CHAPTER 16
“Hi kuya! Kagagaling lang namin kila mama at papa, pinakilala ko lang si Sean sa kanila. Ngayon ikaw naman, kuya, boyfriend ko nga pala si Sean.”
It’s been a while since I visited my brother and parents, excited pa naman sana ako na balang araw ipakilala ang magiging boyfriend ko sa kanila kaya lang sa ganito pa lang paraan mangyayari.
Huminga ako ng malalim. “Kuya, kinakaya ko… kung nung una akala ko mag-isa na lang akong lalaban sa buhay, hindi pala.” Tinignan ko si Sean na naka-akbay sa akin, pinisil pa niya ang balikat ko. “God sent me a person to help me, accompany me, protect me and love me just the way you do.” Tumulo na ang luha ko. He smiled and brushed the tears away.
“I promise to stay by your side forever. Hinding hindi kita sasaktan.” He leaned and gave me a quick kiss.
I miss you, kuya, mama and papa. You will be always in my heart.
“Okay ka lang?”
Sinulyapan ako ni Sean habang siya ay nagmamaneho. Hinahatid niya ako sa Northride. Natapos na ang hell week and hello Arts Festival na! I heard my special performance ang nasa ballet program dahil mag-pe-perform daw kasama nila ang isang ballerina na naging alumni rito. For the last two years, naging part siya ng Singapore Ballet but now, she has a studio and currently teaching those ballerina enthusiasts.
“Yeah, I’m okay. Don’t worry, mahal.” I smiled. “Ahm, susunduin mo ba ako mamaya?”
He faced me, sakto kasi nasa intersection na kami at nag red light.
“Of course, mahal. 6PM pa lang nandito na ko, I’m going to watch the ballet performance too.”
He is going to watch the performance? So, he is into this kind of thing or may nag-invite sa kanya? Hindi ko siya inimbita sa festival dahil hindi ako kasali sa mga kakanta sa batch namin. I’ll be working on the backstage, now I’m curious.
“O-oh? Nice! Sana mag-enjoy ka.” I tried not to sound doubtful at tingin ko naman effective dahil wala naman siyang nasabi pa at ngumiti na lang.
It takes us 30 minutes sa biyahe bago kami makarating sa school. I’m going to open the door when Sean stopped me.
“Hep! Hep! Asan yung energy booster ko?”
‘Di ko na-gets nung una pero nung ngumuso na siya ay doon ko pa naisip na kiss pala ang tinutukoy niya.
He is approaching towards me and instead of kissing him on the lips ay sa pisngi ako humalik at nagmadaling bumaba sa kotse niya.
***
Around 6PM nga ay nagsisidatingan na ang mga bisita at mga estudyante sa auditorium na manonood sa mga inihandang performances. Hinahanap ng mga mata ko si Sean and there I find him sitting at the upper left near the vomitorium. ‘Di niya ako nakikita dahil nakatago ako sa gilid ng backstage.
At first, wala siyang katabi pero may humintong babae sa side niya at tinapik siya sa balikat. Tumayo si Sean at masaya niyang binati, nagbeso pa sila sa isa’t isa. I wonder who she is.
“Good evening, ladies and gentlemen! It is my pleasure to welcome everyone to our beautiful venue tonight. Witness the different performances given to us by the students of Northride School of Fine Arts and the most awaited special performance of our very own alumni, our Swan Princess, Ms. Nathalia Reign.”
Official na ngang nagsimula ang programa, lahat ay excited sa mapapanood nila. As I look at Sean again, busy siyang nakikipagkwentuhan doon sa babae.
“Lexi, tawag ka ni ma’am!”
Nilingon ko ang kaklase ko. “Susunod ako.”
I looked at them one more time and then went back to the dressing room where most of my classmates and teacher are preparing.
“Bakit nakabusangot ang mukha ng besty ko?” Tumayo sa harapan ko si Coleen. Katatapos niya lang ata magbihis. After ko siyang panoorin ay dumiretso na ako dito. Hindi ko na inisip pa na tignan ulit sa audience si Sean, tutal masaya naman siya dahil sa kasama. “At bakit ka dito naka-upo sa gilid ng dressing room? Hindi mo ba pinanood ang last performance?” Nakapamewang pa niyang usisa sa akin.
I shook my head. “I want to go home.”
Parang naubos ang energy ko ngayon araw, dumagdag pa sa alalahanin ko yung nakita ko kanina.
“Eh di, magpasundo ka na sa boyfriend mo. Malapit na rin namang matapos ang program.”
Hmp! May kasama naman ‘yon, panigurado ‘di niya ako maihahatid.
“Oh, speaking of…” narinig kong sabi ni Coleen. Lumingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.
It was Sean and beside him is the girl who’s with him earlier and now walking towards us.
Pasimple akong kinalabit ni Coleen sa may braso.
“Sino ‘yang kasama niya? In fainess, maganda.”
I glared at her at ngumisi lang siya sa akin.
“Syempre kampi ako sayo kaya ikaw ang pinakamaganda.” May pang-uuyam sa tono ng pananalita niya. Pero totoo nga, she is beautiful.
“Hi kuya Xavier at sa kasama mo.” Kumaway siya at tipid na ngumiti.
“Hello.” Sagot niya kay Coleen at sinulyapan ako. Marahil ay sinusuri ang nagiging reaksyon ko. He approached me and kissed my lips in front of Coleen and to that girl.
“Ang tamis! Lalanggamin kayo diyan, ha.” Pabirong saad ni besty.
I saw the girl laugh when Coleen said that. Nakakainis! Hindi man lang nahiya ‘tong lalaking to! Palibhasa alam niya kung ano ang weakness ko.
“By the way girls, let me introduce my childhood friend, Katrina Napalcruz. She’s the cousin of Ms. Nathalia yung nag-perform kanina.” He said cheerfully.
Now I get it. She was the one who invited Sean to watch the program. Pero bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Well, bakit ko pa yun iniisip? Anong laban ko sa childhood friend niya? Syempre, kababata niya ‘to, matagal na niyang nakilala. Syempre, hindi siya makakatanggi.
Am I overthinking again? Am I jealous? Of course, YES and YES!
“Mahal, she is inviting us sa surprise engagement party ng pinsan niya.”
I looked at her and she smiled and waiting for my answer.
“I-I’m tired. Kayo na lang, uuwi na ako.” Tipid kong sagot at pumasok sa dressing room para kunin ang gamit ko.
Paglabas ko ng dressing room ay nandoon pa silang tatlo. Coleen mouthed ‘What the hell?’ at umiling. Okay, I guess hindi maganda ang pinapakita ko sa kaibigan ni Sean but masisisi niya ba ako? Nagkataon pang pagod ako, I do trust him, but I can’t stop myself to get jealous.
“Mauna na ako.”
Hinawakan ako ni Sean sa braso. “Wait, ihahatid na kita.” He turned his head to Katrina. “Trina, sabay ka na sa amin?”
When he said that, I immediately look away.
“No need na.” Even her voice is beautiful. “Sa palagay ko, kailangan niyong mag-usap dalawa. Amoy na amoy ko ang pagseselos niya, eh.” She giggled.
Aba’t! Nilingon ko siya. “I-I’m not jealous!”
“Hay naku, besty! Ang galing mong magsinungaling.” Lumapit siya kay Trina. “Ms. Trina, ako na lang maghahatid sayo. If you don’t mind.”
“Oh, sure! Thank you sa offer.” Tumingin siya ulit sa gawi namin. “I’ll go ahead, and Lexi, the guy in front of you loves you so much. Head over heels yan sayo, panay ang kwento niyan sa akin. You don’t have to worry, he’s a good guy. Hindi ka niya lolokohin.”
Ngumiti lang siya ulit at lumakad na sila ni Coleen. Ilang saglit lang ay nakatanggap ako ng text message.
From: Besty
Oh, ano? Pahiya ka gurl! :p