NAGPUPUYOS sa galit si Carl Xin. Pabagsak siyang naupo sa kama at hindi namalayan ang pagbagsak ng mga luha dahil sa labis na galit. Hindi niya alam kung bakit o para saan, marahil ay dala na ng samo't-saring emosyon na nararamdaman. Pinunas niya ang mga luha at sinubukan pakalmahin ang sarili. Narinig niya ang marahang mga katok sa pinto kasunod ang pagbukas niyon. Gayunpaman ay hindi siya nag-abalang tumingin doon. "Xin," si Nanay Ynes iyon, mahinahon na ang tinig nito hindi kagaya kanina. Lumapit ito palapit sa kinaroroonan niya. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Hindi ka naman dating ganiyan." Bakas sa tinig nito ang lungkot. "Bakit kailangan mo 'yong gawin kay Amber? Wala siyang kalaban-laban sa 'yo." Napatiim-bagang siya. "Kasalanan ito ni Dad,” paninisi niya sa ama. “If he hadn't

