NATIGILAN si Xin at napaligid ang tingin sa lobby ng company building nang mapansin ang kakaibang tinginan ng mga empleyado habang pasimpleng nagbubulungan. Pakiramdam niya ay siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating ang VIP elevator. Nang makarating siya sa opisina ay kapansin-pansin ang pagkagulat ng secretary niya nang makitang bumungad siya. Ganunpaman ay kaagad itong tumayo. "Good morning, Sir Xin," bati nito sa kaniya. Napansin niya nang pasimple nitong hinaan ang volume ng cellphone nito at itinaob sa ibabaw ng table. Bagay na labis na niyang ipinagduda. "Let me see that." Mabilis siyang kumilos palapit dito at wala itong nagawa nang kuhain niya ang cellphone nito. Kaagad na napaangat ang mga kilay niya nang makita ang panakaw na kuha

