Chapterr 53 Danica Makalipas ang ilang minuto ay inilapag na ako ng lalaki sa lupa. Nakatayo ako at kumapit naman ako sa braso niya ng mabuti. ''Nasusuka ako,'' wika ko at dali-daling bumitaw sa kaniya at nagtungo kung saan at lumuhod. Isinuka ko ang kinain at ininom ko kanina. Narinig ko naman ang boses ni Itay kaya nawala ang kaba ko dahil ibig sabihin sa bahay na ako. ''Punyeta ka talagang bata ka. Iinom-inom ka tapos hindi mo naman pala kaya! Hala, bilisan mo na riyan at maligo ka para malamigan 'yang utak mo!'' sermon sa akin ni Itang. Matapos akong magsuka ay pinilit kong makatayo at humarap kay Itay. ''Itay, nakainom ako pero hindi ako lasing! Hikk... Kaya huwag ka na magalit Itay!'' ''Talaga lang na hindi ka lasing? Tingnan mo nga ang sariii mo. Hindi ka na nahiya sa asawa

