‘Time is what we want most, but what we use worst.’ – William Penn
“Andrew,” wala sa sariling banggit ko sa pangalan niya.
“Kilala mo ako. You know my name,” sabi niya at saka binawi ang kamay niya na nasa mesa.
Bigla naman akong napaayos nang pagkakaupo ko at saka muling humarap sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero bigla akong na-intimidate sa kanya. Paano ba naman kasi ay ang seryoso niya masyado at ang lalim pa nang boses niya.
Kaya hindi ko tuloy matukoy kung galit ba siya o normal lang sa kanya nag gano’n. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano kaya naman imbes na magsalita ba ay kinuha ko ang baso na nasa harapan ko para inumin.
Pero hindi ko pa naa-angat ang baso ay may humawak na kaagad sa kamay ko at kinuha ang baso na hawak ko kaya naman sigurado na ako na hindi ako namamalikmata lang. Agad naman akong napatingin sa kanya at seryoso lang din siyang nakatingin sa akin.
Mabilis naman akong nag-iwas nang tingin sa kanya dahil para bang hinihigop ako nang mga tingin niya. Hindi tuloy ako mapakali sa pwesto ko dahil sa mga tingin na binibigay niya.
“A-anong kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kanya.
Ilang beses lang kaming nagkita sa personal at ilang beses ko rin nakita sa balita ang pagkamatay niya kaya naman naging madali sa akin na tandaan siya. Imbes na sumagot ay dire-diretso niyang ininom ang alak na inagaw niya sa akin kanina.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiwi dahil puno ‘yong laman no’ng baso dahil hindi naman ako gumamit nang shot glass. Pero matapos niyang inumin ‘yon ay pinunasan niya lang ang gilid nang labi niya at muling tumingin sa akin na parang walang nangyari.
“Who are you?” seryosong tanong niya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko sa kanya.
“Huh? Don’t you remember me?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “We have met before. Sa may gas station, sa may stopover papuntang Bicol, at sa fan sign event ko,” paliwanag ko pa sa kanya.
Pero nanatili lang na seryoso siyang nakatingin sa akin. At saka ko lang na-realize na ako nga lang pala ang nakakaranas nang time loop kaya naman imposible na maalala niya ang mga sinasabi ko. Napabuntong hininga na lang tuloy ako dahil sa pagkadismaya.
“Mukhang ako lang pala ang nakakaalala,” mahinang sabi ko.
“I remembered. Natatandaan ko lahat,” sabi niya kaya naman muli akong napatingin sa kanya.
“P-paanong? B-bakit…” hindi ko na matapos-tapos pa ang sasabihin ko dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa sinabi niya. Masyado akong nagulat kaya naman hindi ko magawang makapag-react kaagad sa kanya.
“I thought all of that was a dream. That it was a dream. But it wasn’t,” he said at saglit kaming binalot nang katahimikan.
Nang mapatingin ako sa kanya ay para bang inaalala niya ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ang lumipas na paulit-ulit lang ‘tong nangyari kaya naman naiintidihan ko ang frustrations niya.
“I tried to change it. But no matter what I do, I couldn’t stop it. I couldn’t stop my death,” he said at diretsong tumingin sa akin.
Kung gano’n ay parehas nga kaming namatay kaya naman siguro parehas naming nararanasan ang ganitong bagay. Ang time loop.
“Everything is the same. Everyone is acting the same. But you were different,” saglit naman siyang huminto at muling uminom nang alak. “And today repeats for you too, right? Just like me.”
At tuluyan ko na nga na nakumpirma ang hinala ko na parehas kami nang nararanasan. Parehas kaming nasa loob nang isang time loop.
“H-how did you know?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.
“Like what I have told you, everything and everyone is the same. Only you are different. I do have a photographic memory, kaya naman madali para sa akin na matandaan ang mga nakita ko kahit na sandali lang ‘yon.”
“Paano mo naman nasabi na ako lang ang naiiba?” muling tanong ko sa kanya.
“You always wear different clothes every day. And your event, madalas na cancelled. At madalas din kitang makita bago pa man ako maaksidente,” paliwanag naman niya.
“Kung gano’n ay na-aksidente ka lang talaga? Walang may gustong pumatay sa’yo?” muling tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
“Pero ‘yong pangatlong araw, no’ng nagkita tayo sa stopover habang papunta akong Bicol. Hindi aksidente ang nangyari dahil nakita ko kung sino ‘yong laging nakakapatay sa akin. And during that time, sinadya niya na patayin ako.”
“Bakit ka niya pinatay kung aksidente lang naman talaga ang nangyayari sa’yo?” naguguluhang tanong ko.
“I saw the things of that killer. Nagkabangga kami kaya naman nalaglag ang gamit niya at no’ng ibabalik ko na sana ay aksidente kong nakita ang kutsilyo at baril niya, pati na rin ang larawan mo,” at tuluyan naman na akong natigilan sa sinabi niya.
“Nakilala mo ba ‘yong killer ko?” agad na tanong ko sa kanya at mas luampit pa sa mesa. Pero umiling naman kaagad siya kaya muli akong napansandal sa upuan.
“That was the only time na nagkaharap kami. Naka-cap at face mask siya kaya naman hindi ko nakita ang itsura niya. At kapag naa-aksidente ako ay hindi ko siya nakikita kaya naman wala akong idea sa kung sino man siya.”
Napayuko na lang tuloy ulit ako sa mesa nang dahil sa sinabi niya. Kung gano’n ay wala rin palang ibang paraan para makilala namin kung sino ang killer. Ngayon ay hindi lang pala ako ang naging biktima niya dahil bago pa man niya ako puntahan para patayin ay nagkakaharap na sila ni Andrew.
“Then, what do you we need to do?”
“We need to know who your killer is,” he said kaya muli akong humarap sa kanya.
“Sinubukan ko. I tried so many times pero hindi ako nagkakaro’n nang pagkakataon na makilala siya dahil napapatay na niya kaagad ako.”
“May kakilala ka ba na may matinding galit sa’yo? ‘Yong gusto na mamatay ka, mayro’n ba?” tanong niya pa kaya napaisip ulit ako.
Pero kahit anong pilit talaga ang gawin ko ay wala akong maisip na tao na pwedeng gumawa nito sa akin kaya naman umiling na lang ako sa kanya.
“May iba pa bang paraan para malaman natin kung sino s’ya?”
“We need to try everything we can. We need to do every possible thing para lang matapos ‘tong araw na ‘to,” he said kaya naman tumango ako sa sinabi niya.
Ngayon na may kakilala na akong nakakaintindi sa sitwasyon na mayro’n ako ay para namang nakahinga ako nang maluwag. Para bang pakiramdam ko ay makakayanan ko na kaharapin ang killer ko dahil alam ko na may makakatulong na sa akin.
Kaya lang ay kailangan din naming kumilos at gumawa nang paraan para mapigilan ang killer na patayin kami. Nang sa gano’n ay matapos na ang araw na ‘to at nang bumalik na sa normal ang lahat.
“Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang na nahanap niya ako dahil wala naman kaming contact sa isa’t isa.
“Nagbaka sakali lang ako na puntahan ka sa mga lugar na napuntahan mo. And here you are,” wika niya pa.