‘Who controls the past, controls the future: who controls the present controls the past.’ – George Orwell
Nang mapatingin ako sa relo ko ay saka ko lang napansin na ilang oras na rin pala akong na-stuck sa heavy traffic. Gustuhin ko man na dumaan sa shortcut o kung saan mas mabilis na makakaalis ay hindi ko magawa dahil nasa kalagitnaan ako nang highway ngayon.
Hindi ko magagawang sumingit dahil siksikan talaga. Ilang oras na rin pati pala ang nasasayang ko dahil lang dito. Wala rin naman kasing traffic enforcer na tumitingin kaya naman hindi talaga makausad ang lahat. Mukhang wala na talagang solusyon sa traffic.
Base sa pagkakatanda ko ay umaga ako umalis sa unit ko kanina tapos nakarating ako sa gas station bago mag-tanghali. Pero ngayon ay ala-una nang hapon pero nandito pa rin ako. Ang layo ko pa nga kung sakali na didiretso ako sa unit ko.
Maya-maya lang ay napansin ko na nagbabaan ang ilan sa mga driver ng sasakyan kaya naman agad akong napatingin sa harapan. Hindi ko rin naman masyadong matanaw dahil SUV ang sasakyan na nasa harapan ko kaya naman natatakpan ako.
Nang tumingin ulit ako sa gilid ko ay mukhang may tinitignan talaga sila sa harapan namin. Pati ‘yong mga pasahero sa bus na nasa kabilang gilid ay halos magdungawan na ang mga ito, kulang na nga lang ay bumaba rin sila para maki-isyoso.
Siguro ay mga nainip na dahil ilang oras na rin kaming na-stuck sa traffic. Mukha pating may pasok pa sa trabaho ang ilan sa kanila dahil nakaayos pa ang mga damit nila at may suot-suot pa na ID. Kaya lang ay nagtataka na rin ako dahil parang nagkakagulo na sila sa harapan.
Wala talaga ako sanang balak bumaba dahil baka mamaya ay umusad na ulit ang traffic. Isa pa ay hindi naman ako mahilig maki-chismis sa mga ganyan. Kaya lang ay hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lumabas nang sasakyan ko at tignan kung ano baa ng pinagkakaguluhan nila.
Nang makalabas ako ay napansin ko na kaagad ang kumpulan nang mga tao ilang metro lang ang layo mula sa amin. Na-intriga na tuloy ako na tignan kung ano ba ang nangyari. Napansin ko na may iba pa na parang natataranta na may tinatawagan sa kanilang cellphone.
“Miss, alam mo kung ano ang pinagkakaguluhan nila?” tanong ko ro’n sa babae na nasa harapan ko.
Siya ‘yong driver no’ng SUV at mas nauna siyang bumaba kaysa sa akin so baka naman may alam siya sa kung ano ang nangyayari. Saglit naman siyang tumingin sa akin at muli ulit tumingin sa harapan namin. Naintriga na tuloy ako dahil parang pa-suspense pa ang sagot niya.
“May nasagasaan daw sa harapan. Uusad na kasi sana kaso biglang may nabangga na lalaki. Ayon hit and run daw,” paliwanag niya kaya naman napatingin na rin ako sa harapan namin.
Hindi ko napansin na dahan-dahan na pala akong naglalakad patungo sa pwesto na ‘yon. Nang mas malapit na ako ay rinig ko ang ingay sa mga tao dahil nagkakagulo sila sa pagtawag nang ambulansya at pulis.
Agad ko naman napansin na parang may nagc-CPR do’n sa lalaki na nabangga kaya lang ay hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan nang iba pang nakikitingin sa insidente. May iilan naman na sinasaway ang mga tao dahil kumukuha pa ng larawan.
Hindi ko tuloy maiwasan na mainis sa ginagawa nila. Nakita na nila na may na-aksidente at imbes na tumawag nang ambulansya ay mas inuuna pa nila ang pagkuha nang larawan. Kung sa kakilala o kamag-anak nila nangyari ang bagay na ‘yon paniguradong magagalit din sila sa mga taong gumagawa no’n.
Mabuti na lang at dala ko ang cellphone ko kaya naman sinubukan ko rin tumawag nang ambulansya, kaya lang ay ang bagal nang signal kaya naman ang tagal din maka-connect no’ng tawag. Nang mapatingin ako sa iba ay mukhang pati sila ay gano’n din ang problema.
Kita ko pa nga kung paano mapasabunot sa ulo niya ‘yong lalaki dahil wala atang sumasagot sa tawag niya. Mukhang kailangan na talaga nang tulong dahil baka mas lumala pa ang lagay no’ng lalaki, mukhang naghihingalo na rin pati ito dahil ilan na silang nagpapalitan sap ag-CPR dito.
Wala naman kasi akong alam sa pag-first aid kaya naman ang pagtawag lang ng ambulansya ang magagawa ko. Kaya lang ay ayaw din makisama nang signal dahil hindi talaga ako maka-connect sa tawag. Nagri-ring lang ang tawag pero maya-maya lang din ay mapuputol.
“Bakit ba hindi pa natin siya dalhin sa hospital? Baka tuluyan na siyang mamatay kapag hinayaan pa natin siya rito,” narinig kong sabi no’ng lalaki na tumutulong sa pag-CPR.
“Hindi pwede. Hindi siya pwedeng magalaw lalo na at hindi natin sigurado kung may ibang pinsala ba ang ulo niya o wala,” sagot naman no’ng babae na sa tingin ko ay nurse dahil sa uniform nito.
Mabuti na lang din pala at may nakakita sa biktima na may alam sa first aid. Tama naman kasi ang sinabi niya. Wala man akong alam sa pag-first aid ay alam ko naman ang mga dapat gawin kung sakaling makakita nang na-aksidente.
Hindi naman kasi talaga pwedeng basta-basta galawin ang biktima lalo na kung sa ulo ito natamaan. Dahil baka mamaya ay may kung anong nerve ang na-apektuhan. Na kapag ginalaw ay baka lalong lumala ang lagay niya.
“Wala pa rin bang ambulansya?” tanong no’ng nurse at siya naman ang pumalit sa pag-CPR sa lalaki.
“Walang signal,” sagot naman no’ng isa sa mga lalaki na sinusubukan din tumawag.
Parang pati tuloy ako ay nataranta dahil ilang minuto nang nasa gano’ng kalagayan ang lalaki. Maya-maya lang din ay tumigil na sa pag-chest compression ang nurse at tinignan kung humihinga na ulit ang lalaki. Hindi ko alam kung sobrang lala ba nang lagay niya pero mapapansin mo kaagad ang nagkalat na dugo sa kalsada.
“Sir, naririnig mo ba ako?” rinig ko pang tanong no’ng nurse sa lalaki at iginalaw-galaw ang kamay nito sa harapan.
Muli naman akong bumalik sa pagtawag sa ambulansya para naman masaklolohan kaagad ang lalaki kaya lang ay sobrang humihina talaga ang signal kaya naman naglakad-lakad ako at naghanap nang lugar na may signal. Maya-maya lang din ay narinig ko na may sumagot kaya naman kaagad kong sinabi ang nangyari.
Kung ano-ano pa ang tinanong nang nasa kabilang linya kaya lang ay hindi ko rin alam ang sasabihin sa kanya dahil hindi ko rin alam kung anong nangyari kaya naman pinapunta ko na lang kaagad sila. Matapos ang tawag ay dali-dali naman akong bumalik sa lugar kung nasaan sila.
Kaya lang ay napahinto rin kaagad ako nang tuluyan akong makalapit sa akin. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko na ang mukha nang lalaki na binabalot na ng dugo mula sa ulo niya. Puro sugat na rin ang ilang parte nang katawan niya dahil sa pagkakabangga.