Chapter 33

1240 Words
‘Time is a created thing. To say “I don’t have time” is to say “I don’t want to”.’ – Lao Tzu Nang magising ako ay kaagad na bumingad sa akin ang napakaraming missed calls ni Lhia. Sinagot ko naman ang tawag niya at kagaya nang dati ay pinaalala niya lang sa akin ang mangyayaring event mamaya at hindi siya makakasabay sa akin dahil nga may tatapusin pa siyang trabaho niya. Matapos ‘yon ay pinatay ko na kaagad ang tawag at mabilis na naghanda. Naalala ko na parehas nga pala kami ni Andrew na nakararanas nitong time loop kaya naman paniguradong hinahanap na rin niya ako. Habang nag-aayos ay hindi ko maiwasan na mapaisip kung anong kalseng aksidente baa ng kinaharap niya kahapon kaya naman mas binilisan ko pa ang pag-aayos. Hanggang sa matapos ako ay kaagad din akong lumabas para pumunta sa parking. Kaya lang pagkalabas ko ay nagkasalubong pa kami sa elevator ni Luna. Habang naghihintay kasi ako nang elevator ay siya namang pagbukas nang sinasakyan niya. “Tracy? Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong niya nang mapansin na nakaayos ako at may dalang gamit. “I’m sorry, Luna, but I need to go,” wika ko sa kanya at dali-daling pumasok sa elevator kaya lang ay agad din niyang hinawakan ang braso ko kaya naman napatingin ako sa kanya. “Wait, saan ka ba pupunta at nagmamadali ka? Ayos ka lang ba? May problema ba?” sunod-sunod na tanong niya kaya naman napahinga na lang ako nang malalim para pigilan ang sarili ko na mainis. “Please, Luna, this is not the time to ask so many questions. I really need to go,” seryosong sabi ko sa kanya at inalis na ang braso ko sa pagkakahawak niya. Napansin ko naman na napatulala pa siya sa sinabi ko pero hindi ko na lang pinansin pa ‘yon at kaagad na isinara ang pinto. Mabuti na lang at hindi na rin naman na siya sumunod kaya naman mabilis din akong nakarating sa baba. Nang makasakay nang sasakyan ko ay bigla tuloy akong napaisip kung saan ba ako pupunta. Hindi ko alam kung paano niya ma-contact dahil hindi ko naman nahingi ang number niya. Hindi ko rin alam kung saan siya nakatira. Napasabunot na lang tuloy ako sa sarili ko. ito na nga ba ang sinasabi ko. Masyado kasi akong naging padalos-dalos sa desisyon ko kaya naman nakalimutan ko siyang tanungin kung ano ang number niya o kaya naman address niya. At dahil hindi ko alam kung saan pupunta ay sinubukan kong pumunta ro’n sa may gas station kung saan kami unang nagkita. Medyo malayo-layo pa ang lugar na ‘yon pero wala naman akong pagpipilian, kailangan kong subukan dahil baka mamaya ay nando’n lang din siya. Binilisan ko na ang pagmamaneho ko kaya lang ay lagi akong nakukulong sa kumpol nang traffic kaya naman ang bagal nang pag-usad ngayon. Napahampas na lang tuloy ako sa manibela dahil sa pagkainis. Habang naghihintay na umabante ang mga sasakyan ay sinubukan ko na rin maghanap ng pwedeng shortcut. Bakit ba naman kasi laging traffic, nakakainis. Kung kailan nagmamadali ka pa ay saka nakikisabay ang traffic pero kapag hindi naman ay tuloy-tuloy ang byahe. Nang umusad ang mga sasakyan ay nakisingit na kaagad ako. Kaya naman rinig ko pa ang ilang walang sawang pag-busina sa akin ng mga sinisingitan kong sasakyan. Kung normal na araw lang ‘to ay hindi ko naman gagawin ‘to, kaya lang ay nagmamadali rin talaga ako. Nang makasingit at nang makaalis sa pagkakaipit sa traffic ay kaagad akong dumiretso sa daan na nahanap ko. Mabuti na lang at wala rin masyadong dumadaan na sasakyan kaya naman naging tuloy-tuloy ang byahe ko. Kaya nga lang ay medyo nahihirapan din akong makadaan sa ibang kalye dahil sa mga sasakyan na nakaparada sa gildi nang daan. Bakit ba kasi naging normal na rito na sa kalsada magparada nang sasakyan. Kaya naman kumikitid din nag gitna nang kalsada kung saan ka pwedeng dumaan. Mas nagiging prone tuloy sa aksidente ang mga tao dahil halos sakop na ng mga nakaparadang sasakyan ang pedestrian kaya naman wala na ring choice ang mga tao kung hindi sa gitna nang kalsada maglakad. At imbes na problemahin pa ang tungkol sa mga sasakyan ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagmamaneho. Maya-maya lang din ay nakatanggap ako nang tawag kaya naman dali-dali ko ‘yong sinagot ko. Gano’n na lang din ang pagkadismaya ko nang hindi naman pala si Andrew ang tumawag sa akin. “Tracy! Sinagot mo rin. Nasaan ka na ba? Didn’t you know na ngayon na ang event mo? Kanina pa kita tinatawagan pero ngayon mo lang sinagot ang phone mo. Ano bang nangyayari sa’yo?” sermon niya kaya naman napailing na lang ako. Kung alam ko lang na siya lang pala ang tumatawag ay sana hindi ko na lang sinagot. Wala rin naman na akong lakas pa na magpaliwanag sa kaniya kaya naman humingi na lang ako nang tawad sa kanya. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko pala nasabi sa kanya na hindi ako makakapunta. “I’m sorry, Lhia, I can’t come right now. I have emergency,” sabi ko na lang at pinutol na ang tawag. Bakit ba naman kasi hindi ko muna tinignan kung sino ang caller. Ayan tuloy ay nasagot ko ang tawag niya at nasermunan pa ako. Hindi ko tuloy mapigilan na mairita sa nang dahil sa event. Parang dati lang ay sobrang excited pa ako dahil finally, matutupad na rin ang isa sa mga dream ko bilang mnunulat. Kaya lang ay bigla pang nangyari ang bagay na ‘to kaya naman ngayon na paulit-ulit nangyayari ang araw na ‘to ay naiirita na rin ako. Hindi naman ako madaling mainis talaga kaya lang ay kapag paulit-ulit din nangyayari sa’yo ay hindi mo rin mako-kontrol ang emosyon mo. Kahit sino naman siguro na makaranas nang ganito ay maiintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Simula rin kasi nang mangyari sa akin ang time loop ay may mga panahon na lumalabag na talaga ako sa batas, no’ng una ay na-konsensya pa ako pero naiisip ko rin na hindi naman ako mahuhuli kaya ang ending ay ginagawa ko pa rin. Kagaya na lang kahapon na kahit lasing ako ay nag-maneho pa rin ako kahit hindi naman dapat. Kaya ayon, ang ending, maaga kaming nagkaharap nang killer. May mga oras din na nagiging padalos-dalos na ako sa desisyon ko kaya naman sa huli ay lagi ko ring pinagsisisihan ang ginagawa ko. Kung hindi ako umalis kaagad kahapon ay sana nahingi ko ‘yong number ni Andrew para sana hindi ako nahihirapang maghanap sa kanya ngayon. O kaya naman ay kinausap ko pa siya kung saan kami pwedeng magkita para naman hindi ako nangangapa ngayon. Masaya rin naman ako na may nakausap akong ibang tao na nakakaintindi sa pinagdadaanan ko ngayon kaya naman pakiramdam ko ay parang lumakas ang loob ko dahil alam ko na may kasama na akong lumalaban. ‘Yon nga lang ay hindi ko mahanap ngayon ‘yong kasama ko dahil hindi ko rin alam kung saan ko siya hahanapin. Pero utang ko sa kanya ang lahat ngayon, kasi kung hindi naman siya nag-tiyaga na hanapin ako ay paniguradong pinanghihinaan na ako ngayon. Baka nga pasuko na ako sa buhay ko at hayaan na lang ‘yong killer na gawin kung ano man ang binabalak niya. Mabuti na lang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD