Chapter 30

1294 Words
‘A man who dares to waste one hour of time has not discovered the value of life.’ – Charles Darwin Nang makarating ako ay dumiretso kaagad ako sa parking lot. Mabuti na lang pala at ‘yong isang sasakyan ko ang dinala ko kaya naman hindi nila kaagad mapapansin ‘to. Bihira ko na lang naman na gamitin ang sasakyan na ‘to dahil medyo luma na. Ito kasi ang unang sasakyan na naipundar ko gamit ‘yong kinita ko sa pagsusulat. Kaysa alalahanin ang mga nnagyari rati ay bumaba na rin ako kaagad at inayos ang cap na suot ko. Sinugurado ko na hindi ako makikilala kaya naman naging maingat din ako sa bawat galaw ko. Nang makababa ako nang sasakyan ay saka ko lang na-realize na hindi ko rin pala alam kung ano baa ng hinahanap ko. Basta ang alam ko lang ay dito nagsimula ang lahat dahil dito kami unang nagkaharap no’ng killer ko. Kaysa tumunganga at magsayang nang oras ay nagpasya akong maglibot-libot na lang sa parking lot. At dahil hindi ko alam kung ano ba ang hinahanap ko ay tumingin-tingin na lang ako sa paligid. Mukha namang wala akong mapapala rito pero mas mabuti na rin ‘yong sigurado. Tinignan ko ang buong paligid at may iilan na CCTV sa parking pero maraming hidden spot. Karamihan kasi sa CCTV na nandito ay sa may entrance nakatapat at sa elevator kaya naman maraming lugar ang hindi sakop. Nang maalala ko ang lugar kung saan ako unang namatay ay kaagad akong tumayo sa pwesto na ‘yon. Walang nakatapat na CCTV sa pwesto na ‘to kaya naman imposible na nakuhanan ‘yong araw na nasaksak ako. Isa pa ay tapos na ang araw na ‘yon kaya naman kung nakuhanan man ay baka wala na rin ‘yon. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa ang mapansin ko lang ay ‘yong mga sasakyan na natatandaan ko ‘nong araw na ‘yon. Ilang oras pa ang lumipas at natapos ko na rin libutin ‘yong buong parking pero wala akong napansin na kakaiba. Sinubukan kong alalahanin ‘yong sasakyan no’ng suspek pero hindi ko maalala. Pero sigurado naman ako na kapag nakita ko ulit ‘yon ay maaalala ko. Bakit ba kasi ang makakalimutin ko. Kaya naman ‘yong mga importanteng bagay na dapat tandaan ay nakakalimutan ko kaagad. At dahil wala na talaga akong makitang kakaiba pa sa lugar na ‘to ay umalis na rin kaagad ako. Hindi pa ako nakakalayo ay natanaw ko pa ang ilang readers na naghihintay sa labas. May naga-announce rin na cancelled na ang event pero nanatili pa rin sila sa labas. Na-guilty tuloy ako sa ginawa ko pero kailangan ko ring gawin ‘to dahil kung ang kapalit naman nito ay ang pagkakalaya ko mula sa time loop na ‘to, handa akong gawin ang lahat. Tinignan ko pa sila sandali at matapos ‘yon ay humarurot na rin ako paalis. Sunod ko namang pinuntahan ay ‘yong highway kung saan kami muling nagkaharap sa ikalawang pagkakataon. At dahil hapon pa lang ay marami-rami ang sasakyan na dumadaan sa lugar na ‘yon. Kaya naman huminto muna ako sa gilid at tinignan ko ang lugar kung saan ako nasaksak. Ang weird lang alalahanin at punatahan ‘yong mga lugar kung saan ka namatay pero para sa pagkakalaya ay bahala na. Hindi na ako bumaba pa nang sasakyan ko at tinanaw na lang ang parteng ‘yon nang kalsada. Nang tignan ko rin ang highway ay walang CCTV kaya naman imposible na makuhanan ang nangyari. May mga traffic enforcer sa bawat highway pero dahil nasa kalagitnan ‘to ay wala rin talagang katao-tao rito bukod sa mga sasakyan na dumadaan. Ilang minuto pa akong nag-stay sa sasakyan ko para lang suriing mabuti ang paligid pero wala rin akong nakitang kakaiba. Hindi ko na inisip pa na pumunta sa Bicol dahil masyadong malayo. Isa pa ay baka wala rin akong makita ro’n kagaya no’ng sa dalawang lugar na una kong napuntahan. Sunod ko namang pinuntahan ‘yong iba pang lugar kung saan kami nagkaharap na dalawa pero kagaya kanina ay bigo pa rin ako. Wala akong nakitang kakaiba o kung ano man na pwede kong magamit na impormasyon. Ilang oras na rin ang lumipas pero wala pa rin akong napapala kaya naman unti-unti ulit akong nawawalan nang pag-asa. Imbes na umuwi ay dumiretso na lang ako sa bar na pinuntahan namin dati nila Hazel. Pagkarating ko sa bar ay dumiretso kaagad ako sa banyo. Kung hindi ako nagkakamali ay napatay niya rin ako rito, pero kagaya nang iba ay wala ring kakaiba sa lugar na ‘to. Nang mapatingin ako sa relo ko ay ilang oras na lang din pala ang mayro’n ako at mamamatay na naman ako. Bigla kong naisipan na parang gusto kong uminom kaya naman naghanap lang ako nang bakanteng table at saka nag-order nang alak. Gabi na rin naman na kasi kaya may mangilan-ngilan na rin na customer pero kagaya no’ng una ay hindi pa gano’ng nagkakasiyahan ang lahat dahil hindi pa gano’ng kalalim ang gabi. Nang makarating ang order ko ay nagsimula na rin akong uminom. Wala sana akong balak na magpakalasing ngayong araw dahil nga kailangan kong gumawa nang paraan para matakasan ang sitwasyon na ‘to pero hindi ko alam kung ano ang sunod kong gagawin. Napauntahan ko na ang mga lugar kung saan ako pinatay pero wala namang nangyari. Ilang oras din ‘yong nasayang sa akin dahil do’n kaya naman kakaunti na lang din ang oras ko ngayong araw. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya naman imbes na tumunganga at hintayin ang oras ko ay magpapakalunod na lang ako sa alak. Pakiramdam ko tuloy ay natuto na akong maging lasinggera dahil dito. Pero wala naman akong ibang choice. Kaya naman kahit sandali lang, gusto ko munag kalimutan ‘yong mga problema ko. Gusto ko munang sulitin ang oras na ‘to. Alam ko na pwede pa akong uminom sa iba pang araw pero hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at naisipan ko na ngayon maglasing imbes na maghanap nang iba pang paraan. Kaya naman hindi ko rin maiwasan mainis sa sarili ko dahil ang dali-dali kong sumuko sa mga bagay-bagay. Kagaya na lang ngayon, sabi ko pa kanina ay susulitin ko ang bawat oras na mayro’n ako ngayong araw pero ito ako, naglalasing. Imbes na maghanap nang ibang paraan at solusyon at tinatakasan ko na naman ang problema ko. At pagkatapos ay sisisihin ko ang sarili ko. Napasubsob na lang tuloy ako sa mesa dahil sa dami nang iniisip ko. Hindi rin pala talaga gano’n ka-effective ang alak. Kasi sabi nila ay makakalimot ka kahit sandali pero kanina pa naman ako umiinom pero hindi ko pa rin nakakalimutan. Kanina ko pa nga naaalala kaya naman hindi totoo ang sinasabi nila. Baka talaga gusto lang nilang uminom. Ngayong nakasubok kasi ako ay pakiramdam ko ay alak na ang solusyon sa lahat. Ilang beses ko namang inuntog ang ulo ko sa mesa dahil sa kagagahan na ginagawa ko ngayon pero nahinto rin ako sa ginagawa ko nang maramdaman ko na malambot na bagay na ang nauntugan ko. Nang tignan ko kung ano ‘yon ay nakita ko ang palad na nakalahad sa noo ko. Nang mag-angat ako nang tingin ay saka ko nakita ang pamilyar na lalaki sa harapan ko. Napansin ko tuloy na bahagyang namula ang kamay niya dahil sa ginawa ko. Sinalo kasi nang kamay niya ang noo ko kaya naman imbes na sa mesa ito tumama ay ang kamay niya ang tumama ro’n. Medyo malakas pa naman ang pagkakauntog ko kaya paniguradong namula talaga ang kamay niya. “Andrew,” pagbanggit ko pa sa pangalan nang lalaking nasa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD