CHAPTER 10
“Okay ka lang ba talaga? Gusto mo umuwi na lang tayo? Kanina ka pa tahimik diyan, eh.”
Eh, paano? Bigla mo akong sinabihan na gorgeous, tanggal tuloy angas ko don! Hindi ko nga natignan final look ko sa salamin, istorbo rin kasi yong Riley na ‘yon papansin!
Hindi pa rin ako umimik kay Sean at ibinaba ang sun visor mirror, feeling ko parang kamatis na ang kulay ng pisngi ko. Nang tignan ko yung mukha ko, aba, pasado! Ibinalik ko ulit sa dating posisyon yung salamin at sumandal sa upuan.
“Hindi ka ba komportable? Nako-conscious ka ba sa itsura mo?” he asked again.
Tinignan ko siya at umiling habang nilalaro ang mga daliri ko. “Na surprise lang ako sa sinabi mo kanina, first time ko kasing masabihan ng ganon. Yung kapatid ko lagi akong nilalait, eh, then yung una kong naging boyfriend hindi man lang ako na compliment.”
He reached for my hands that are both on my lap. Nahinto yung sasakyan dahil naka red light. He faced me and gently squeeze my hands.
“From now on, wala ng manlalait sayo and if your ex didn’t even bother to compliment you, I’ll make sure na hindi na mangyayari ulit yon.” He kissed the back of my hand.
Pinilit kong itago ang kilig ko buti na lang at nagkulay berde na ang traffic light, senyales na para mag - go. Muli na niyang itinuon ang pansin sa daanan.
We have arrived at First Class, it’s a club at dito gaganapin ang mini reunion nila ng mga kaibigan ni Sean. After we parked the car ay nagpunta na kami sa loob. It’s almost 9 o’clock in the evening at halos napupuno na ng tao ang lugar. Amoy na amoy ko na rin ang alak sa paligid, lumalakas na rin ang music.
Sean pulled me closer to him. “Are you alright?”
I shivered when he talks near my ear. Tumango na lang ako.
“Hindi naman tayo magtatagal dito.” He grabs my hand at pumanhik na kami sa second floor. So, they reserved a VIP room for their reunion, yayamanin pala tong mga ka-batch mates niya.
Sinalubong agad si Sean ng mga kaibigan niya pagkarating namin sa VIP room na yon.
Agad namang sumolpot si Coleen sa gilid. “OMG! Look at you! In fairness, ha, looking good.” I just smiled, naka inom na siya. Hinila niya ako sa loob, ang buong akala ko ay si besty lang ang nag-iisang babae bukod sa akin ang nandirito ngunit meron pa palang iba. Lahat sila ay naka sexy outfits, siguro mga girlfriends ‘to ng mga kaibigan ni Sean. Even Coleen looks sophisticated with the dress she’s wearing.
Nakakailang, lahat sila nakatingin sa akin.
Pinaupo ako ni Coleen sa isang couch. “Stay here muna, kukuha lang ako ng drinks.” Saad niya at lumakad na.
Ilan kaya ang dumalo? I looked at Sean’s direction, masaya siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Matagal na siguro silang di nagkikita at nagkakasiyahan ng ganito. I guess he felt that I was looking at him kaya napatingin siya sa gawi ko. Umiwas naman ako at nagkunwaring iginala ang mga mata sa paligid.
I was already busy scrolling with my phone dahil hindi pa rin nakakabalik si Coleen, siguro may nakalandian na yon. Si Sean naman, hindi rin pinapakawalan pa ng mga kasama niya.
Naramdaman kong may umupo sa gilid ko kaya inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko.
“Damn, you look beautiful.”
Biglang nag-iba yung pakiramdam ko, nailang ako sa sinabi niya.
Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang baso na halos paubos na ang laman. “Do you want to drink? Kukuha ako?”
“H-hindi ako umiinom, k-kuya Riley.”
I saw him smirk. “Na kuya pa nga, amputa! 3 years lang naman agwat ng edad natin.”
Tumungo na lang ako, na offend ko ba siya? Gusto niya bang tawagin ko siya sa pangalan niya?
Nagsalita ulit siya.
“It’s okay, si Sean nga kuya ang tawag mo dati. You’ll get used to call me by my name too.” He confidently said.
Woah! The nerve of this man! Dahan dahan akong lumingon sa lugar kung saan nag-uusap sina Sean at ang mga kaibigan niya kanina ngunit wala na sila doon. Nasaan na kaya siya?
Umusog pa siya palapit sa akin, hindi na ako komportable.
“Sigurado ka bang ayaw mong uminom? Kahit konti lang? A sip will do.” Iniabot niya sa akin yung isang baso na nilagyan niya ng alak.
I slowly move it away from me. “I’m sorry, pero hindi talaga ako umiinom.”
“Sigi na, isa ―”
“She already said no.” Sean said it seriously.
Tumayo naman ako at nagpunta sa gilid niya. Their other friends were looking at us.
“Chill bro, hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya talagang uminom.”
Naramdaman ko ang paghapit ni Sean sa aking bewang at inilapit ako sa kanya.
“Back off, Riley. Know your limits.”
Nagkasukatan sila ng tingin hanggang sa itinaas ni Riley ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko siya.
“Let’s go.” Aya niya. Tumango ako, ngunit hindi pa man kami nakakalabas sa room na yon ay sumalubong sa amin si kuya Matt at Coleen.
“Hep! Hep! Saan ang punta niyo?”
“Aalis na kami.” Tipid na sagot ni Sean kay kuya Matt.
“What? OMG, not yet! Kakanta pa si Lexi.” Doon ko naalala na may usapan pala kami na kakanta ako.
“Oo nga, Lexi. Huwag kang mag-alala um-agree naman yung mga kaibigan namin na magbigay ng TF.” dugtong pa ni kuya Matt.
Sean looks clueless. Pabalikbalik ang tingin niya sa amin.
Tinanggal niya ang kamay sa pagkakahawak sa bewang ko at humalukipkip.
“What are you talking about? What TF?”
Kuya Matt looked at me as if he is asking if I told Sean about this, mahina na lang akong napa-iling.
“You know kuya Xavier, this lady right here wants to have an extra income so I told her to sing here and kuya Matt will take care of the talent fee.” Direktang saad ni Coleen dahilan para mamilog ang aking mata.
Sean faced me. “Is it true? Why didn’t you tell me?”
“I didn’t expect na totohanin nila ‘to.” Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
“Let her sing bro, iparinig mo naman sa amin ang maganda niyang boses!” Sabi ni kuya Riley nang makalapit sa amin at inakbayan pa si kuya Matt.
Bumuntong hininga siya. “Fine, one song would be okay at huwag niyo na siyang bayaran.” Ani ni Sean gamit ang kanyang baritonong boses. Tinignan pa niya ulit si kuya Riley saka bumalik sa loob at umupo sa pwesto ko kanina. Tanging pag ngisi lang ang sinagot ni kuya Riley.
Tuwang tuwa naman si Coleen at pumalakpak pa. “Perfect! Halika na.”
Dumaan kami sa gitna at nagtungo sa mini platform. Panay naman ang pagsusuri sa akin ng ibang mga babae at ng mga kasama nila.
Matapos kong i-set-up ang mic stand at ikinabit ang microphone ay naghanap na ako ng kanta. Wala akong maisip but I wanted to take this opportunity para iparamdam kay Sean na wala siyang dapat ikabahala dahil siya lang naman ang gusto kong papasukin sa buhay ko.
Coleen approached me. “Are you ready? What song are you going to sing?”
Binulong ko kay besty yung gusto kong kantahin at sinabi niya naman ito sa sound technician.
When the music starts to play, I sat on the high stool chair and caught Sean looking straight at me, I gave him a nervous smile.
[Now Playing: Old Love: yuji & putri dahlia]
Since it is a duet song, I told Coleen for a favor to ask if the sound technician can sing the guy part and, in all fairness, he has a good voice. Nang turn ko na para kumanta ay itinuon ko lang ang pansin ko kay Sean.
When I'm with you, feels like déjà vu
I realized that dreams really come through
We keep on talking for the moment we live in
Let's just keep drinking 'til the moon disappear
Everything flashes back, yung time na nakita ko siya sa wedding reception ng ex niya. Yung pagsabay niya sa akin sa pagkain sa cafeteria at pagbantay kay kuya sa ospital.
You are the one, the one that I want
The one that will stay by my side 'til I'm gone
The love of my life and I'll sacrifice
Just for the moment we last long forever
Naalala ko rin yung pagbibigay niya ng paborito kong bulaklak, yung pagdala niya sa akin sa K-BBQ at pag unwind namin.
Like it's the old love (It's the old love)
This is the way that we both wanna feel
Under the moonlight we made our first kiss
'Cause this is the moment that you made me feel
Hindi ko rin nalilimutan ang pagtulong niya sa akin simula pa nong pagkamatay ni kuya hanggang sa pagpapalayas ni auntie Tes.
Like it's the old love
Come on and hold me, I want you right here
Stay close to me so you don't feel the fear
I'll never let go 'cause I'm just right here
Like it's the old love
Just how fast the night changes, I can’t believe that in just a few weeks or months. Sean have broken down my wall and able to see my vulnerable side. For that, there’s no regret because he is now important to me. He makes my heart flutter, and he makes me happy.