CHAPTER 11
“That’s my first time hearing you sing, kung magaling lang din akong kumanta ako na sana yong nag duet sayo.”
Mahina akong tumawa. Hawak niya ang kanang kamay ko as we head inside the Astoria Regency Hotel. It is my first time going here, grabe, a lot of first is happening to me since we’ve known each other.
There’s a lot of people here too, most of them are couples and I can see some group of families, all here celebrating Valentine’s Day.
I thought papasok kami sa isang restaurant doon ngunit nag-iba kami ng direksyon.
“W-where are we going?”
Tinignan niya ako. “Do you trust me?”
“Maybe?”
Ngumiti siya ng nakakaloko. Oh no, what he is up to?
We are now going to the garden area. Tanaw ko ang napaka garang Glass House Garden, I heard this was only built last year. Papunta kami doon pero ang pinagtataka ko lang ay parang wala namang tao dahil hindi nakabukas ang ilaw.
Nasa tapat na kami ng pinto nang may lumapit sa amin na isang hotel crew.
“Good evening, ma’am, sir. Before heading inside the Glass House, I wanted you to fill out this hotel satisfaction survey first.”
Tinignan ko si Sean, pareho kaming may pagtataka ngunit nagkibit balikat na lang siya. Iniabot sa akin ng hotel crew ang survey form na naka ipit sa clip board at isang ballpen. Habang nag-pi-fill out ako ay narinig ko ang pag ring ng telepono ni Sean.
“Excuse me. I’ll take this.”
I nod and continue writing.
A few minutes had passed, natapos ko ng sagutan ang form na binigay sa akin. Sean haven’t come back yet.
“Ahm, ma’am, you can already get inside the Glass House. Ako na lang po ang maghihintay sa kasama mo para sagutan ang survey, sabihan ko na lang po siya na nasa loob na kayo.” The hotel crew said.
“Ganon ba?” May gusto pa akong itanong sa kanya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko at sumang-ayon na lang.
She opened the door for me. Nanginginig ang mga paa ko sa paghakbang papasok, parang wala namang tao dito. Napakatahimik.
Until I heard a piano playing Old Love, pagkatapos ay isa-isang bumubukas ang mga ilaw. I can see candle and fairy lights scattered on the artificial grass carpet; lanterns are hanging from the ceiling. There’s rose petals creating a path towards the center of the glass house, may table for two na naka-set up at doon nakita ko si Sean na nakatayo at may hawak na bulaklak.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya habang pinipigilang maluha dahil ayaw kong masira ang make-up na pinagpaguran ko. The background song continues to play while I’m walking towards the man I am willing to give my love to.
Nang makalapit ako sa kanya ay iniabot niya ang isang bouquet of red tulips.
Hinampas ko naman siya sa braso. “Sira ka talaga! Ang buong akala ko nasa labas ka pa! Galing mong um-acting, ha, pati hotel crew kasabwat mo.”
He chuckled. “Nagustuhan mo ba? I prepared this for you.” Tinuro niya ang bakanteng upuan. “Take a sit.”
“Thanks.” I smiled then I take a sit. “I love it, Sean. Thank you.”
“All for you, Lexi.” He said it so sweetly.
A waiter approached us to serve us food.
“So, you booked this place just to have our dinner date here?”
He looked at me while slicing the steak in his plate. “Yeah. Ito yung paraan na naisip ko para ipadama sayo kung gaano ka ka-espesyal sa akin.”
Nag-init naman bigla yung pisngi ko, nagambala lang yung pag-uusap namin dahil sa pagtunog ulit ng cellphone niya. Siguro text message iyon, at may nabasa siyang hindi maganda dahil nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
“What’s wrong? Okay ka lang?”
Ibinaba niya ang phone niya at tumingin sa akin. Nag-aalangan pa siyang sumagot.
“Y-yes, I’m okay.” Tipid pa siyang ngumiti.
Huminga siya ng malalim at tumayo. Inayos niya ang kanyang damit at naglahad ng kamay sa akin.
“May I have this dance?”
“Of course, I’d love to.”
While we were dancing ay hindi ko napigilang sumandal sa may dibdib niya. The smell of his perfume is like a drug to me, katulad ng paborito kong kape nakakaadik. His presence makes me wander, kapag kasama ko siya gumagaan ang pakiramdam ko. Siya ang naging liwanag ko sa dilim. It feels so safe when I’m around him, but am I really ready to take his love? Yes, I am willing to take a chance on him, pero knowing that he’s 5 years older than me. Magiging maayos kaya ang takbo ng relasyon namin?
I know it is too early to conclude, but what if he is going to ask me now if it is okay to court me, would I say yes?
I sighed.
Hinagod niya ang likod ko. “Hey, you, okay?”
Tinignan ko siya ng diretso habang mahina kaming umiindayog sa naririnig na tugtog.
“Yap, okay lang ako. May iniisip lang.”
His dark brown eyes shines like the light surrounding us.
Hinaplos niya ang pisngi ko. “I have a gift for you.”
Huminto kami sa pagsasayaw, may kinuha siya sa bulsa niya at isang maliit na box ang pinakita. Pumunta siya sa likuran ko at isinuot sa akin ang isang white chalcedony tulip rose gold necklace.
Bumalik siya ulit sa harap ko. “That necklace really suits you.” Ngumiti siya then he holds both of my hand. “For the past years, ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal na ganito, I can’t really explain, parang gustong sumabog ng puso ko sa tuwing nakikita ka. I’m overwhelmed with love. But one thing is clear to me, I won’t let anybody hurt you or steal you from me.” He paused. “Lexi, will you accept me as your suitor? Can I court you properly?”
“Hindi ka pa pala nanliligaw sa lagay na ‘yan?” I slightly laughed.
He smirked. “I’m just starting at gagawin ko ang lahat ng kaya ko para mapasaakin ka lang.”
This man… He is full of surprises, and he knew how to get me. Tatanggi pa ba ko?
“Sean…” Hinawakan ko rin ang mga kamay niya. “Yes, you can.”
“Yes!” sigaw niya, akala mo naman sinagot ko na siya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Thank you, Alexis. I’ll do my best para makuha ang matamis mong ‘oo’.”
***
I kept on looking on our first picture together. I’m holding the bouquet he has given me, naka akbay siya sa akin habang nakasandal ako sa kanya. I took a lot of photos for remembrance pero ito talaga ang pinaka nagustuhan ko.
Nasa tapat na kami sa condo ko, at ayaw niya paring bitawan ang kamay ko.
“Did you enjoy?”
“Super.”
“I’m glad you enjoyed our date. H-hindi ka ba napagod?”
I arched my eyebrow. “No, bakit mo natanong?”
“Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko.”
“H-ha?” Pinipigilan kong matawa. Ang korni naman.
Napakamot tuloy siya sa batok niya. “Sorry. Pasok ka na?”
Tumango ako. He leaned forward and kissed my cheek, nag init muli ang mukha ko. He stared at me, and his eyes went down to my lips.
Ramdam kong kino-control niya lang ang sarili niya but I’m anticipating his next move. And in that instance, his lips went to mine.
It was a slow kiss at first, aaminin ko hindi ako marunong humalik pero sa maikling panahon na ‘to ay parang natuto na ako.
Isinukbit ko ang aking magkabilang braso sa leeg niya at pinalalim pa ang halik.
Habol namin ang hininga matapos ang halikang naganap. It was my first kiss, and we shared a passionate one. Buti na lang at walang dumaan sa hallway.