Chapter 20

1508 Words
‘There is one kind of robber whom the law does not strike at, and who steals what is most precious to men: time.’ – Napoleon Pagpasok ko sa loob ay napansin ko kaagad ang damit ko. Mabuti na lang din talaga at sakto ang damit ko rito sa bar, hindi nakaka-out of place. Kaagad ko namang hinahanap sina Hazel dahil ang mga bruha ay hindi na ako hinintay, sabi ay sa entrance ay aabangan nila ako pero wala naman na sila. Mabuti na lang at hindi palatanong ‘yong guard kaya nakapasok kaagad ako. Nang matanaw ko sila ay kaagad akong naglakad papalapit sa kanila, kumaway din naman si Hazel kaya mas mabilis ko silang nakita. Salungat sa inaasahan ko, kahit na hindi pa sobrang malalim ang gabi ay marami na ring tao. Nang mapatingin kasi ako sa oras ay alas-otso pa lang ng gabi kaya naman mukhang magdamagan ang mga tao na narito. Hindi pa naman gano’n kaingay kahit na marami na ring tao. Karamihan ay nasa kanya-kanya nilang pwesto at tahimik na nag-iinuman. Mukhang hindi ito katulad nang bar na naiisip ko. Pakiramdam ko tuloy ay mga sosyalin at mayayaman ang mga narito. Nang makarating ako sa pwesto namin ay prenteng nakaupo na ang dalawa habang nagtitingin ng pwede nilang ma-order. Nang tuluyang makalapit ay inabutan din ako ng waiter ng menu kaya naman tumingin na rin ako. Parang bigla tuloy akong nagutom sa mga pagkain na narito. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko na um-order nang um-order ng pagkain. Nakapag-order na rin naman na ng inumin si Hazel dahil siya naman ang mas nakakaalam sa aming tatlo. Kung hindi ko pa gano’n kakilala ‘tong si Hazel, iisipin ko na laking bar siya. Paano ba naman kasi ay ginawang regular na tambayan ang bar, mukhang lahat nga ata ng bar na mayro’n sa lugar namin ay napuntahan na niya. Maya-maya lang din ay dumating na ang mga alak na order namin. Parang bigla tuloy akong nalula sa dami. Parang ngayon tuloy ay bigla kong pinagsisihan ang pagpayag ko na sumama sa kanila. Kung bakit ba naman kasi bigla-biglang lumalabas ang pagka-impulsive ko. Ayan tuloy ay madalas kong pagsisihan ang mga ginagawa ko. Pero dahil nandito naman ako para magsaya talaga ay hindi ko na inisip ‘yon. Mamamatay lang din naman ako ay susulitin ko na ang araw na ‘to. Kaya naman nang magsimulang magtagay si Hazel ay do’n na rin nagsimula ang pag-iinuman namin. Nang dumating naman ang mga pagkain ay do’n na napunta ang atensyon ko kaya naman hindi ko na rin naiinom ang alak na binibigay niya sa akin. Mabuti na lang at mukhang hindi niya napapansin dahil abala rin siya sa pag-inom. Pipigilan ko pa sana silang uminom nang marami dahil alam ko na may gagawin pa sila bukas nang bigla kong maalala na posible nga palang maulit ang araw na ‘to. Kaya naman imbes na pigilan ay hinyaan ko na lang silang uminom nang uminom. Maya-maya lang din ay nagsimula nang maglibot-libot si Hazel dahil may mga nakikita rin siyang kakilala niya. Sabi na talaga at suki nang mga bar ang babae na ‘to, kaya ang dami niya ring nakikilala. Nanatili naman kami ni Luna sa mesa at nag-kwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay-bagay. At kahit sandali ay nawala ang isip ko sa mangyayari ngayong araw. Ilang sandali lang din ay tumayo na si Luna at pumunta na sa dance floor. Nagsisimula na rin kasing mas maging hip ang music kaya naman nagsisitayuan na rin ang iba. Nanatili naman ako sa pwesto namin dahil hindi naman nila ako kagaya na malakas ang loob. Hindi rin naman ako mahilig sumayaw dahil parehas na kaliwa ang mga paa ko. Nakakahiya lang kung magkakalat ako sa harap ng mraming tao. Maya-maya lang din ay may umupo sa pwesto namin kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Hindi ko kilala ‘yong lalaki, mukha rin namang medyo nakainom na siya kaya hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya r’yan sa buhay niya, basta ako ay naka-focus lang sa pagkain ko. Pakiramdam ko tuloy ay sumama lang ako kila Hazel para kumain talaga. Hindi ko naman alam na masarap din pala ang mga pagkain sa bar. Parang mas masarap pa nga ang pagkain dito kaysa sa ibang kainan na napuntahan at nasubukan ko na. Bigla naman akong napatingin ulit sa lalaki ng bigla niyang ilapit sa akin ang isang bote nang alak. Mukhang alam ko na kung ano ang plano nito. Mga ganitong galawin ‘yong sa nabasa ko at napanood ko. ‘Yong mga ganitong lalaki ay maghahanap ng babae na pwede nilang kausapin. Bobola-bolahin at syempre kapag nagpadala ka sa matatamis nilang salita ay huli ka, dahil pumasok ka sa bitag nila. Puro pa-pogi lang naman ‘yong mga ganito. Halatang hindi seryoso sa babae kaya sobrang ekis sa akin ng mga kagaya niya. Tinignan ko lang naman siya at nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay kumindat pa siya. Pakiramdam ko tuloy ay masusuka ako sa ginawa niya. Nakakawala naman ng mood ang isang ‘to, kung kailan nagsisimula na akong mag-enjoy ay saka pa siya um-extra. Kaysa naman tuluyan akong mawala sa mood ay iniwan ko na lang siya at dumiretso ako sa dance floor kahit wala naman talaga sa plano ko ang sumayaw. Pero para lang makalayo sa kanya ay go na. Nang makarating ako sa gitna ay sumingit at pa-simple akong nagtago sa kumupulan ng mga tao. Napansin ko naman na sinubukan niya pa akong hanapin pero nang hindi ako makita ay umalis na rin siya kaya naman sinundan ko siya ng tingin. At ayon ang loko, nakahanap kaagad nang panibagong babae na bobolahin. Kaya naman nang masigurado ko na wala na siya ay muli akong bumalik sa pwesto namin at nagsimula nang uminom. Ayaw ko na rin naman nang kumain. Isa pa ay hindi naman talaga pagkain ang pinunta ko rito kung hindi ‘yong alak at para mag-enjoy. Mabuti na lang at pagkatapos no’ng lalaking ‘yon ay wala na ring sumunod. Wala naman kasi akong balak mag-entertain ng kahit sinong lalaki kaya mas mabuti na maghanap na lang sila ng babae. Habang umiinom ay hinanap naman ng mga mata ko sina Luna at Hazel. At ayon ang mga bruha, humaharot na kaagad. Si Hazel ay nasa kabilang table kung saan may mga lalaki at babae pa na nag-iinuman. Habang si Luna naman ay nasa dance floor at may kausap na lalaki. Napailing na lang tuloy ako sa kanila at bumalik na sa pag-inom. Hindi ko alam kung nakakailang bote na ako pero unti-unti ko na ring nararamdaman ang pagkahilo. Ganito pala ang pakiramdam nang malasing, parang bumigat kasi ang ulo ko. Hindi pa naman ako sobrang nahihilo pero kapag tumitingin ako sa ibang direksyon ay parang umiikot na ang paligid. Malamig ang mga kamay ko pero pakiramdam ko ay ang init ng mukha ko hanggang leeg. Pakiramdam ko rin ay wala na ako sa tamang pag-iisip dahil natatawa na lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako natatawa kahit wala namang nakakatawa. Bigla namang may pumasok na kalokohan sa isip ko. Kaya naman ang ginawa ko ay pinagsama-sama ko ‘yong tatlong klase nang alak na nasa mesa namin. Nang tikman ko ay hindi ko nagustuhan ang ginawa ko kaya naman nag-timpla ulit ako ng panibago at kagaya nang una ay hindi rin masarap pero mas okay ang lasa niya kaysa sa nauna. Gano’n lang ang ginawa ko hanggang sa hindi ko na mabilang kung nakakailang shot na ako no’n. Maya-maya lang din ay nakuha ko ang tamang timpla. Yes! Ito ‘yong timpla na gusto ko. Masarap at sakto lang. Itatanong ko pa lang sana kay Hazel kung anong alak ‘tong mga ‘to nang maalala ko na wala nga pala sila, na iniwan pala nila ako rito. Sayang hindi ko pa malalaman kung anong alak ‘to. Masarap pa naman. ‘Yon nga lang ay ang pait nang after taste. Kaya naman ang ginagawa ko ay kumakain ako ng hipon kada tapos kong uminom. Mabuti na lang at nakabalat na ang mga hipon kaya naman hindi na ako mahihirapan pa. Ngayon ko lang din nanapansin na ang sosyal pala ng pulutan nila rito nang mapatingin ako sa pagkain na nasa mesa namin. Mukhang wala naman nang balak ‘yong dalawa na balikan ako rito kaya naman ako na lang ang uubos ng lahat nang ‘to. At sisimulan ko ‘yon sa alak. Muli naman akong nagtimpla, at dahil nakuha ko na ang tamang sukat ay naging maayos na ang lasa niya. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti dahil sa nagawa ko. Titirhan ko na lang sina Hazel at Luna para naman matikman nila ang gawa ko. Tingin ko tuloy ay pwede na akong mag-trabaho rin sa bar, bilang bartender dahil sa sarap nang nagawa ko. Paulit-ulit ko lang ‘yong ginawa hanggang sa hindi ko namalayan na naubos ko na rin pala ‘yong mga alak na nasa mesa namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD