‘The future is uncertain but the end is always near.’ – Jim Morrison
Hindi ko na mabilang kung ilang bote na nang alak ang nainom ko. Basta ang alam ko lang ay nang maubos ko ang mga alak na nasa table namin ay um-order pa ulit ako ng panibago. Hindi ko na nga rin matandaan kung ano ba ‘yong sinabi ko ro’n sa waiter.
Basta tinuro ko lang sa kanya ‘yong mga bote na walang laman sa mesa. Maya-maya lang din ay lumapit naman na siya at dala-dala niya pa ‘yong mga alak ko. Natuwa tuloy ako nang makita ko ang mga ito. Mukhang pwede na akong mag-aral nang bartending dahil marunong naman na ako.
Hindi ko na alam kung ilang oras pa ang lumipas dahil nanatili lang naman ako sa mesa namin hanggang sa maramdaman ko na kailangan kong mag-banyo. Magpapaalam pa sana ako kina Hazel at Luna kaya lang naalala ko na wala nga pala sila ngayon.
Hindi ko alam kung nasaan ang banyo nila kaya naman natagalan pa ako bago ko ito mahanap. Mabuti na lang din at may signage kaya natanaw ko rin kaagad. Pagdaan ko pa sa hallway ay mga natanaw pa ako na naghahalikan.
Naalala ko tuloy ‘yong sa napanood ko na mga series. Kapag nasa bar ka talaga ay hindi mawawala ‘yong ganitong scenario, ‘yong may naghahalikan sa tabi-tabi. Hindi ko naman na sila pinansin pa at dumiretso na sa banyo.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa kanila ay may panibago na naman akong nakita na naghahalikan. Bakit ba naman kasi parang ang haba nang hallway papuntang banyo, ayan tuloy ang daming tumatambay dito.
Sana ay kumuha na lang sila nang sarili nilang kwarto. Ang alam ko ay may mga VIP rooms naman dito, so pwede naman sila ro’n, hindi ‘yong nasa gilid-gilid lang sila.
Iniwasan ko na lang sila at dumiretso na kaagad sa banyo, mabuti na lang din at nakarating ako kaagad. Pagpasok ko ay may naabutan pa akong mga babae na nag-aayos nang makeup nila. Saglit lang naman silang napatingin sa akin at bumalik na rin sa kanilang ginagawa.
Mabuti na lang at may bakanteng cubicle kaya naman pumasok kaagad ako.
Nang matapos ay lumabas na rin naman na ako at naghilamos. Hindi ko alam na ganito pala kataas ang alcohol tolerance ko, ngayon lang naman kasi talaga ako uminom kaya ngayon ko lang din nalaman. Matapos maghilamos ay nag-ayos na lang din ako nang mukha.
Wala na akong panahon pa para mag-retouch dahil nahihilo na rin ako. Isa pa ay sanay naman ako na hindi nagma-makeup kaya ayos lang sa akin na tumambad sa iba ang bare face ko. Well, confident naman kasi ako sa mukha ko.
Habang nag-aayos ako ay naramdaman ko naman na may pumasok kaya lang ay hindi ko na siya pinagtuunan nang pansin dahil inaayos ko ang damit ko. Hindi ko napansin na nabuksan ang zipper sa likod. Kaya pala medyo lumuwag ‘yong sa may bandang braso.
Mabuti na lang at abot ko ‘yong zipper kaya naman hindi na ako nahirapan pa itong ayusin. Inayos ko na lang ang gamit ko dahil lalabas na sana ako nang bigla kong marinig ang pag-lock nang pinto.
Agad akong napatingin sa direksyon na ‘yon at saka ko siya nakita. ‘Yong killer. Kilala ko na ang itsura nang ayos niya dahil ‘yon lagi ang suot niya. ‘Yong hoody, ‘yong cap, at ‘yong face mask. Kaya naman kahit nakatalikod siya ay natatandaan ko na.
Mukhang ito na naman ang oras para mamatay ako. Saglit ko namang tinignan ang relo ko at napansin ko na alas-onse pa lang nang gabi. Mukhang hindi talaga lilipas ang araw na ‘to nang hindi ako binabawian nang buhay.
Dahil alam ko naman na sa huli ay mamamatay lang din naman ako ay hinintay ko na lang na lumapit siya sa akin. nakatayo lang ako sa harapan niya at tinitignan siya. Maya-maya lang din naman ay humarap siya sa akin at tinignan din ako.
Hindi ko matanaw ang mga mata niya dahil medyo may kalayuan siya sa akin pero ramdam na ramdam ko naman ang mga tingin niya. At talagang kahit saan ako magpunta ay mahahanap at mahahanap niya pa rin ako.
Gusto ko tuloy malaman kung anong klaseng koneksyon ang mayro’n siya para lang mahanap at mapuntahan ako kung saan ako pumunta. Parang pakiramdam ko kasi ay wala akong tago sa kanya. Na kahit na pumunta pa ako sa pinakamalayong lugar ay pupuntahan niya pa rin ako.
Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang mapaisip kung tao pa siya dahil sa kakayahan na mayro’n siya. Hindi ko tuloy alam kung mamamangha ba ako sa kanya o matatakot.
“What are you waiting for? You are here to kill me, right?” panghahamon ko pa sa kanya kaya lang ay tinignan niya lang ako. Hindi naman siya umimik at nanatiling nakatayo sa pwesto niya. Hindi ko tuloy alam kung pinaglalaruan niya ba ako o ano.
Ako na ang kusang lumalapit sa kanya, ayaw niya pa ba? Saan ka naman makakakita nang biktima na nagvo-volunteer na sa killer na patayin siya?
“Hey? Go on, nandito na ako, kill me,” hamon ko pa pero tinignan niya pa rin ako.
Hindi ko tuloy mapigilan na makaramdam nang pagkainis sa kanya. Ito na nga ako, handa nang mamatay pero ayaw niya pa ring gawin. Kaya naman binato ko na sa kanya ang pouch ko. Hindi naman siya natamaan dahil ang layo nang pwesto niya sa pinagbatuhan ko.
Nahihilo na rin naman na kasi ako kaya naman doble na siya sa paningin ko, pero kaya ko pa naman. At dahil hindi pa rin siya kumikilos ay muli ko siyang binato nang kung anong madampot ko hanggang sa pati ang bag ko ay binato ko na sa kanya.
Pero ayon, kagaya nang kanina ay hindi ito tumama sa kanya kaya naman nagkalat lang ang mga gamit ko sa sahig. Hindi ko naman mapigilan na matawa sa kagagahan na ginawa ko. Mukhang pati tuloy siya ay nagtataka at nawi-weirduhan na sa ikinikilos ko.
At dahil ayaw niyang lumapit sa akin ay nagpasya ako na ako na lang ang lalapit sa kanya. Kaya lang ay mas naramdaman ko ang hilo kaya naman pagewang-gewang ako habang naglalakad. At dahil nakakalat sa sahig ang mga gamit ko ay hindi ko napansin at natapakan ko ang sling bag ko.
Kaya naman nadulas ako at napaupo sa sahig. Pero imbes na indahin ang sakit ay tuluyan na lang akong napatawa. Tinuro-turo ko pa ‘yong killer habang tumatawa ako.
Hindi ko nga alam kung bakit ako tumatawa kahit wala namang nakakatawa. Siguro ay nababaliw na nga talaga ako. Nasisiraan na nga talaga ko nang bait.
Ikaw ba naman kasi, araw-araw mong maranasan mamatay, ewan ko na lang kung hindi ka rin masiraan nang ulo.
Nang tumigil naman ako sa pagtawa ay napansin ko na naglalakad na siya papalapit sa akin kaya naman umatras ako. Pati tuloy ako ay naguguluhan na sa sarili ko. Kanina ay hinahamon ko siya na patayin ako pero ngayong papalapit na siya ay umaatras naman ako.
At ngayon ko lang na-realize, na kahit ilang beses na pala akong saksakin, barilin, o kung ano pa man. Hindi pa rin pala talaga ako handang mamatay.
Na ayoko pa, kasi marami pa akong gustong gawin. Na hindi pa ako handa kasi marami pa akong pangarap. Na hindi pa ako ready kasi hindi ko pa nahahanap ‘yong taong mamahalin ko. Na hindi pa ito ang oras ko dahil hindi siya ang magpapasya kung kailan ako dapat mamatay.
Kaya naman ginawa ko ang lahat nang makakaya ko at umatras nang umatras. Nang tuluyan naman siyang makalapit sa akin ay buong lakas ko siyang tinadyakan. Kaya lang ay mabilis din siyang nakaiwas. Hindi naman ako makatayo kaagad dahil sa pagkalasing.
Kaya naman bago pa ako makakilos ay nakaluhod na siya sa harapan ko at sinaksak ako.
Sinubukan kong abutin ang cap na suot niya kaya lang ay agad naharang ng isa niyang kamay ang kamay ko. Nanghihina na rin naman na ako kaya naman madali na lang para sa kanya na salagin ang kamay ko.
Mas diniinan niya pa ang saksak kaya naman hindi ko mapigilan na mapaubo nang dugo. At dahil alam kong wala na akong laban ay napatingin na lang ako sa mga mata niya. At sa ika-apat na pagkakataon ay muli kong nakita ‘yong pares nang kulay berde niyang mga mata.
Bago pa ako tuluyang mawalan nang malay ay tinignan niya pa sa huling pagkakataon at saka na siya tumalikod papaalis. Nang maisara niya ang pinto ay tuluyan na ring sumara ang mga mata ko.