukas. For the hair and make-up, remember that time na tinuruan mo ko kung paano ang tamang proseso sa pag-apply sa mukha? I guess, I can manage. Sa buhok naman, ako na rin ang bahala.” I smiled kahit di naman niya ako nakikita.
“Siguraduhin mong mag mukha kang dyosa bukas, okay? Oh, siya! I need to sleep na talaga, it’s almost 1AM. Bukas mo na lang i-kwento yung iba. Good night na, bye!”
She ended the call. Ako naman ay nakatunganga lang at nakatingin sa kisame. Pakiramdam ko, first time nangyayari ang lahat ng ‘to sa akin. Although, it is not my first time to have a boyfriend pero ibang iba yung feeling ngayon kaysa noon. I think dahil siguro sa mga naganap noon sa parents ko then kay kuya kaya hindi ko nabigyan ng pansin ang dati kong nobyo. But when Sean come on the scene, everything changes and feels surreal.
Ilang minuto pa akong nakatihaya at naghanda na ako para matulog, inilagay ko na ang phone ko sa bed side table but a notification from IG pop up. It was Sean’s message.
salvacion.xaviersean: Why are you still awake? You have class tomorrow.
Automatic yung pag ngiti ko na umaabot hanggang tenga ng mabasa ko ang chat niya.
Me: Going to sleep na po. Tinawagan ko lang si Coleen.
salvacion.xaviersean: Okay, okay. Matutulog na rin ako. Make sure na naka-lock na yung front door. See you tomorrow, Lexi. Good night and sweet dreams.
Me: Okay, nagawa ko na. See you! :)
Matapos ko yon i-send ay napapadyak ako sa kama. Iba na ‘to, I think I’m slowly falling for him.
***
“Sigurado ka ba na kaya mo na mag make-up? Ayaw mo talagang magpatulong?”
Kanina pa pa-ulit-ulit na tinatanong ‘to ni Coleen, at kada tanong niya mas lalo akong na-pe-pressure.
“Wala ka bang tiwala sa akin?”
Sinulyapan niya ako saglit at tumingin muli sa daan. “To tell you the truth? Wala.” May diin pa sa huli niyang sinabi.
“Grabe ka naman. Napaka honest mo masyado.” I rolled my eyes. Sumandal ako sa upuan at naghalukipkip. I heard her chuckle.
It’s almost 5PM in the afternoon, mga 8:30PM daw ako susunduin ni Sean sa condo, so may 3 hours pa ako para pag-aralin talaga ang tamang paglagay ng mga kolorete sa mukha.
“My gosh! Ang traffic naman!”
“Huwag ka na magreklamo, rush hour na, eh.” I said because we’re stuck sa may intersection.
“Well, mahaba pa naman ang time. You said that kuya Xavier gave you a dress? Is it nice?”
“Yeah! Nagustuhan ko talaga!” Kinuha ko yung phone ko at hinanap ang picture nung damit then pinakita ko kay Coleen. “Naka set to, eh.”
“Oh, ang ganda! May idea ka ba kung anong design yan?”
Ngumiwi ako at umiling. “Konti lang naman ang alam ko, ikaw yung expert sa ating dalawa pagdating sa mga ganyan.”
“Well, it’s almond sheer and shimmery turtleneck with shirred cuffs to create billowy bishop sleeves. The red velvety a-line dress exudes elegance while its shoulder-tie adds the right amount of cuteness to the whole outfit.”
Natameme ako sa mga sinabi niya.
“I must commend him, ha. Magaling siyang pumili.” Pagpapatuloy niya. Ngumiti na lang ako.
Naputol yung pag-uusap namin ng may bumusina na sa likuran. Saktong 5:30 ng hapon kami nakarating sa building ng condo. Bumaba na ako sa kotse ni Coleen, akala ko ay aalis na siya ngunit bumaba rin siya sa kotse at binuksan ang pinto ng back seat. May kinuha siyang mga paper bags at nilapitan ako.
“Here.” Inabot niya sa akin ang mga yon.
I gave her a wondering look. “Ano ‘to?”
“It consists of my make-up kit, may curling iron din, at may block heel sandals din dyan. Buti na lang at black color, babagay yan sa outfit mo. Yung nakakahon diyan, mamaya mo na buksan.”
Kinuha ko ang paper bag mula sa kamay niya. “Hindi mo naman kailangan gawin ‘to.”
“Gusto ko lang talaga na magmukha kang tao, hindi clown! Sana talaga maging successful yang binabalak mo.”
Tinignan ko siya ng masama. “Itong babaeng ‘to, nagda-drama na nga ako dito.”
“Siya, sige na. Alis na ako. I’ll see you later.” Bumeso lang siya then sumakay na sa kotse niya at pinaharurot na ang sasakyan.
***
Inilapag ko na sa vanity table ang mga make-up na binigay kanina ni Coleen. Inihanda ko na rin ang phone ko at in-open ang Youtube app at nag search ng tutorial. Sa totoo lang, nagdadalawang isip talaga ako sa gagawin ko. Baka maging clown talaga ang itsura ko mamaya.
Ni-ready ko na rin yung niregalo sa akin dati ni besty nung birthday ko na Molly flower chain earrings at yung Carolina Herrera Good Girl Velvet Fatale perfume. Kinuha ko ang curling iron at inilagay rin sa gilid.
Sisimulan ko na sana ang pag-me-make-up ng magtext si besty.
Besty: Hey, kamusta ka na dyan? Do you need help?
Tinawanan ko lang yung text niya at nag tipa ng reply.
Me: I’m fine don’t worry. Pag makikita mo ko mamaya, you’ll be proud.
Besty: Siguraduhin mo lang!
Hindi ko na sinagot yung text niya at nagsimula nang panoorin ang video tutorial na nakita ko.
I started putting primer and foundation, sakto lang ang paglagay ko ng mga products dahil baka hindi magpantay yung mukha ko sa skin ko then I just used jumbo face blender to blend it on my face.
Sinunod ko yung concealer then ang pang contour na nilagay ko sa sides and tip ng aking ilong. I make sure na I blended it properly; I applied powder next. Nahirapan pa ako pagdating sa kilay pero inilaban ko pa rin at pumantay naman sila sa huli. Next naman ay yong very light pink blush powder at bronzer, in fairness naman kay Coleen kumpleto yung mga make-up na pinahiram niya. Pero nagtaka lang ako dahil lahat ng ‘to ay parang hindi pa nagamit.
May highlighter pa na kasama, so nilagay ko rin. Nude color lang ang nilagay ko sa eye shadow then I curled my lashes at nag mascara. Lastly, I used a light red watery tint for my lips at lip maximizer then nag setting spray na ako.
Nung na-set ko na ang make-up ko, I curled the end of my dark brown mid back hair length. First time kong mag kulot ng buhok, sana lang hindi masira yung buhok ko at bumalik lang sa pagiging straight. I did a waterfall braid hairstyle at pagkatapos ay sinuot ko na ang earrings na bigay sa akin ni Coleen.
I changed my clothes after then wear the sandals. When I finally got to check myself in the mirror, I was stunned. My best friend will really be so proud.
I used the perfume she gave and sprayed it all over my body. Kinuha ko na rin yung box na sabi niya ay huli ko na buksan and when I opened it ay halos lumuwa yung mga mata ko, it’s color black Saint Laurent Gabi Mini Vanity Bag in Lambskin. It’s so cute! Mahal talaga ako ni Coleen.
Tumunog yung phone ko, excited kong binuksan yung message ngunit biglang nawala yung ngiti ko ng malaman kung kanino ito galing.
0997*******: Hey, Lexi! Are you going tonight? Did Xavier tell you about our reunion? If not, can I invite you? Susunduin kita dyan.
Nagtaas ako ng kilay, ang kapal naman ng lalaking to. Feeling close kahit di naman kami close!
Napapitlag ako dahil sa pag ring ulit ng phone ko, this time he is calling already. Hinayaan ko na lang ‘yon at inayos na ang mga nakakalat na gamit at lumabas na ng kwarto.
Fifteen minutes bago mag 8:30PM, panigurado papunta na rito si Sean. I got another message from Riley.
0997*******: You’re not answering :(
Ugh! He’s stressing me out!
Mayamaya lang ay may narinig akong katok sa pinto. I check first the peephole, then suddenly my heart skipped a beat. Here’s the man I am waiting for.
I opened the door and he looked astonished.
“H-hi!” bati niya.
Narinig ko ulit ang pagtunog ng phone ko. Mariin akong napapikit. Hindi ba siya titigil?
“Hey, are you okay?” Sean gently asks. “May tumatawag sayo, hindi mo ba sasagutin?”
I instantly shake my head. “It’s not important.” I gave him a smile.
He is wearing a brown corduroy overshirt and a white tee, pinares niya sa beige straight leg twill pants at white sneakers. He looks so handsome sa middle part curtain haircut niya.
“Are you sure you’re, okay?” He asks again. Marahan niyang hinawakan ang magkabila kong balikat.
Tumango ako at ngumiti ulit. Reassuring him na walang problema.
“Let’s go?” Tanong niya at inilahad ang kanang kamay.
“Tara.” I giggled.
Sinarado ko na ang pinto and held his hand. While we’re walking sa hallway ay bigla siyang huminto dahilan para tumigil rin ako sa paglalakad.
I faced him, nagtataka sa ginawa niya. “Why?”
Hinaplos niya ang pisngi ko. “Can I just say… You’re so gorgeous, Lexi.”