NANG matapos ang klase nila kinahapunan ay hindi na sila umuwi dahil isinabay na sila ni Sam sa kotse nito. Doon pa lang sa sasakyan ay iniabot na nila ang kanilang mga regalo para sa binata. Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe nang maipit sila sa matinding trapiko. Napatanaw siya sa labas ng sasakyan at napangiti nang makita ang kulay gray na pusa, karga ito ng amo nitong nakatayo sa gilid ng kalsada at tila may hinihintay. "Gusto mo ng pusa?" tanong sa kaniya ni Sam. Napansin nito ang pagtitig niya roon kaya tinanong siya nito. Katabi siya nito sa unahan habang ang tatlo ay nagsisiksikan sa backseat dahil four seaters lang ang sasakyan ni Sam. "Sobra, kaya lang ayaw ni Dad ng cat sa bahay, allergic kase si Mommy sa cat, eh," sabi niya sabay lingon dito. "Pero 'di ko sure kung p'wed

