PARANG tinambol ang dibdib ni Carl Xin nang mabuklat ang isang envelope na hindi sinasadyang nakapa niya sa ilalim ng unan ni Nicole. Mga papeles iyon para sa naturalization ng mag-ina sa New York. "Xin!" tawag ni Nicole sa kaniya buhat sa bathroom. Kaagad niyang ibinalik ang envelope sa pinaglalagyan nito at inayos kagaya ng dating puwesto para hindi mahalatang ginalaw iyon. "Bakit?" tanong niya rito na pilit itinago ang sakit na nararamdaman upang hindi gumaralgal ang kaniyang tinig. "May damit ka pa riyan. Sumabay ka na sa 'kin dito," sabi nito na sumilip pa sa pinto. "No. I have to go." "I thought you're gonna sleep here, malalim na ang gabi, Xin." "Yes, but, kailangan ko palang agahan bukas sa opisina," pagdadahilan niya. "Ah, okay," maikling wika nito. Lumapit siya at di

