Chapter 32

1276 Words
‘Healing is a matter of time, but it is sometimes also a matter of opportunity.’ – Hippocrates “Ilang oras na lang ay matatapos na ang araw na ‘to. Anong gagawin natin?” natatarantang tanong ko sa kanya nang mapatingin ako sa relo ko. Hindi ko namalayan na ilang oras na rin pala ang lumipas kaya naman sigurado ako na ano mang oras ay nandito na siya para patayin ako. “First, we need to know who your killer is,” he said. Magsasalita na sana ako nang bigla akong maka-receive nang text sa hindi kilalang numero. Kanina lang din kasi bago ako magsimulang uminom ay binuksan ko na ang cellphone ko pero hindi ko tinignan kung sino man ang tumatawag o nagte-text. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para tignan ang text message na ‘yon at gano’n na lamang ang pagkagulat ko nang mabasa ko ‘to. “See you tonight,” mahinang sabi ko nang mabasa ko ang nasa text kaya naman agad na napatingin sa akin si Andrew. Hindi pa man ako nakaka-recover sa nabasa ko ay kaagad na niyang inagaw mula sa akin ang cellphone ko. “What are you doing?” tanong ko sa kanya nang titigan niya lang ang cellphone ko. Maikli lang naman ‘yong text message kaya naman dapat ay sandali lang ay mababasa na niya pero ang tagal niyang tumingin sa cellphone ko. “Tinitignan ko ang number. Maybe this is the number of your killer,” he said at saka ibinalik na sa akin ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha ‘yon sa kanya at ibabalik na dapat sa bag ko kaya lang ay nakatanggap ulit ako nang text pero galing na kay Hazel. Wala sana akong balak basahin ang message niya kaya lang ay bahagya ko na ‘tong nabasa sa notification ko bago pa mawala. Maikli lang ‘yong nabasa ko pero pakiramdam ko ay na-estatwa ako sa kinauupuan ko kaya naman kailangan ko pang i-double check kung tama ba ang nabasa ko kanina. At nang mabasa ko nga ito nang buo ay pakiramdam ko ay tumigil ang oras. Hindi ko magawang mag-react at umabot pa nang ilang segundo bago ako tuluyang tumayo at tumakbo palabas nang bar. Wala na akong oras na magpaalam pa sa kasama ko dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay ang makapunta kaagad nang hospital. Alam ko na bawal akong magmaneho dahil nakainom ako pero wala na akong oras para ba mag-taxi lalo na at mahirap makasakay sa lugar na ‘to dahil wala namang dumadaan na taxi rito. At dahil wala rin naman na akong ibang choice ay kaagad akong sumakay nang sasakyan ko at nagmaneho palayo. Narinig ko pa ang pagtawaag at paghabol sa akin ni Andrew pero wala na ro’n ang atensyon ko. Ang tanging nasa isip ko na lamang ay ang makaalis at makapunta ro’n sa hospital kaagad. Habang nagmamaneho ay ramdam ko naman na ang kaunting pagkahilo dahil sa nainom ko kanina. Medyo naparami rin pala ang nainom kong alak bago pa man kami magkaharap ni Andrew. Papaliko na sana ako sa kabilang kanto kaya lang ay may nakasalubong ako na sasakyan kaya naman mabilis kong pinihit ang manibela para hindi kami magkabangga kaya naman sa puno bumangga ang sasakyan ko. Dahil sa lakas nang impact ay nauntog ako sa manibela at napasubsob sa harapan ng sasakyan. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako, kung hindi ay paniguradong lumipad na ako sa harapan ng sasakyan ko sa lakas nang pagkakabangga ko. Ang bilis ko rin kasing magmaneho kaya naman huli na nang makapag-break ako. Hindi ako nakalabas kaagad dahil sa sobrang pagkahilo, medyo madilim din sa kalsada dahil iilan lang ang street lights na narito. Mabuti na lang talaga at walang ibang sasakyan na dumaan kaya wala masyadong nadamay. Nang makabawi sa pagkakahilo ay agad akong lumabas nang sasakyan. Nahirapan pa tuloy akong tanggalin ‘yong seatbelt dahil umipit sa upuan ko pero mabuti na lang at nakalabas kaagad ako. Pagkalabas ko ay akala ko ay pinapawisan lang ako pero nang punasan ko ang noo ko ay nagkaro’n nang pulang likido ang likurang bahagi nang kamay ko. Nang makita ko ang dugo ay do’n ko lang naramdaman ang pagkirot nang noo ko. Napatingin naman ako sa harapang bahagi nang sasakyan ko at do’n ko lang napansin na grabe pala ang pagkakaangga ko sa puno dahil halos mayupi pa sa kalahati ang sasakyan. Mabuti na lang talaga at hindi ako masyadong napuruhan. Matapos ‘yon ay napatingin naman ako sa kabilang sasakyan, ‘yong nakasalubong ko kanina at nang matingin ako sa gawi nito ay nakabangga rin ito sa poste. Nang tignan ko ang kabuuan ng sasakyan ay hindi naman ito masyadong napuruhan kaya naman palagay ko ay hindi masyadong nasaktan ang driver. Kaya lang ay ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya lumalabas kaya naman nag-alala na ako na baka kung anong nangyari sa kanya. May kaunting usok na rin na nagmumula sa harapan nang sasakyan niya kaya naman hindi na ako nagsayang pa nang oras. Nang magsimula akong humakbang ay do’n ko lang napansin na nagdudugo rin pala ang paa ko dahil sa pagkakaipit pero hindi ko na pinansin pa ‘yon at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit na nahihilo ay ininda ko ‘yon para lang makalapit sa kanya. At nang tuluyan akong makalapit ay do’n ko lang napansin ang pamilyar na damit no’ng driver. Saglit naman akong natigilan sa nakita ko at nang mapagtanto ko na tama nga ang hinala ko ay dali-dali akong umatras at bumalik sa sasakyan ko. Nang makapasok sa sasakyan ko ay sinubukan ko na itong paandarin kaya lang ay ayaw mag-start. Ilang beses ko pa ulti sinubukan kaya lang ay gano’n pa rin ang nangyayari, ayaw niya pa ring mag-start kaya naman inis na napahampas ako sa manibela. Pero wala na akong panahon pa na mag-inarte kaya naman patuloy ko lang ‘yong ginawa hanggang sa mapansin ko na lumabas na sa sasakyan niya ‘yong killer. Kaya naman mas nataranta pa ako at ilang beses pa ulit sinubukan. Kaso lang ay mukhang ayaw makisama sa akin nang tadhana dahil papalapit na nang papalapit sa akin ‘yong killer kaya lang ay ayaw niya pa rin mag-start. Hanggang sa subukan ko ulit at tuluyan nang gumana kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad na umatras. Kaya lang ay mukhang minamalas talaga ako nang sobra dahil kahit anong pag-atras ang gawin ko ay ayaw gumalaw nang sasakyan ko. Tuluyan na lang akong napahampas sa manibela sa pagkainis. Mukhang na-stock pa ang sasakyan ko dahil ayaw umandar. Sinubukan ko pa ulit nang isa pang beses pero ayaw niya talagang umandar kaya naman tuluyan na ring nakalapit sa akin ang killer. Napasubsob na lang tuloy ako sa manibela ko dahil sa frustrations. At nang mag-angat ako nang tingin ay nakasilip na siya sa labas nang bintana. Nakatanggap ako ng text kanina na na-aksidente raw si Hazel at nasa kritikal na kalagayan kaya naman nnagmamadali akong umalis nang bar kanina. At ngayon na kaharap ko ulit ang killer ay para bang naisipan ko na hayaan ulit siya sa balak niyang gawin para lang mailigtas ang kaibigan ko. Ilang segundo pa kaming nagkatinginan hanggang sa buksan niya ang pintuan ng sasakyan ko kaya naman wala nang abala pa sa pagitan naming dalawa. Nang makita ko siya ay do’n ko lang napansin ang baril na dala niya. Kaya naman imbes na manlaban pa ay pumikit na lang ako at tinanggap na ang kapalaran ko. Hanggang sa marinig ko ang pagkasa nang baril at ang pagtama nang bala sa noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD