SAGLIT na natigilan si Xin nang mailapat ang dahon ng pintuan ng silid ni Amber. Gusto lang sana niyang mag-sorry sa asawa matapos maliwanagan sa mga sinabi ni Nanay Ynes sa kaniya kagabi, pero hindi niya namalayan na nakatulog siya roon. Napapaisip siya ngayon. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang naramdaman kanina nang mamulatan sa kaniyang tabi si Amber at yakap ito. Pakiwari niya ay bumagal sa pagtibok ang kaniyang puso at tila naibigan sa tabi nito. Nanghinayang siya sa totoo lang at ninanais na manatili pa sa tabi nito pero pilit niya iyong itinatanggi sa sarili. Nasa ganiyang pag-iisip siya nang 'di sinasadyang napatingin kay Nicole na mukhang kanina pa nakatayo sa tapat ng pintuan ng kaniyang silid. Nataranta siya sa isip na nahuli siya nitong lumabas sa silid ni Amber. "Mali

