CHAPTER 13

1231 Words
CHAPTER 13 “Subukan mong lumapit ulit kay Lexi, hindi lang ito ang maabutan mo!” Sean yelled at Riley then he spits blood. Nakatayo lang ako sa gilid at natutulalang pinapanood sila habang inaawat siya ni kuya Matt. Pinatayo naman ng mga bouncer si Doc. Riley, putok ang labi niya at may sugat siya sa kaliwang pisngi. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid, yung iba ay nakalabas pa ang mga cellphone at bine-video-han kami. “I’m sorry, Jerome for causing trouble here. Hindi ko intensyong gumawa ng gulo.” Tanging tango at iling lang ang isinukli ng kaibigan niya. Marahil iniisip niyang kakabukas pa lang ng restobar niya, ganito pa ang nangyari at ang involve ay ang mga kaibigan niya. Kasalanan ko ‘to, sana hindi na lang ako nagpunta rito. Napapitlag ako ng lumingon sa direksyon ko si Sean. Ewan ko ba, first time kong makita siya na magalit at magselos ng ganito. Yumuko ako at hinawakan ang magkabila kong kamay ng lumapit siya sa akin. “Let’s go.” Bakas sa boses niya ang iritasyon. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak ako ng marahan palabas. Ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko habang kami ay bumabyahe pauwi. Hindi ko siya tinitignan at nasa labas lang nakapirmi ang mukha ko. Tanging buntong hininga at mahinang pagmura niya lang ang maririnig sa kotse. Nang makarating na kami sa building ng tinitirhan namin ay hindi ko na siya hinintay na matapos sa pagpark at nauna nang pumasok. Narinig ko pa ang pagtawag niya ngunit hindi na ako lumingon. Hinihingal ako pagpasok ng unit ko, hindi ko alam kung paano kakaharapin si Sean. Gusto kong tanungin siya sa kung anong dahilan ng tensyon nila ni Doc. Riley pero alam kong wala pa siya sa mood pag-usapan ang tungkol doon kaya bibigyan ko muna siya ng panahon. *** “Nubayan! Hindi pa nga kayo naka-abot ng isang lingo sa pagliligawan, LQ na agad! Napalakas ata ang boses ni Coleen dahil tumingin sa gawi namin ang ibang estudyante na narito sa cafeteria ng school. Simula na ng hell week at katatapos lang ng morning exams namin. “Hinaan mo nga boses mo, naririnig ka ng iba.” Saway ko. She faced those students and raised her eyebrow. Napa-face palm na lang ako sa ginawa niya. “Besty, hindi naman kami nag-LQ, eh, binibigyan ko lang siya ng time para mahimasmasan.” “Pareho na rin ‘yon and I heard na he also got mad to kuya Matt, dahil siguro sa pagtawag niya sayo to sing sa restobar na ‘yon. What’s the problem nga ba? Wala ka namang ginagawa na masama, it’s for your own gastusin naman.” Nagpahalumbaba siya. “I really don’t know, hindi pa kami ulit nagkaroon ng communication, eh.” Huminga ako ng malalim. “He didn’t text you?” Umiling ako. “My Gosh! The nerve of kuya Xavier not to text you and settle your problem! Naku, besty, that’s a sign of being a red flag!” “Ang OA mo! Malay mo naman kumukuha lang din siya ng tsempo.” She just shrug. “Maybe yes, maybe, no? Pero ang tamang gawin niyo is mag-usap. Lahat ng tungkol sa away nila ni Doc, tungkol sa pa-kanta-kanta mo, yung tungkol sa unit mo at kung ano pang question na maisip mo.” Tumango ako. Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone. Kinuha ko ito sa bag at tinignan kung may message. At meron nga, at galing ito kay Sean. From: Sean ♥ Hi, Lexi! Pwede ba tayo mag-usap mamaya after your school at work ko? Let’s clear things up, di ko kaya na ganito tayo. Inangat ko ang ulo ko para tignan sana si Coleen pero nasa side ko na pala siya at nakikibasa sa text ni Sean. “Wow, ha! Chismosa yarn?” Lumawak ang ngiti niya. “Reply-an mo na. Magkita na kayo mamaya.” I did what she said at nag-type na nga ng reply. To:Sean ♥ Okay, I’ll see you later. *** “Susunduin ka ba niya?” tanong ni Coleen paglabas namin sa school building. Sabay kaming natapos ang exam sa last subject namin. Naglalakad na kami ngayon palabas, at itong si besty panay ang usisa tungkol sa pagkikita namin ni Sean. “Ewan ko, after nung reply ko hindi na siya nag-text ulit.” “OMG!” Napahinto kami sa paglalakad, malapit na sana kami sa gate. “Bakit?” She raised her hand and pointed it outside. Sinundan ko ang direksyon ng kamay niya at nakita ko ang isang kulay pula na ford mustang na kararating lang at nag-park sa may sidewalk. Pagbukas ng pinto sa may driver seat ay lumabas doon si Sean na may dalang bulaklak. Naglakad siya at nagtungo sa entrance gate. Hindi ako sure but according to Coleen, he is an alumnus of this school. Ilang saglit lang ay pinapasok na siya ng naka-assign na guard at nilapitan kami ni Coleen. Since uwian na rin ay marami nang mga estudyante ang palabas ng school premises. Puro bulungan ang iba at may mga kinikilig pa. “Sana all!” Kantyaw ng tatlong babaeng estudyante na dumaan. I felt my cheeks heating up, yung puso ko naman pasaway! Nakita lang siya, biglang bumilis ang pagtibok. Nakakahiyang makita niya akong ganito. Inabot niya sa akin ang bulaklak at nahihiyang ngumiti. Ramdam ko ang kaba niya. “Thank you, nag-abala ka pa.” I said when I get the flowers. Nagpeke naman ng ubo si Coleen. “E-exit na ako, ah. Kuya Xavier, ikaw na bahala sa besty ko. Mag-usap na kayo at magbati para everybody happy! Ayeeh!” Kininditan pa niya ako. “Yes, Coleen. We will talk about what happen.” “Talk lang, ha. Huwag muna yung, ano!” Humalakhak siya. Pinanlakihan ko naman si besty ng mata. “We’ll see.” Sagot naman ni Sean sa kaibigan ko. I also glared at him, seryoso lang ang mukha niya. “J-just kidding.” Namula ang tenga niya. He reached for my hand and gently squeezed it. “Shall we go?” Tumango ako. “Yap.” Dumaan muna kami sa isang fast food chain para mag take out ng pagkain at dumiretso na sa condo namin. Pinalitan ko ang bulaklak na nasa vase at nilagay ang bago niyang bigay. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa likod ko at maya maya lang ay niyakap na niya ako mula sa likuran at inaamoy-amoy ang buhok. Nagsitayuan naman ang balahibo ko sa ginawa niya. “I’m sorry, Lexi. Sorry kung nakita mo ako ng ganun, hindi ko sinasadya. I was jealous and scared.” Naglakas loob akong humarap sa kanya kahit na parang tambol na ‘tong puso ko. Tinignan ko siya sa mata. “Why? What’s the story behind it?” Tinukod niya ang mga kamay niya sa magkabilang side ng mesa at kinulong ako. Dahan dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. “Do you really wanna know?” Umiwas ako sa kanya at lumayo. ‘Di ako makahinga, konti na lang talaga ang space sa pagitan ng mukha namin. “O-of course! Gusto kong malaman.” I managed to answer him, I heard his soft chuckle. Nilingon ko siya. “B-but first, dinner muna tayo.” “Alright.” Sabi niya habang lumalapit sa akin at ginulo ang buhok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD