Chapter 36

1170 Words
‘Time is like the wind, it lifts the light and leaves the heavy.’ – Domenico Cieri Estrada “Andrew?” pagbanggit ko sa pangalan niya nang makilala ko ang biktima. Para tuloy akong na-estatwa sa nakita ko dahil ang puti niyang damit ay halos maging pula na dahil sa dugo niya. “Andrew!” tawag ko pa sa kanya at agad na lumapit sa pwesto niya. Mukhang nagulat pa sa akin ang nurse kaya naman dali-dali akong tumingin sa kanya para tanungin kung ano ang kalagayan ni Andrew. Hindi ko tuloy mapigilan na maiyak nang makita ko ang lagay niya. Halos puno na ng sugat ang buong katawan niya at patuloy pa rin sa pag-agos ang dugo. “Humihinga pa naman siya kaya lang ay kailangan niya kaagad madala sa hospital bago pa tuluyang lumala ang lagay niya at maubusan siya ng dugo,” paliwanag niya kaya naman pa-simple akong tumango. “Nakatawag na ako nang ambulansya, papunta na rin sila ngayon,” pagbibigay alam ko sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas at nasa gano’ng sitwasyon pa rin kami bago dumating ang ambulansya. Hindi na rin naman na ako makapag-isip pa nang maayos nang makita ko ang kalagayan ni Andrew kaya naman hindi rin nila ako makausap nang maayos. Hanggang sa maisakay nila si Andrew sa ambulansya ay nakasunod pa rin ako sa kanila. Dala-dala ko ang sasakyan ko ngayon dahil hindi ko naman ‘to pwedeng iwan na lang bigla sa gitna nang kalsada. Mabuti na lang at pinasingit ako nang ibang driver kaya naman nakadaan ako. Kaagad din naman namin siyang nadala sa pinakamalapit na hospital kaya naman kaagad ko rin pinarada ang sasakyan ko at dumiretso na sa loob. Susunod pa sana ako hanggang sa loob kaya lang ay pinigilan na ako ng ibang nurse kaya naman naiwan ako sa labas. “Sorry, Ma’am, hindi po pwedeng pumasok sa loo bang mga kamag-anak. Hanggang dito lang po kayo sa labas pwedeng maghintay,” paliwanag nito sa akin kaya naman tumango na lang ako at napaupo sa pinakamalapit na upuan. Naisip kong tawagan ang pamilya ni Andrew kaya lang ay saka ko lang naalala na wala rin pala akong number ng kamag-anak niya. Hindi ko rin alam kung may kasama ba siyang kapamilya rito dahil kahapon lang naman kami nagkakilala talaga. Kaya naman wala akong ibang magagawa ngayon kung hindi ang maghintay at magdasal na sana ay maging maayos ang lagay niya. Habang naghihintay nang balita ay saka ko lang naalala ang killer. Kung gano’n ay mukhang maaga silang nagkaharap ngayon. Kaya naman posible na naghahanda na rin ‘yong killer para patayin ako mamaya. Wala naman kasing nasusunod na oras kung kailan niya ako papatayin kaya naman hindi ko rin matutukoy kung kailan ba siya magpapakita at susugod. Basta ang alam ko lang ay natatapos din kaagad ang araw kapag napapatay na niya ako. Ngayon ay pwede kong patayin ang sarili ko para lang umulit muli ang araw kaya lang ay kailangan kong makaharap ang killer. Hindi pwede na lagi na lang akong tatakbo at magtatago. Kasi hindi talaga matatapos ang lahat nang ‘to kung hindi kami nagkakaharap. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung paano sila nagkakaharap ni Andrew. Kasi kung ako lang talaga ang pakay niya at balak niyang patayin, bakit lagi ring nadadamay si Andrew? Kaya naman gusto kong malaman kung ano ang kasagutan sa tanong ko. Hindi ko alam kung ilang oras pa akong naghintay hanggang sa lumabas na ‘yong doctor na nag-opera kay Andrew kaya naman napatayo ako kaagad at mabilis na lumapit sa kanya. “Doc, kumusta po ang kaibigan ko?” agad na tanong ko sa kanya nang makalapit ako. Saglit naman siyang nagtanggal ng face mask na suot niya at humarap sa akin. “Successful ang naging operation. Mabuti na lang at nakita rin kaagad siya bago pa mahuli ang lahat. Sa ngayon ay nasa ICU pa siya pero maya-maya ay ililipat na rin siya sa normal ward kaya pwede mo na siyang mabisita,” paliwanag niya pa kaya naman tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanila. Umalis na rin naman na sila dahil may ibang pasyente pa raw silang kailangang tignan kaya naman hinayaan ko na silang umalis. Ayos na sa akin na malaman na nasa ligtas na kalagayan na si Andrew. Maya-maya lang din ay inilabas na siya ng nurse kaya naman mabilis akong sumunod sa kanila. Bawal talaga ang bisita sa ICU pero mabuti na lang at pinayagan ako ng nurse kaya naman kaagad akong nagsuot nang hospital gown at face mask bago tuluyang makapasok sa loob. Nang maayos na ang lahat ay iniwan din naman na nila ako kaya naman naiwan kami ni Andrew sa kwarto. Kailangan niya pang manatili nang ilang oras dito sa ICU para naman ma-obserbahan kung ayos na ba talaga ang lagay niya o kung may kailangan pang gawin sa kanya. May benda ang ulo niya pero ayon naman sa nurse ay hindi naman gano’n kalala ang naging lagay niya dahil naagapan kaagad. Mabuti na lang talaga at nakatawag kaagad ako ng ambulansya dahil kung hindi ay baka mas malala pa ang nangyari sa kanya ngayon. Gusto ko siyang makita ngayong araw pero hindi ko naman inaasahan na sa ganitong pagkakataon. Hindi ko tuloy mapigilan na sisihin ang sarili ko nang dahil sa nangyari sa kanya. Kasi kung hindi naman dahil sa akin ay hindi siya madadamay. Kasi ako lang naman talaga ang gustong patayin no’ng killer, nadamay lang talaga siya kaya naman ngayon ay parehas kaming nakakulong sa time loop. Ngayon ay hindi ko alam kung paano ko siya kahaharapin. Hindi ko maiwasang mahiya sa nangyari pero wala namang may gusto na mangyari ‘to. Kaya nga mas dapat na magkaharap kami ng killer para matapos na rin ang kalokohan na ‘to. Kasi kung hahayaan ko lang siya na patayin ako nang patayin ay wala talagang mangyayari. Hindi talaga matatapos ang araw na ‘to at baka mamuhay na lang kami sa ganitong sitwasyon. At ayaw kong mangyari ang bagay na ‘yon kaya naman kailangan kong kumilos. Maya-maya naman ay kumatok ang nurse para sabihin na kailangan ko na rin lumabas dahil ililipat na ng kwarto si Andrew. Kaagad naman akong sumunod sa kanya at ibinigay niya sa akin ang gamit nito. Bukod sa wallet at cellphone ay wala naman na siyang ibang gamit kaya naman nagpasalamat na ako at umalis. Nang makarating sa bagong kwarto ni Andrew ay napansin ko na marami pa ring nakakabit na aparato sa katawan niya. Maayos naman ang t***k ng puso niya at naging successful naman ang operasyon kaya lang ay hindi pa rin siya nagigising. Hindi pa rin tuloy ako makampante dahil kahit na nasa maayos na siyang kalagayan ay hindi pa rin siya nagigising kaya naman hindi ko rin magawang umalis sa tabi niya. Nang tignan ko ang relo ko ay may ilang oras pa kami bago mag-alas-dose kaya naman palagay ko ay ano mang oras ay dadating na rin ang killer ko para patayin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD