CHAPTER 12
“Ayoko na mag-aral!” pabagsak na inilapag ni Coleen sa kama ko ang librong binabasa.
Kasalukuyan kaming nag-aaral dahil exam na namin next week.
“It’s a weekend, dapat gumagala tayo, eh!” pagmamaktol niya pa.
“Tiisin mo na lang, besty. Tutal after ng exam ay arts festival na, doon ka na lang bumawi.” Natatawa kong sagot sa kanya.
“Yeah, right! Ang favorite event ko! Sali ka sa presentation, ah. Huwag ka nang KJ this time!” umirap siya.
“Hayaan mo na ako, next school year na ako sasali.” Ngumisi ako.
Sasagot pa sana siya ngunit tumunog naman ang doorbell sa labas.
“That’s our snack, wait kukunin ko.”
She excitedly went outside my room, ang bilis niyang mag-iba ng mood. Ilang minuto lang ay tinawag niya ako upang kumain. Ang dami niyang in-order! Eh, kami lang naman dalawa ang kakain.
“2 boxes of pizza and 4 cups of iced coffee? Ganun ka ka-gutom?” tanong ko ng makita ang mga ito sa maliit na lamesa. Naupo ako sa kabilang side ng sofa.
“Excuse me, I’m not that hungry. Pero dahil drained na ang utak ko sa pag-aaral, stressed eating na ‘to.” Nag Indian sit rin siya sa sofa at kumuha na ng isang sliced ng pizza. “At saka kung may matira pa, pwede mo namang i-share sa suitor mo. Uyy!” panunukso niya.
“Loka-loka!” kumuha rin ako ng isang pirasong pizza at nagsimula ng kainin. “Hindi naman yun uuwi, eh. Matutulog daw siya doon sa office nila dahil gusto niyang tapusin yung pinagawa sa kanyang design for their next project.”
Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. “Naks! Alam na alam, ah!”
I got shy and feel embarrassed. Sira ulo talaga ‘to!
“Kakainin ko na lang mamayang gabi. Yan na lang ang gagawin kong hapunan.”
May notification namang nag pop-up sa cellphone ko and when I check it, it was Sean tagging me on his latest post.
“And suddenly you're all I need, the reason why I smile.” Coleen read the caption on Sean’s post. “Ayeeh! Na hard lunch na nga!”
“Hard lunch ka diyan!” Tinignan ko lang siya ng masama.
Sean shared 8 pictures that was taken from our date and 2 short videos of him setting up the venue. Talagang naging punong abala pala siya sa date namin.
I checked his IG profile, hindi pa pala ako nakapag follow back sa kanyang request na i-follow ako. And wait ― he has almost 50K followers on Ig? Curiosity strikes me.
“Besty, matagal ka na bang naka-follow kay Sean?”
“Yeah, why?” She sips her iced coffee. “Ngayon mo lang ba nalaman na may marami siyang followers? He is quite popular you know, beside sa good looks at magandang katawan, he gains so many fans because of his works. Magaling talaga siyang architect, at madami ring nakapila diyan, tanging ikaw ang bukod na pinagpala. Kaya good luck sa mga bashers.”
I awkwardly smiled. “Hindi niya naikwento sa akin ang tungkol diyan.”
“You better ask him, para naman may alam ka tungkol sa kanya, tutal nagliligawan na kayo.”
“Nakakahiya naman.”
“Aysus! Di ka nga nahiya nong naghalikan kayo dyan sa hallway.”
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya at hindi ko naiwasang mamula.
“H-how did you know?”
Tumawa siya ng malakas. “Akala mo ha, I heard them talking on the phone when I visited kuya Matt’s condo the day after you went on a date with him. Nakakatampo ka na nga dahil hindi na tayo sabay pumapasok ng school at umuuwi. So, yung totoo, what’s the real score between the two of you? Kailangan ma-DTR niyo na yan.”
Kumuha ulit ako ng pizza at umayos ng upo. “DTR?”
“Define the relationship.” She said it with conviction. “Di pwedeng walang label. Ano? Payag ka na lang na mag-t-take siya ng advantage sayo?”
“He’s not like that naman siguro. Darating rin kami diyan.”
“Nahawa ka na sa ka-conyo-han ko.” Nagtawanan kami pareho. “Siya nga pala, does Doc Riley knows about this?”
I just shrug. Wala naman akong pakialam kung malalaman niya. Mas Mabuti nga yon para tumigil na siya sa pambubulabog sa akin.
“I know he’s into you, but I don’t like him for you. He’s mayabang, feelingero at antipatiko.” She rolled her eyes.
“Na-dale mo, besty. By the way, yung mga pinahiram mo sa akin naka ready na, isasauli ko na sayo.” Umakmang tatayo na ako pero pinigilan niya ako.
“No need na, sayo na lahat ‘yon.”
Nanlaki naman yung mga mata ko. “No way?”
“Oo nga! I’m so proud of you dahil marunong ka ng mag-ayos at mag-alaga ng sarili mo.”
“Thank you, besty! Love mo talaga ako.” Tumayo ako at nilapitan siya para bigyan siya ng yakap.
***
“Hello, kuya Matt?”
“Hi, Lexi! Busy ka ba ngayon?”
“Hindi naman masyado, kuya. Katatapos ko lang po mag-aral.”
“Sakto! I have a friend na naghahanap ng kakanta sa bago nilang bukas na restobar, pwede ka ba?”
Sandali akong napa-isip, sayang naman yung kikitain ko. I haven’t talk to Sean about the condo yet. Panggastos ko na rin yun sa school.
“Andyan ka pa, Lexi? Deal ka ba sa sinabi ko? Don’t worry, ipapaalam ko naman kay Xavier mamaya. Busy pa siya ngayon.”
“It’s okay, kuya. Hindi naman na siguro kailangan ipaalam sa kanya. Deal ako dyan, just text me the address and time.”
“Thanks, Lexi! We are invited to go there too; we will try to come kahit late na.”
“Sige, kuya. Maghahanda na ako.”
He ended the call then after a few minutes ay natanggap ko ang message niya. Kuya Matt texted that I should be there at the restobar by 8:30 PM, tinignan ko ang wall clock at it’s almost eight in the evening.
Nagdali-dali akong pumunta sa kwarto ko at naghanap ng masusuot sa closet ko. Puro oversized t-shirt lang ang meron ako at konti lang din ang blouse. Kailangan kong magmukhang presentable.
Naagaw ng pansin ko ang mga paper bags na hindi ko pa nabuksan lahat. Perks of having a fashionista best friend, lagi akong may share sa mga pinamimili niya.
Inisa-isa kong kunin ang mga damit na nandoon, at kinuha ko yung white crop top, denim jacket at green cargo pants. Mabilis lang akong nagbihis, naglagay lang ako ng face powder sa mukha at nag light blush on at nag liptint. I tied my hair into a messy bun at sinuot na agad ang white sneakers ko.
“Hi there, young lady!” bati ng isang lalaking sumalubong sa akin pagkarating ko sa restobar. “Nakita na kita noon sa mini reunion namin nina Matt, I’m Jerome.” Pagpapakilala pa niya.
I reached for his hand at nakipagkamayan. “I’m Alexis, you can call me Lexi.” I smiled.
“Such a beautiful smile, no wonder nahulog ang kaibigan namin sayo.” He said it bluntly.
“Hey, Jerome! Congrats sa bago mong negosyo!” I raised my right brow as Riley approached his friend. Napatingin siya sa gawi ko. “Oh, look who’s here!”
Tipid akong ngumiti. Umamba siyang halikan ako sa pisngi pero naka-iwas ako, kapal naman ng mukha nito. Imposibleng hindi siya aware na nililigawan na ako ni Sean.
He smirked. “Pakipot naman, wala naman akong gagawin na masama.” He slowly touched my hands, tatanggalin ko na sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya but he grasps my hands tightly.
“Get your filthy hands off my girl, Riley!”
Isang familiar na boses ang narinig ko, without any doubt I know it was him. And the next thing that happen, nakita ko na lang si Riley na napa-upo dahil sa pagsuntok ni Sean.