Chapter 18

1531 Words
‘Time brings all things to pass.’ – Aeschylus Natigilan naman ako ng marinig ko ‘yong pamilyar na boses na ‘yon kaya naman agad akong napatingin sa kanya. “OMO! OMO! OMO! Ako na!” excited na wika niya at kaagad na lumapit sa akin. Nang makalapit siya ay agad naman niyang ibinigay ang libro na hawak niya kaya naman napangiti ako sa kanya. “You are a super fan,” panimula ko kaya naman natigilan siya. “Lahat ng novels ko ay nabasa mo na at lagi kang nakaabang sa mga updates ko. You’re sharing and telling my stories to your friends para basahin din nila kasi nakapaganda ng mga sinusulat ko, for you,” tuloy-tuloy kong sabi. “Miss Tracy,” hindi makapaniwalang sabi niya kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Your favorite novel of mine is D-day kasi pakiramdam mo ay ang astig no’ng bida. And we share the same interest kaya naman nakilala mo ako at madali mong nagustuhan ang mga novels ko. Right, Anna?” Wala sa sariling napatango naman siya kaya naman ngumiti ako sa kanya. Dalawang beses na niyang nabanggit sa akin ang bagay na ‘yan kaya naman kagaya nila Lhia at Luna ay alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Parang na-estatwa tuloy siya sa harapan ko dahil sa mga sinabi ko. Pakiramdam ko tuloy ay masyado ko siyang nabigla. Sana pala ay dinahan-dahan ko para naman hindi information overload sa kanya. “Here,” I said at inabot ko na ang libro. Mukha namang natauhan siya at muling tumingin sa akin. “P-paano niyo po nalaman ang ‘yon?” nagtatakang tanong niya kaya naman muli akong ngumiti sa kanya. “Sinabi mo sa akin.” “Po?” naguguluhang tanong niya pa pero hindi na ako sumagot. Mukhang may gusto pa siyang sabihin kaya lang ay pinaalis na rin siya sa pila dahil marami pang nakapila at naghihintay bukod sa kanya. Maya-maya lang din ay napansin ko na sa pila sina Hazel kaya naman nang siya na ang magpapapirma ay agad kong kinuha ang libro mula sa kanya. “Wow! Truly pala ‘yong sinabi ni Luna. Alam mo na pala na pupunta kami,” reklamo niya pa kaya naman saglit akong tumingin sa kanya at muling bumalik sa pagpirma. “Bakla ka, sana naman nagpanggap kahit papano na na-surprise ka.” “Hindi ako magaling umarte,” sabi ko na lang sa kanya at inirapan niya ako. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa inasta niya. Madalas na mapagkamalan na spoiled brat si Hazel dahil na rin sa kilos at pananalita niya. Mukha lang talaga siyang mataray at maarte pero mabait naman siya. Though, mataray talaga siya at times, which is I think na normal lang naman sa babae. Sumunod naman si Luna kaya naman agad ko ring pinirmahan ang libro niya. “Bar, sama ka?” tanong niya kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Umangat-angat pa ang kilay niya kaya naman napatango na lang ako. “Sure, basta ba ay hintayin niyo ako,” sagot ko sa kanya habang ang tingin ko ay nasa libro. “Woah! Ikaw ba talaga ‘yan, Tracy Valerie Montes?” pagbabanggit niya pa sa buong pangalan ko. “Mamaya na lang,” sabi ko at ibinalik na ang libro sa kanya. Sumenyas naman si Hazel na magte-text siya kaya naman tumango na lang ako sa kanya. Nang mapansin ko na umalis na sila ay muli ko nang itinuon ang atensyon ko sa iba pang nakapila. Iilan na lang naman na sila kaya naman palagay ko ay maagang matatapos ang event ngayon. Pabor naman sa akin ‘yon dahil ibig sabihin ay mas maaga rin akong makakaalis sa lugar na ‘to. At dahil hindi naman na masyadong nagtatanong ‘yong mga nakapila ay naging mas mabilis ang sequence namin. Dahil pagkatapos kong pirmahan ang libro nila ay magpi-picture kami at ‘yong susunod naman. Natatagalan lang talaga kapag nagtatanong sila o kaya naman nanghihingi ng advice kung paano ba magsulat. Napayuko naman ako sandali dahil nalaglag ‘yong ballpen ko, mabuti na lang at sa palda ko lang nahulog kaya naman hindi nasira. “Your name, please,” wika ko sa sumunod habang inaayos ko ‘yong dress ko. “Andrew.” Natigilan naman ako ng marinig ko ang pangalan niya. Kaagad din akong nag-angat ng tingin dahil parang pamilyar ang boses niya. At tama nga ang hinala ko dahil siya ‘yong lalaki na muntik ko nang mabangga kanina. Ilang segundo pa akong napatitig sa kanya bago ako natauhan at sinimulan na pirmahan ang libro niya. Ang weird. Parang may mali. Pakiramdam ko ay may mali sa mga nangyayari. Matapos kong pirmahan ang libro ay ibinalik ko na ‘to sa kanya. Bago siya umalis ay tinitigan niya pa ako kaya naman hindi ko maiwasan na ma-conscious sa mga tingin niya. Mabuti na lang din at tumalikod na rin siya kaagad kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Kaagad din namang may sumunod na reader kaya naman naagaw no’n ang atensyon ko. Itinuon ko na lang din ang atensyon ko sa kanila dahil napansin ko na kakaunti na lang naman na ang mga nakapili. Hanggang sa matapos ang event nagpasalamat lang ako sa kanila at umalis na rin. Pagdating ko naman sa backstage ay muli kong natanaw ‘yong lalaki, si Andrew. At do’n ko lang napagtanto kung ano ‘yong mali na nararamdaman ko. Dahil siya, siya ‘yong mali. Sa dalawang araw na naganap ‘yong event ko ay hindi ko siya nakita. Never siyang pumunta. Kaya naman nakakapagtaka na naka-attend siya sa event na ‘to. Nang mapansin ko na papaalis na siya ay hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at agad ko siyang hinabol. Lakad takbo naman ang ginawa ko para lang maabutan siya. Kaya lang ay sagabal ang stiletto na suot ko dahil natatapilok ako. Pero tiniis ko ang sakit ng paa ko at mas binilisan pa ang paglakad na ginagawa na halos tumakbo na ako para lang maabutan siya. Kaya lang pagdating sa labas ay hindi ko na siya matanaw pa. Masyado nang maraming tao dahil may mall sa gilid. Hindi ko naman nakita kung saan siya lumiko o pumunta kaya hindi ko alam kung saan ako didiretso. Napabalikwas lang ako sa pwesto ko ng biglang may kumalabit sa akin kaya naman napatingin ako kung sino ‘yon. Do’n ko lang napansin na sina Hazel at Luna pala ‘yong kumalabit sa akin. “Bakla ka, anong ginagawa mo rito sa labas? Tapos na ba ‘yong event?” tanong ni Hazel pero hindi ako masyadong makapag-focus sa kanya dahil patuloy sap ag-ikot ‘yong paningin ko para hanapin ‘yong lalaki. “Hoy, ayos ka lang ba?” tanong niya pa at kinaway-kaway ang kamay niya sa harapan ko. “Yeah, ayos lang,” sagot ko sa kanya at napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko na siya nakita pa. Nang may maisip na paraan ay kaagad ko namang kinuha ‘yong cellphone. Pwede kong i-search ‘yong pangalan niya sa social media, baka sakaling malaman ko kung saan siya pwedeng makita. At saka ako nagsimuolang magkalkal sa phone ko. Pero nang makarating ako sa social media app ay hindi ko mailagay ang pangalan niya. Andrew lang ang natatandaan ko dahil hindi ko maalala ‘yong surname niya. Kapag nag-search naman ako gn Andrew ay baka libo-libo ‘yong lumabas dahil for sure ay hindi lang naman siya ang Andrew sa mundo. Ang natatandaan ko lang ay common ‘yong surname niya at madaling matandaan. Pakiramdam ko ay naaalala ko na parang hindi. Parang nasa dulo na ng dila ko kaya lang ay hindi ko masabi. “Hoy! Ayos ka lang ba talaga?” tanong pa ni Luna kaya tuluyan na akong napatingin sa kanila. “Ang weird mo talaga ngayon.” “Oh, iinom mo ‘yan,” at inabot naman sa akin ni Hazel ang iced coffee na iniinom niya. “Baka dehydrated ka lang. Kaya pati utak mo natuyo, ayan may sapak ka tuloy.” Tinanggap ko naman ang binibigay niya at kaagad na uminom. Nang makahigop ay pakiramdam ko tuloy ay uhaw na uhaw ako dahil tuloy-tuloy ang paghigop na ginawa ko. Wala namang kaso sa akin kahit nainuman na niya ang straw. Ayos lang din naman sa kanya. At isa pa ay normal na sa amin ang ganito, mainom sa inumin ng isa. Nang mapatingin ulit ako sa kanya ay napansin ko na naiiling-iling siya kaya naman tinarayan ko na lang siya at inubos ang kape niya bilang ganti. Nakita ko pa kung paano manlaki ang mata niya ng ibalik ko sa kanya ang baso na yelo na lang ang laman. “Thank you,” sabi ko pa at pinunasan ang bibig ko. “Bakla ka talaga.” Natawa na lang sa amin si Luna. Bumalik na rin naman na kami sa loob dahil kailangan ko pang kunin ang gamit ko. Bago muling pumasok ay napasulyap pa ulit ako sa paligid. Baka sakaling makita ko siya kaya lang ay wala talaga kaya naman sumunod na lang din ako sa dalawa papasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD