"Hello, Bro?" sagot ni Jake sa kaniyang cellphone nang makita na si Nicholas ang tumatawag. Sinenyasan niya si Hazel na papasok muna siya sa kaniyang private office. "Nasa company ka na ba?" tanong nito sa kaniya. "Oo and kasama ko na si Hazel." Inilapag niya sa mesa ang dalang bag at umupo siya sa kaniyang swivel chair. "Don't loose your guard, Jake, dahil magsisimula na ang tunay na laban. Alam kong hindi papayag si Cindy na aalisin siya sa posisyon niya at ibibigay sa'yo. Siguradong gano'n din si Daddy," bilin sa kaniya ni Nicholas. "That's given. Kahit sino naman siguro lalo na kapag may hidden agenda sa kompaniya. Anong gagawin ko ngayon?" "Ask Hazel to contact Mira. Alam kong marami siyang alam tungkol sa kompaniya at kay Daddy. We can team-up with her para pagdating ng sha

