Chapter 26

1363 Words
‘Regret for wasted time is more wasted time.’ – Mason Cooley Nang magsimula siyang lumapit patungo sa pwesto ko ay naglakad na rin ako papalapit sa kanya. Nang ilang metro na lang ang pagitan naming dalawa buong lakas kong inihawa patungo sa direksyon niya ang kutsilyo na hawak ko. Pero bago pa tuluyang makatapat sa kanya ang kamay ko ay mabilis na rin niya akong napalo nang manipis na bakal. Dahil do’n ay nabitawan ko ang kutsilyo na hawak ko at tumalsik ito sa gilid. Kaagad naman akong umatras dahil sa ginawa niya. At dahil naka-hoody siya ay hindi ko napansin na may tinatago pala siyang bakal sa damit niya kaya naman nagamit niya ‘yon laban sa akin. Masyado na naman akong nadala nang emosyon ko kaya naman nawala sa isip ko na magaling din pala ‘tong killer na ‘to. Agad ko namang napansin na ihahampas niya ulit sa akin ang bakal na hawak niya kaya naman sinalag ko ‘to gamit ang kamay ko. Naramdaman ko ang sakit sa palad ko pero tiniis ko ‘yon at nakipag-agawan ako ngayon sa kanya sa bakal. Isang kamay lang ang gamit niya na panghawak sa bakal kaya naman ginamit ko ang buong lakas ko para hatakin ‘yon sa kanya kaya lang ay agad niya rin akong nahiwa sa braso ko. At saka ko lang din naalala na may hawak nga pala siyang kutsilyo. Nang dahil sa ginawa niya ay lumuwag ang pagkakahawak ko sa bakal pero hindi ko ito binitawan. Ramdam ko na rin ang pagkirot nang braso ko pero tuloy pa rin ako sa pakikipag-agawan sa kanya sa bakal. At dahil parehas na naming hawak ang bakal ay ginamit ko ang lakas ko para maitulak siya. Hindi niya rin naman binibitawan ang bakal kaya naman napaatras siya ginawa ko. patuloy lang ako sa pagtulak sa kanya hanggang sa mapansin ko na medyo malapit na sa pwesto ko ‘yong kutsilyo na nabitawan ko kanina. Mukhang hindi niya rin naman napansin ‘yon kaya naman patuloy lang kami sa pagtutulakad hanggang sa mapatid siya kaya naman ginamit ko ang pagkakataon na ‘yon para mabilis na damputin ang kutsilyo. At dahil din sa pagkakapatid niya ay lumipad ‘yong manipis na bakal sa kusina. Medyo maliit lang din naman kasi ‘yon at manipis kaya naman nang mabitawan ko ‘yon ay hindi sinasadya na mahagis niya ‘yon dahil kung hindi ay matutusok siya. Nang makuha ko ang kustilyo ay agad din naman siyang nakatayo. Ngayon, patas na ang laban dahil parehas na kaming may kutsilyo. Ang lamang niya lang talaga sa akin ay mas marunong siyang makipaglaban. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Ramdam ko naman ang panaka-nakang pagkirot nang braso ko pero hindi ko na ‘to pinansin pa at agad din siyang sinugod. Patuloy lang ako sa pagwasiwas nang kutsilyo patungo sa direksyon niya habang patuloy naman siya sa pag-iwas. Iwas lang siya nang iwas sa akin habang patuloy ako sap ag-atake, Hanggang sa unti-unti ko na ring nararamdaman ang pagod. Sumasakit na rin ang braso ko dahil nang matignan ko ito ay medyo malalim din pala ang hiwa na nagawa niya. Ang muling iaamba ko patungo sa direksyon niya ang kutsilyo ay buong lakas niya akong tinadyakan kaya naman napaatras ako at natumba sa sahig. At sa ikalawang pagkakataon ay muli ko na namang nabitawan ang kutsilyo na hawak ko. Agad naman akong napahawak sa ulo ko dahil bumagsak sa akin ang ilang libro. May iilan din akong hardbound na libro kaya naman pakiramdam ko ay naalog ang ulo ko dahil sa pagbagsak nila. Mabilis naman akong tumayo kaya naman naramdaman ko ang pagkahilo pero kailangan kong tiisin ang lahat para sa mga kaibigan ko. Nang tuluyan akong makatayo ay agad din siyang sumugod sa akin kaya naman ako naman ngayon ang umiilig mula sa kanya. Habang paatras ako nang paatras ay patuloy siya sa pag-amba nang saksak. May nahawakan naman ako na makapal na libro kaya agad ko ‘yong dinampot at binato sa kanya kaya naman natigilan siya sa pag-amba nang saksak. At dahil nasa harapan ko ang mga libro ko ay agad kong pinagbabato sa kanya ang kung ano man ang madampot ko. Dati ay ingat pa ako sa mga libro ko pero hindi ko akalain na magagamit ko sila ngayon bilang pang-depensa. Hanggang sa maibato ko na sa kanya ang lahat nang libro. Matapos ‘yon ay muli siyang sumugod sa akin. At dahil wala na akong choice ay pinigilan ko ‘yong kutsilyo niya gamit ang mga kamay ko. Kaya naman bago niya pa masaksak ang tiyan ko ay hinawakan ko na kaagad ang talim nang kutsilyo. At dahil nakikipaghatakan siya sa akin ay ramdam ko ang paghiwa nang kutsilyo sa balat ko pero hindi ko naman ‘yon binitawan kaya naman tinadyakan niya ulit ako. Nanghihina na rin naman na ako kaya naman hindi rin ako nakatayo kaagad. “Bakit mo ginagawa ‘to? A-anong naging kasalanan ko sa’yo?” tanong ko sa kanya kaya naman natigilan siya sa paglapit sa akin. At dahil nakatayo lang siya sa harapan ko ay nakikita ko lang ang noo at mata niya. Hindi siya nakasuot nang cap ngayon pero nakatakip pa rin sa ulo niya ang hoody nang jacket. Pakiramdam ko talaga ay parang familiar siya sa tuwing titingin ako sa kanya. Kaya lang ay lagi ko rin agad naaalala na ilang beses na rin naman na pala kaming nagkaharap kaya siguro gano’n ang tingin ko kapag nakikita ko siya. Ilang segundo pa ang lumipas at nakatayo pa rin siya sa harapan ko. Never ko siyang narinig na magsalita kaya naman sa tuwing nagtatanong ako ay tinitignan niya lang ako at hindi siya sumasagot. Gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa sa akin ang bagay na ‘to. Kung bakit gusto niya akong patayin. Kaya lang ay sa tuwing magtatanong ako ay imbes na sumagot siya ay nakatingin lang siya sa akin. Dahil sa sobrang pagkainis sa kanya ay muli kong pinagbabato siya nang kung ano man ang bagay na madampot ko. Agad din naman siyang nakakaiwas pero nang batuhin ko siya nang hardbound na libro ay tumama ‘yon sa ulo niya kaya naman napayuko siya. At nang muli siyang mag-angat nang tingin ay napansin ko ang pagtulo nang dugo sa noo niya. Hindi man malaki ang sugat na tinamo niya ay natuwa pa rin ako dahil nasaktan ko siya. Habang pinupunasan niya ang noo niya ay ginamit ko naman ‘yong pagkakataon para agad na tumayo. Nang makatayo ako ay ako na ang unang sumugod sa kanya. Bago kasi ako makatayo ay nakapa nang kamay ko ‘yong cutter kaya naman para hindi niya ‘yon mapansin ay binato ko siya, mabuti na lang at libro ang nakuha ko na pambato sa kanya. Nang makalapit sa kanya ay inambahan ko rin siya nang saksak at nagtagumpay naman ako dahil nahiwa ko siya sa braso pero nagawa naman niyang saksakin ako sa tiyan. Hindi gano’n kalalim ang hiwa na nabigay ko sa kanya dahil maliit lang ‘yong cutter. Kaya lang ay mas napuruhan ako nang dahil sa ginawa ko. Mas mahaba ang kutsilyo na hawak niya kaya naman ramdam ko na tumagos sa laman ko ‘yong kutsilyo. Kaagad naman akong nanghina dahil sa nangyari pero hindi ko binitawan ‘yong cutter na hawak ko. Naramdaman ko na mas idiniin niya pa ‘yong kutsilyo sa kalamnan ko kaya naman ang ginawa ko ay patuloy ko rin siyang piangsasaksak ng cutter sa braso. Parehas na kaming duguan dahil sa nangyari pero hindi ako papayag na ako lang. Kaya naman ginamit ko ang natitira kong lakas at muling hinawakan ang kutilsyo na hawak niya habang patuloy naman ako sa paghiwa sa kanya. Nang dahil sa ginawa ko ay mabilis niya akong itnulak kaya naman tuluyan na akong bumagsak sa sofa na nasa likuran ko. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti nang makita ko na tuloy-tuloy ang agos nang dugo mula sa kaliwang braso niya. Hindi kita ang pagdaloy ng dugo sa braso niya dahil sa itim niyang jacket pero kitang-kita ko ang pagtulo nang dugo mula sa mga daliri niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD