Chapter 34

1139 Words
‘Time, which changes people, does not alter the image we have of them.’ – Marcel Proust Nang makarating ako sa gas station kung saan kami unang nagkita ni Andrew ay wala rin akong naabutan. Wala siya rito. Sinubukan ko rin tanungin ‘yong ibang empleyado baka sakaling dito siya nagta-trabaho kaya lang ay hindi nila ‘to kilala. Nagpasalamat na lang tuloy ako sa kanila at umalis na rin. Ngayon ay hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Napahampas na lang tuloy ako sa noo ko dahil sa kagagahan ko. Bakit ba naman kasi kung ano ang importante, ‘yon pa ang kinalimutan ko. Habang nasa byahe ay naipit na naman ako sa heavy traffic. Mukhang wala na talagang pag-asa na bumilis ang byahe rito. Bakit ba naman kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay na ganito talaga rito, laging traffic. At dahil wala naman akong ibang magagawa kung hindi maghintay na umusad ang traffic ay pinagmasdan ko na lang ang paligid. Wala rin naman akong masisingitan na ibang kalye dahil dire-diretso ang daan na ‘to. Hindi ko naman maiwasan na magulat nang may biglang kumatok sa bintana nang sasakyan ko. Akala ko kung ano kaya naman kinabahan pa ako. ‘Yon pala ay ‘yong bata lang na nagtitinda nang mga candy at tubig. Kumuha naman muna ako ng barya bago ko binuksan ang bintana. Nang mapatingin tuloy ako sa kanya ay hindi ko maiwasan na maawa sa kanya. Kahit na hindi nauuhaw ay binili ko na lang ang tubig na inaabot niya at binigyan pa siya nang extra na barya. Matapos ‘yon ay nagpasalamat na siya at sa ibang sasakyan naman nagtungo. Kaya nga lang ay hindi naman lahat ay maayos ang trato sa kanila. Kaya naman nakakalungkot lang na makitang ipagtabuyan ‘yong bata kahit wala naman siyang ginagawa na masama. Hindi ko tuloy maiwasang mainis sa mga gano’ng klase nang tao. Parang ang dali-dali kasi sa atin na manghusga nang kapwa natin. Kagaya na lang do’n sa bata. Medyo madungis siya dahil buong araw siyang nagbebenta, may kaitiman din ang balat niya dahil sa buong araw siyang babad sa tirik na tirik na araw. Pero kung tignan at paalisin nila ‘yong bata ay para bang ang dumi-dumi nito. Hindi ko lang talaga maunawaan kung bakit may gano’ng klase nang tao. Naalala ko pa nga rin kung ilang beses din akong pinagsabihan nila Hazel tungkol dito. Hindi ko alam kung bakit pero may soft spot talaga ako sa mga bata at matatanda. Kaya naman kapag may nakikita akong kagaya nila ay hindi ko maiwasang maawa kaya naman kung anong mayro’n ako ay ibinibigay ko. ‘Yon nga lang ay hindi rin talaga maganda na masyado kang mapagbigay. One time kasi ay halos dumugin kami nang mga batang kalye matapos kong bigyan nang pera at pagkain ‘yong ibang bata. Ginawa ko lang naman ‘yon kasi siyempre naaawa ako sa kanila dahil ang dungis-dungis nilang tignan at mukhang nagugutom talaga sila. Hindi ko lang talaga akalain na magtatawag pa siya nang iba niyang kasama. Sana pala ay hindi ko na lang sinabi na bigyan niya rin ‘yong mga kasamahan niya. Mabuti na lang din at may guard na nakakita sa amin kaya naman natulungan kami. Kaso ang ending ay pinagbabato rin kami nang plastic no’ng ibang bata dahil nga sa hindi sila nabigyan ng pera at pagkain. Tanda ko pa nga kung paano ako sermunan ni Hazel dahil sa nangyari dati. Sa aming tatlo kasi ay ako ang pinakabata at dahil hindi nga rin ako masyadong lumalabas ay wala rin talaga akong masyadong kaalam-alam sa labas. Kaya minsan ay nagugulat pa ako kapag nakakakita ako nang mga mas bata sa amin na naninigarilyo at umiinom. At nakakagulat lang din na parang mas bihasa pa sila sa isang relasyon kaysa sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay masyado na akong napag-iiwanan nang panahon. Mabuti na lang at mabait din naman ang mga kaibigan ko. Kaya naman kapag sinasabihan nila ako nang tungkol sa mga bagay-bagay ay may kasama pang sermon. Pero hindi naman ako nagagalit dahil para sa akin din naman ang sinasabi nila. Kaya nga rin hindi ko matanggap ‘yong nangyari sa kanila no’ng nakaraan. No’ng makita ko pa lang ang katawan nila na naliligo sa sarili nilang dugo, pakiramdam ko ay nawalan ako nang lakas. Para bang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. At hindi ko alam na makakagawa ako nang gano’ng bagay dahil sa galit. Totoo nga na kapag galit ang tao ay magagawa niyang gawin ang mga bagay na tingin niya ay hindi niya kaya. Dati ay natatakot pa ako kapag may nasasaktan akong ibang tao dahil pakiramdam ko ay hindi tama ‘yon. Kaya nga ngayon na nagagawa ko na ring isipin kung paano gantihan o bawian ‘yong killer ko, hindi pa rin ako makapaniwala. Bigla rin tuloy pumasok sa isip ko, kailangan ko ring alamin kung sino ‘yong mga tao na posibleng may galit sa akin. Hindi lang kasi pwede na alam ko na wala akong tinatapakan na tao. Posible kasi na ang alam ko ay wala akong naa-agrabyado pero ‘yong mga ginagawa ko ay posibleng nakaka-apekto sa kanila. Kaya naman kailangan ko rin palang maging maingat sa mga taong malapit sa akin. Kailan man ay hindi ko naisip na posibleng malapit sa akin ang papatay sa akin pero hindi ko pa rin pwedeng alisin ang posibilidad dahil hindi talaga imposible na ang taong malapit sa’yo ang ta-traydor sa’yo. Ang dami ko nang nabasa at napanood na ganyan ang nangyari. Masyado silang naging kampante na okay ‘yong mga tao na nakapaligid sa kanila. Na naging kampante sila na mapagkakatiwalaan ang mga ‘to, pero ang hindi nila alam ay katabi lang pala nila ang hinahanap nila na kaaway. Na nagpapanggap lang ito na kakampi para mas maisagawa niya ang kanyang plano. Pero confident naman ako na mapagkakatiwalaan ko ang mga kaibigan ko. Na hindi nila ako magagawang traydurin. Sa ilang taon na magkakasama kami ay halos alam na namin ang lahat sa isa’t isa kaya naman alam ko na hindi nila sisirain ang tiwala ko. Ilang beses ko na rin naman na sinubukan na pagdudahan sila kaya lang ay wala naman akong napapala. Kahit anong piga ko sa utak ko para maglabas nang mga posibleng hinanakit nila sa akin ay wala akong maisip. Sinubukan ko rin naman maghanap nang mali nila pero wala rin akong mahanap. Hindi man sila perpekto, at least alam ko na totoong kaibigan sila kaya naman kampante na rin ako ro’n. Ang importante lang talaga sa akin ngayon ay ang matapos ang time loop na ‘to nang hindi nadadamay ang mga taong malapit sa akin. Kasi hindi talaga ako makakapayag kapag may nangyaring masama sa kanila. Paniguradong buong buhay kong sisisihin ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD