XI - Invited

1356 Words

KAGAYA kahapon ay idinaan niya si Amber sa university bago dumiretso sa trabaho. Nang ihimpil niya ang kotse sa labas ng gate ay hinayaan niya itong magbukas ng pintuan ng sasakyan para sa sarili nito. "Bakit parang ang dami mo yatang dalang gamit ngayon?" puna niya kay Amber nang mapansing bahagyang namumutok ang bag nito. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pag-aalalang lumarawan sa mukha nito kaya naman lalo siyang nagduda. "Let me check it." Akmang kukunin na niya ang bag nito nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa suit pocket sa naka-hanger niyang suit coat sa bandang likod ng kinauupuan niya. Nang makita ang pangalan ng bestfriend na si Nicole ay kaagad niyang sinagot ang tawag. "Bye," narinig niyang sabi ni Amber na nagmadaling bumaba sa sasakyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD