Chapter 25

1378 Words
‘You can’t have a better tomorrow if you are thinking about yesterday all the time.’ – Charles Kettering Hindi ko namalayan na ilang oras din pala ang inabot namin matapos kumain. Habang kuamakain kasi ay nagku-kwentuhan din kami kaya naman ang tagal naming natapos. Matapos lang din naming magpahinga matapos kumain ay nag-presinta na si Hazel na maghugas nang pinagkainan. Ako na sana ang maghuhugas kaya lang ay gusto niya na magpahinga na lang daw ako. Nakipagtalo pa nga ako sa kanya para sabihing wala naman akong ginawa ngayong araw kung hindi ang manood lang pero hindi naman siya nagpatalo. At dahil alam ko na hindi naman ako mananalo sa mga dahilan niya ay hinayaan ko na lang siya. Hindi naman gano’n karami ang hugasin pero paniguradong aabutin pa rin siya nang ilang minuto dahil sa pinaglutuan at sa mga mangkok na nagamit. Nagulat pa nga ako nang mapansin na naubos pala namin ‘yong mga inihanda ni Luna. Masarap naman kasi lahat nang luto niya kaya nga kain lang din kami nang kain. Matapos ‘yon ay nag-reklamo pa nga si Hazel na nasira raw ang diet niya, samantalang siya nga ‘tong may pinakamaraming nakain sa amin. Nagsimula naman na siyang maghugas kaya naman inayos at nilinis ko na ang mesa para may matulong sa kanila. Akala ko ay matutulog na si Luna dahil dumiretso na siya sa kwarto niya pero saglit lang ay lumabas din siya at may dala-dalang unan. Napatingin naman ako sa kanya at napansin ko na dire-diretso ang lakad niya papunta sa kwarto ko. Bukod kasi sa kwarto ko ay may dalawa pang kwarto rito at do’n sila tumutuloy kapag dito sila natutulog. Kaya nga may mga gamit na rin sila rito dahil dati ay madalas kaming dito tumatambay lalo na kapag bakasyon at pare-parehas kaming walang ginagawa. “Let’s watch a movie,” pahabol na sabi ni Luna bago siya tuluyang makapasok sa kwarto. Hinayaan ko na lang siya at tinapos na ang paglilinis. Matapos kong maglinis ay nakaramdam naman ako nang paghilab nang sikmura ko. Mukhang masyado ngang naparami ang kain ko kanina. Nang maramdaman ko na naman ang paghilab ng sikmura ko ay dumiretso na ako sa banyo. Bago pa pumasok ay natanaw ko na pumipili na nang panonoorin si Luna sa kwarto ko habang naghuhugas pa rin si Hazel. ----- Pagkalabas ko sa banyo ay parang may naramdaman ako na kakaiba pero hindi ko na lang ‘yon pinansin at dumiretso na sa sala. Kaya lang pagdating ko sa sala ay sobrang tahimik na kaya naman nagtataka ako. Dahil never naman naging tahimik ang mmga ‘yon. At gano’n na lang ang pagkabigla ko nang matanaw ko ang kusina na may mga talsik nang dugo sa pader. At nang mapatingin ako upuan ay nakita ko si Hazel na nakayuko sa may mesa at nang mapatingin pa ako sa bandang paahan niya ay do’n ko na napansin ang pag-agos ng dugo sa sahig. Napatakip na lang ako sa bibig ko nang dahil sa nakita. Dahan-dahan akong lumapit para tignan kung anong nangyari, pero nang hawakan ko ang katawan ni Hazel ay kaagad na lumaylay ang kamay niya kaya naman hindi ko maiwasan na mapaluha sa nangyari. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa pagtulo nang mga luha ko pero hindi ko ito ininda at kaagad na dumiretso sa kwarto. Walang tao sa sala pero naging maingat pa rin ako sa paglalakad. Pero bago dumiretso sa kwarto ko ay muli akong bumalik sa kusina at kaagad na kumuha nang kutsilyo. Matapos ‘yon ay tahimik akong naglakad papunta sa kwarto ko. Bahagyang nakabukas ang pinto pero hindi pa rin sapat ‘yon para makita ko ang loob. Parang nanghihina na kaagad ako kahit hindi ko pa man nakikita ang nangyari. Sana lang talaga ay mali ang hinala ko. Marahan ko namang binuksan ang pinto at tuluyan na nga akong napaluha sa nadatnan ko. ‘Yong puti kong kumot ay naging pula na dahil sa dugo na nanggagaling sa katawan ni Luna na nakahagi sa kama ko. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay walang ibang tao. Tuluyan na lang din akong napahagulgol nang dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na sa ilang minuto na nawala ako ay ganito na kaagad ang nangyari. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakaluhod habang umiiyak. Kasalanan ko ‘to. Kasalanan ko ang lahat nang ‘to. Kung hindi ko sana sinabi sa kanila ang sitwasyon ko ay hindi mangyayari ang bagay na ‘to. Hindi sila madadamay. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang na posibleng mangyari ang bagay na ‘to ay sana pala hinayaan ko na lang na magalit sa akin si Hazel para kanina pa lang ay umalis na sila ni Luna. Sana pala ay naging makasarili na lang talaga ako. Sana pala ay hindi ko na sila pinagbuksan nang pinto at pinatuloy. Sana ay hindi ko sinabi ang bagay na ‘yo. “Nasaan ka! Magpakita ka sa akin!” galit na sigaw ko at kaagad na dinampot ang kutsilyo na nasa gilid ko. Wala na akong pakialam pa ngayon. Ang tanging nasa isip ko na lang din ay ang makabawi ako sa may gawa nito at maipaghiganti ko sina Luna at Hazel. Ngunit bigla naman akong natigilan nang marinig ko ang sinasabi sa balita. Saglit akong napatingin do’n at nakita ko na naman si Andrew, ‘yong lalaki na biglang pumunta sa event ko. Nang tignan ko ang balita ay muli akong nagulat sa nabasa ko. Ang natatandaan ko ay sa may Bicol siya namatay pero ngayon ay sa kalsada siya natagpuan dahil hit and run daw ang dahilan nang pagkamatay niya. Pero agad ding nawala ro’n ang pansin ko nang makarinig ako ng ingay mula sa sala kaya naman agad akong lumabas. “Nasaan ka! Ako ang gusto mong patayin hindi ba? Nandito na ako, magpakita ka sa akin!” tawag ko pa sa kanya at maya-maya lang ay lumabas siya sa isa sa mga kwarto. Nang mapatingin ako sa kanya ay agad kong napansin ang kutsilyo na hawak niya na may dugo na rin. Labis-labis na galit naman ang nararamdaman ko ngayon nang dahil sa nangyari. Wala na akong pakialam kung mapatay niya pa ulit ako. Ang mahalaga ay mapagbayaran niya ang ginawa niya sa mga kaibigan ko. “B-bakit mo sila dinamay?” tanong ko sa kanya nang muling magawi ang tingin ko sa wala nang buhay na katawan ni Hazel. “Ako lang naman ang sadya mo ‘di ba? Ako lang naman ang gusto mong patayin. Pero bakit mo sila dinamay!” muling sigaw ko pa sa kanya. Nanatili lang siyang nakatayo kaya naman mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kutsilyo. Wala na akong ibang nararamdaman ngayong kung hindi ang galit. Ilang beses na rin naman na niya akong napatay kaya wala na akong pakialam pa. Pero hindi ako papayag pa na patayin na lang niya ako nang basta-basta. Mas naging alerto naman ako nang mapansin ko na nagsimula na siyang humakbang papalapit sa pwesto ko. Wala na akong kinatatakutan ngayon kaya naman mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kutsilyo. Kung dati ay takot na takot pa akong humawak nang kutsilyo dahil baka makasugat ako pero ngayon ay hindi na. Wala na rin akong pakialam kung masugatan siya. Mas maganda nga ‘yon dahil gusto ko ring maramdaman niya kung ano ‘yong sakit na dinulot niya sa akin. Saktan na niya ang lahat pero ‘wag na ‘wag niyang idadamay ang mga kaibigan ko dahil wala silang kinalaman dito. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko at inihanda ang sarili ko. Wala na ring ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang makaganti sa kanya. Wala na akong pakialam kung makulang man ako sa gagawin ko. Ang importante na lang sa akin ngayon ay ang pagpatay sa kanya. Ni kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na literal na papatay ako nang tao. Kung dati ay sa libro ko alng ‘yon nagagawa, ngayon ay ipararanas ko sa kanya ang sakit at pighati na nararamdaman ko ngayon. Sisiguraduhin ko na pagsisisihan niya ang ginawa niya kina Hazel at Luna. Na pagsisisihan niya na dinamay niya pa ang dalawang tao na malapit sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD