KAGAYA ng dati ay nahihirapan na namang matulog si Amber. Malalim na ang gabi pero dilat na dilat pa rin ang kaniyang mga mata. Mabuti na lang talaga at weekend dahil kung hindi ay tiyak na aantukin na naman siya sa klase. Mula noong lunes limang araw na ang nakaraan, pagdating nila roon sa bahay ay hindi na naman sila nagkibuan o nag-usap ni Xin. Kahit pa nga magkasabay silang kumain, nagkakasama sa sasakyan kapag hinahatid at sinusundo siya nito. Naisip niya na mas mabuti na rin siguro iyon sapagkat napapagod na rin siyang makipagtalo sa asawa. Bumangon siya at umibis sa kama. Nagsuot ng robe dahil manipis lang at maikli ang suot niyang pantulog. Lumabas siya sa balcony at lumanghap ng sariwang hangin. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa pasimanu at tumanaw sa malayo. Ilang san

