Kanina pa nya gustong yakapin at halikan ang babaeng nasa harap nya. Bakas sa mukha nito ang pagka gulat ng makita sya. Halos mapanganga ito at manlaki ang mga mata. "What are you doing here?" "Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan, why are you here? Bigla ka nalang umalis without telling me. "Pwede ba Stan umalis ka na dito. Hindi ka welcome dito." Napansin nyang naglulumikot ang mga mata nito at may hinahanap. "Are you looking for the kids?" "What do you mean?" "I mean OUR kids. Nasa taas sila at natutulog." Bakas sa magandang mukha nito ang inis sa sinabi nya. "Anong pinagsasabi mo?" "May plano ka bang sabihin sakin ang tungkol sa mga anak NATIN?" "Wala kang anak dito." "Dont try do deny it honey. Alam na alam ko pag nagsisinungaling ka. For Four years, siguro nga nagawa mo

