Chapter 27

1349 Words
‘You can’t make up for lost time. You can only do better in the future.’ – Ashley Ormon Ilang segundo rin kami sa gano’ng sitwasyon kaya naman halos bahain na nang dugo ang kinatatayuan namin. Hindi ko na mabilang kung ilang saksak na ang natamo ko mula sa kanya pero tiniis ko ang lahat nang sakit at pinilit na tumayo. Agad ko namang napansin ang panaka-nakang panginginig nang braso niya kung saan ko siya nasaksak. Parehas kaming nakatingin ngayon sa isa’t isa kaya naman mabilisan ko siyang sinuri. Saka ko lang napansin na nabitawan niya pala ang kutsilyong hawak niya. Kaya naman bigla akong nagkaro’n nang lakas nang loob para sugurin siya at kasabay no’n ay ang mabilis kong pagdampot sa cutter. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang sinaksak sa kanyang sikmura. Nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa sakit din na nararamdaman ko pero hindi ko ‘yon ininda at mas idiniin pa ang cutter sa kanya. Pilit naman siyang nanlalaban kaya naman mabilis kong hinatak ang cutter sa sikmura niya at walang ano-ano na sinaksak siya sa kamay. Mas diniinan ko pa ang cutter na tila ba inipon ko ang lahat ng galit ko sa parte na ‘yon kaya naman agad kong napansin ang paglaylay ng isa sa mga daliri niya. Hindi ko na rin makilala ang sarili ko dahil parang ang dali-dali para sa akin na patayin siya. At sa isang iglap ay nagkapalit na kami ngayon. Siya naman ang naghihingalo habang ako ay lumalaban para mabuhay. Pero wala na akong pakialam, ang nasa isip ko na lang ay ang patayin siya kaya naman habang sinasaksak ko siya ay pumapasok sa isip ko ang lahat nang ginawa niya sa akin. Sa dami nang beses na sinubukan kong tumakas, magpakalayo-layo, magtago, humingi nang tulong at kung ano-ano pa para lang mabuhay ay hindi ako nagtagumpay kahit isang beses man lang. Kaya naman ngayong nasa harapan ko na ang pagkakataon ay hindi ko ‘to palalagpasin. Patuloy lang ako sa ginawa ko hanggang sa unti-unti na ring manlabo ang mga mata ko hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko kung hindi dahil sa pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko matanggap ‘yong nangyari kay Luna at Hazel. Hindi ko matanggap na parang ang dali-dali lang sa kanya na pumatay nang ibang tao para lang mapatay niya ako. Hindi naman niya kailangang idamay ang mga kaibigan ko dahil wala silang kinalaman dito. Pero hindi niya ginawa ‘yon, dinamay niya ang dalawang tao na sobrang importante sa buhay ko. Kaya naman ito ang kabayaran sa lahat. Ito ang magiging bayad niya para sa ginawa niya sa mga kaibigan ko. Kaya lang ay bigla akong nahinto sa ginagawa ko nang bigla akong may napagtanto. Kung mabubuhay ako ay may posibilidad na hindi na mabuhay pa sina Luna at Hazel, pero kung mamamatay ulit ako ay sigurado ako na uulit ulit ang araw na ‘to. Saka ko lang napansin na halos matadtad ko na ang braso at kamay niya kaya naman mabilis akong umatras sa kanya. Kung gano’n ay parang wala rin palang kwenta ‘yong ginawa ko sa kanya dahil kailangan ko pa rin pala talagang mamatay. Ito lang ang naging pagkakataon ko para makaganti sa kanya, para makalaban, at para mabawian siya, pero mukhang hindi umaayon sa akin ang tadhana dahil sa huli ay hahayaan ko pa rin pala siya na patayin ako. Nang magkatinginan kami ay agad kong naramdaman ang matinding galit mula sa mga mata niya. Ilang beses kong sinubukan isipin kung may natapakan ba akong tao, kung may na-perwisyo ako, pero kahit anong pilit ang gawin ko ay wala akong maisip. Hindi naman gano’n karami ang tao na malapit sa akin dahil kakaunti lang din naman talaga ang mga kaibigan ko. Wala rin naman ako masyadong nakakasalamuha na ibang tao dahil lagi lang din akong nandito sa unit ko. Habang nakasandal ako sa likurang bahagi nang sofa ay nakita ko ang dahan-dahan na pagtayo niya at ang pagdampot sa cutter na binitawan ko. Halos lumaylay na rin ang kaliwang braso niya kaya naman isang kamay na lang ang nagagamit niya. Ngayong tinitignan ko siya ay kitang-kita ko kung paano ko ibuhos ang galit ko sa kanya. Sayang lang dahil hindi rin pala ako makakabawi sa kanya. Na hindi ko pa rin pala tuluyang maipaghihiganti ang mga kaibigan ko dahil hindi matatapos ang gabi na ‘to na hindi niya ako napapatay. Na gigising ako bukas sa parehong araw, sa parehong kaganapan, at sa huli ay siya na naman ang makakaharap ko. Hindi ko tuloy maiwasang mainis para sa sitwasyon na kinahaharap ko ngayon. Kung kailan kayang-kaya ko na siyang bawian ay hindi ko pa itinuloy. Kung kailan may pagkakataon na ako para makabawi sa kanya ay nawala pa ang pagkakataon na ‘yon. Pero kung hindi ko gagawin ‘to, kung hindi ko isasakripisyo ang buhay ko ay hindi rin mabubuhay ang mga kaibigan ko. Kaya naman para sa kanila, gagawin ko ‘to dahil ako naman talaga ang puno’t dulo nang lahat nang ‘to. “Ano pang hinihintay mo, patayin mo na ako,” nanghihinang sabi ko pa sa kanya. Pakiramdam ko ay ako rin pala ang dahilan kung bakit paulit-ulit ‘tong nangyayari sa akin dahil sa tuwing nasa ganitong sitwasyon kami ay ako rin ang nagtutulak sa kanya na gawin ang gusto niya. Na ako rin pala ang may kagagawan kung bakit nangyayari ang bagay na ‘to. Pakiramdam ko tuloy ay unti-unti na akong nawawalan nang pag-asa, dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay wala na talagang pag-asa na makatakas pa ako sa ganitong sitwasyon. “Gusto kong malaman, b-bakit mo ginagawa sa akin ang bagay na ‘to? B-bakit gusto mo akong patayin?” tanong ko sa kanya. Kahit na wala pa akong ginagawa ay ramdam ko na agad ang patuloy na pag-agos nang dugo sa katawan ko. Kaya naman habang nagsasalita ay hindi ko maiwasan na mapaubo nang dugo. At kagaya na lang nang lagi niyang ginagawa ay tinignan niya lang ako. Ngayong nasa ganitong sitwasyon naman na kami ay mas mabuti na rin na malaman ko kung ano ang pakay niya. Kung ano ang kailangan niya sa akin. At kung bakit gustong-gusto niya akong patayin. Kasi kung hindi talaga ako ang target niya ay hindi naman niya ako susundan kahit saan ako magpunta. Hindi siya gagawa nang paraan para lang mahanap ako at patayin. Kaya gusto kong malaman kung bakit. “Bakit? Huh? Hindi pa ba sapat sa’yo ang isang beses na pagpatay sa akin at kailangan ay paulit-ulit mong gawin?” naiiyak na wika ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya. “Bakit mo ginagawa sa akin ‘to?” At imbes na sumagot ay lumapit lang siya sa akin at lumuhod sa harapan ko kaya naman kitang-kita ko nang malapitan ang berde niyang mga mata. “Bakit hindi ka nagsasalita? Natatakot ka ba na makilala kita? Sino ka ba?” sunod-sunod na tanong ko pa sa kanya. Agad naman niyang hinawakan ang panga ko at mas iniharap sa kanya. Hindi ko naman mapigilang mapasigaw nang dahil sa ginawa niya, dahil pinisil niya lang naman ang sugat ko na may saksak kaya naman pakiramdam ko ay pumasok ang daliri niya sa laman ko. Sinubukan kong kumawala sa kanya kaya lang ay nanghihina na ako kaya naman parang walang kwenta rin ‘yong ginawa ko. At hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya dahil paulit-ulit niya pa akong pinahirapan na para bang binabalik niya lang sa akin ang mga ginawa ko sa kanya. Hindi na ako makalaban pa dahil wala na akong natitirang lakas pa, isa pa ay hindi ko na ring ginusto na lumaban pa para sa mga kaibigan ko. Ilang beses niya pa akong pinahirapan hanggang sa tuluyan na niyang tapusin ang buhay ko. Unti-unti na akong nawawala sa sarili ko at bumibigat na rin ang mga talukap nang mata ko. At imbes na manlaban pa ay hinayaan ko na lang na tuluyan akong mapapikit hanggang sa tuluyan na talaga akong mawalan nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD