‘Men talk of killing time, while time quietly kills them.’ – Dion Boucicault
“Bakit niyo naman biglang naisipan mag-bar?” tanong ko sa kanila habang papasok kami. Sa tatlong araw kasi na umulit ay isang beses ko lang silang nayaya na mag-stay kaya naman nakakapagtaka na sila pa ang naunang magyaya ngayon.
“Bakit mo naman biglang naisipan na sumama sa bar?” balik na tanong naman sa akin ni Hazel kaya tinarayan ko lang siya. Ang ganda talagang kausap as always.
Kaya lang din naman talaga ako pumayag ay para maranasan ko lang ulit makapag-bar. Nakapunta na ako sa bar before pero isang beses lang dahil sa bar ginanap ang birthday party ng isa sa mga kakilala namin. At isa pa ay hindi naman talaga ako umiinom kaya walang dahilan para pumunta ako sa bar.
Kaya nga naisipan ko na sumama sa kanila ay para maranasan ko naman ang magpaka-walwal kahit paminsan-minsan lang. Isa ‘to sa mga na-realize ko. Marami pa pala talaga akong bagay na hindi nae-enjoy.
Na masyado kong hinihigpitan ‘yong sarili ko, thinking na hindi maganda or hindi ideal na gawin ang mga ‘yon. Which is wrong, kasi normal lang naman siya sa edad namin. Especially, that we are in our 20s. Pakiramdam ko tuloy ay mas marami pang alam kaysa sa akin ‘yong mga teenagers.
Kapag natatambay kasi ako sa social media ay nakikita ko ‘yong mga shared post ng ilan sa mga kaibigan ko na ang babata pa lang ay ganito na ang ginagawa na hindi naman dapat gawin sa edad nila. Kaya tumataas din ‘yong rate ng teenage pregnancy, kulang kasi tayo sa education when it comes to this kind of things.
“Bakit pala biglang nagbago ang isip mo at pumayag ka?” tanong naman ni Luna kaya sa kanya ako bumaling. Masasabi ko na mas matino talaga siyang kausap kaysa kay Hazel.
“Gusto ko lang mag-unwind,” sagot ko sa kanya at sumingit na naman si Hazel sa usapan namin.
“Taray, gusto mag-unwind, sana always, bakla ka lagi kang nakakulong sa unit mo, daig mo pa ang preso,” reklamo niya pa. Ang talas talaga ng pandinig niya. Kahit na nasa unahan namin siya ay naririnig niya pa rin ang pinag-uusapan namin ni Luna. Basta talaga kapag chismis ay ang talas ng pandinig.
Nang makabalik sa waiting room ay naabutan ko si Lhia na nag-aayos ng mga gamit niya. Bigla tuloy akong na-guilty dahil kanina ko pa pinapasakit ang ulo niya. Alam ko nang stress din siya sa trabaho niya dahil ang dami talaga nilang ginagawa ngayon tapos ito ako, nakikidagdag pa sa sakit ng ulo niya.
“I’m sorry, Lhia,” wika ko sa kanya kaya naman tumingin siya sa akin. Mabuti na lang at naiwan sa labas sina Hazel at Luna. Tinatamad na raw kasi silang maglakad kaya naman hihintayin na lang nila ako.
“It’s fine. I can see na stress ka rin because of some other things. But I hope na-enjoy mo pa rin ang araw na ‘to,” she said kaya naman kahit papano ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.
“Thank you for the kind word, Lhia,” wika ko at niyakap siya. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko pero niyakap niya rin naman ako pabalik. Minsan lang naman kasi talaga ako mag-drama kaya naman malamang ay na-weirduhan din siya sa kinikilos ko. “Anyway, magba-bar kami nila Hazel, wanna join?” pagyaya ko sa kanya.
Kaagad naman siyang umiling at tinuro ang tambak ng papel na nasa mesa. “Sorry, I can’t. Ang dami ko pa kailangang tapusin. Maybe next time.”
Tumango na lang ako sa kanya at kinuha na ang mga gamit ko. Saka ko lang din napansin na may mga regalo pa palang binigay ang mga readers ko. Na-touch naman ako bigla. Ngayong napansin ko ‘to, na-realize ko na hindi ko pa pala nabubuksan ang mga regalo nila.
Wala rin naman kasi akong time na buksan dahil hindi na rin naman na ako umaabot sa bahay dahil patay na rin ako. Pero today, I will make sure na mabuksan ang mga regalo nila. At dahil medyo marami ang mga ‘yon ay nagpatulong pa ako sa staff na dalhin lahat ‘yon sa kotse ko.
Nauna na ring umalis si Lhia dahil may meeting pa sila. Kung ako ay laging nasa bahay at nagsusulat, siya naman ay laging nasa opisina niya at nagta-trabaho. Napaka-workaholic. Wala naman siyang sinusuportahan dahil wala pa naman siyang pamilya.
At hindi rin naman siya nagbibigay sa pamilya niya dahil may kanya-kanya silang trabaho at may negosyo pa ang mga magulang niya. Kaya nga minsan ay sinasabihan ko siya na mag-enjoy sa buhay dahil masyado na siyang dedicated sa trabaho niya.
Ang lagi naman niyang sinasabi ay nage-enjoy siya sa ginagawa niya. Na kahit na mahirap ay natitiis niya dahil gusto niya ang ginagawa niya. At nang subukan kong ilagay ang sarili ko sitwasyon niya ay na-realize ko na parehas lang din pala kami.
Kaysa mag-enjoy nang mag-enjoy ay mas gusto ko na nasa unit ko lang ako nakatambay, nanonood o kaya naman ay nagbabasa. Nage-enjoy na rin naman na ako sa gano’ng paraan. Parang ‘yon na rin kasi talaga ang way ko para pampawala ng stress.
Iba-iba lang talaga ng coping mechanism ang bawat tao.
Matapos naming ilagay ang mga regalo sa sasakyan ay nagpasalamat na ako sa kanila at nagpaalam. Nang makaalis sila ay nag-ok sign na rin ako kay Luna. Nasa loob na kasi sila ng sasakyan at handa nang umalis. Walangd alang sasakyan si Hazel kaya naman magkasama sila.
Nag-ok sign naman pabalik si Luna kaya tumango na lang ako at nauna na silang umalis. Basta usapang bar po inumin ay ang bibilis talaga nilang dalawa. Hindi na rin naman na ako nagpatagal pa at sumunod na rin sa kanila.
Hindi naman gano’n kalayo ‘yong bar na sinasabi nila pero aabutin pa rin ng ilang minuto sa byahe. Nabigay naman din sa akin ni Hazel ang address kaya naman ng mawala ang sasakyan nila sa paningin ko ay hindi na ako nag-panic.
Medyo mahina kasi talaga ako sa lugar, kaya nga bihira ko lang din gamitin ‘tong kotse ko. ‘Yong tipong kahit may mapa na ay minsan ay naliligaw pa rin ako. Kaya nga mas gusto kong mag-commute, medyo hassle lang pero mas okay para sa akin.
Isa pa ay nakakakuha rin kasi ang ng istorya sa mga taong nakikita ko. ‘Yong tipong kapag tinignan ko lang sila sandali ay makakaisip kaagad ako ng idea sa kung ano ang sunod kong pwedeng isulat. Kaya nga ang dami ko na ring notes sa cellphone ko.
Ang problema ay kapag isusulat na. Napakadali lang naman kasi talagang makaisip ng mga ideya, concept, o theme na pwede mong isulat. Pero ang mahirap ay kapag sisimulan mo na. ‘Yong tipong nasa simualng chapter ka pa lang ay na-stuck ka na kaagad.
Kaya naman ang ginagawa ko ay notes lang ako nang notes kapag may pumapasok na ideya sa utak ko. Kahit na sobrang gulo, basta masulat ko ‘yong mga importanteng point ay okay na ‘yon. Kaya ang ginagawa ko ay inaayos ko ‘yong mga ideya na ‘yon kapag super cooperative ng utak ko.
Like, sunod-sunod ‘yong ideas and scenarios na naiisip ko. Hanggang sa makabuo ako ng story sa utak ko, ‘yon na ‘yong susundin ko. Na tipong kahit inaantok na ako ay sulat pa rin nang sulat. Hindi ko kasi alam kung kailan ulit ako tatamarin, kung kailan ulit ako magkaka-writer’s block.
Kaya naman hangga’t nakikisama pa ang utak ko ay sulat lang. Nakakapagod sa simula pero kapag lagi mo ring ginagawa ay masasanay ka na rin. No’ng una pa nga ay ang bilis mangalay ng mga daliri ko kata-type, tapos ‘yong mata ko ay parang naluluha na ewan dahil ang tagal nakatutok sa laptop.
Pero nasanay na rin ako dahil madalas kong ginagawa, kaya nama kaya kong tumagal nang mahigit sampung oras sa harap ng laptop ko.
Pero syempre ay may interval pa rin. Kada may natatapos ako na part ay nagpapahinga ako sandali para hindi mapagod kaagad ang utak ko. At effective naman siya. ‘Wag lang talaga akong madi-distract para tuloy-tuloy ang gawain.
Kaiisip ko tungkol sa pagsusulat ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bar na tinutukoy nila Luna. Kaagad naman akong dumiretso sa parking at nang makita ko ang sasakyan nila ay ipinarada ko na rin ang akin katabi lang ng kanila.
Paniguradong hindi rin naman namin magagamit itong sasakyan dahil hindi na kami makakapag-maneho pauwi. Siguro ay magta-taxi na lang ako since hindi naman sobrang layo mula rito ang apartment ko.
Nang makaparada ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at pumasok na rin sa loob.