Nandito na sya ngayon sa tapat ng bahay nila Kendra. "Sino po sila?" "Hi im Stanley, nandyan ba si kendra —————- i mean KC?" "Wala po sir, kaka alis lang po." "Ganun ba, eh ang mga bata nandyan ba ————- sila Sky and Stacey?" "Bakit po?" Napansing nyang nagdududa sa kanya ang katulong. "Pamangkin ako ni tita Rose, i wont do bad to the kids. I just want to see them." "Bawal po kasing magpapasok ng hindi ako sinabihan ni maam eh." "Dont worry, kendra knows me." Agad nyang pinakita ang picture nilang dalawa sa cellphone nya at tulad sa katulong ni tita rose, nakumbinsi nya itong papasukin sya. Pagkapasok nya ay napansin nya agad ang ingay na nagmumula sa kusina. Marahil ay kumakain ang mga bata. Naglakad sya papunta sa mga ito at sumilip. "Stacey, i told you to finish your meal."

