Chapter 37

1191 Words
‘Don’t spend time beating on a wall, hoping to transform it into a door.’ – Coco Chanel Nabigla naman ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nang dumilat ako ay saka ko lang naalala na nasa hospital pa pala ako, hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Kinabahan pa ako dahil akala ko ay napatay kaagad ako no’ng killer. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay nakita ko ang pangalan ni Hazel. Nakailang missed calls na rin siya kaya naman sinagot ko na ang tawag niya. Paniguradong hinahanap na nila ako ngayon dahil buong araw akong hindi nagparamdam sa kanila. Nang sagutin ko ang tawag ay bumungad sa akin ang napakalakas na boses ni Hazel kaya naman agad kong inilayon sa tainga ko ang cellphone. Pakiramdam ko tuloy ay mabibingi pa ako dahil sa pagsigaw na ginawa niya. Napansin ko naman na humina na ang boses niya kaya naman inilapit ko na ulit ito sa tainga ko. “Buti naman at naisipan mo na sagutin ang cellphone mo. Kanina pa kami tumatawag sa’yo pero wala kang paramdam. Sa susunod ‘wag ka nang magce-cellphone kung hindi ka rin naman namin mako-contact, nakaka-stress ka,” tuloy-tuloy na sabi niya. “Sorry Hazel, nagkaro’n kasi ng emergency,” sabi ko na lang para hindi na siya masyadong magtanong pa. Kaya lang dahil siya si Hazel ay hindi niya gagawin ‘yon kaya naman imbes na tumigil na ay sunod-sunod na tanong pa ang ibinato niya sa akin. “Nasaan ka ba kasi? Nandito kami sa unit mo at kanina pa katok nang katok pero sabi no’ng guard ay napansin niya na umalis ka raw kanina pang umaga,” sermon niya pa kaya naman napahilot na lang ako sa sintido ko. “Nasa hospital ako ngayon,” sabi ko na lamang sa kanya. Ayoko nang makipagtalo pa dahil lalo lang sumasakit ang ulo ko kaya naman sinabi ko na lang sa kanya. Wala rin naman kasing kwenta kung magsi-sinungaling pa ako sa kanya. Paniguradong hindi niya rin naman ako tatantanan kaya naman hahayaan ko na lang siya sa kung ano ang gusto niyang gawin. Bago siya magsalita ay narinig ko pa ang boses ni Luna at mukhang nag-uusap sila. Mukhang naka-speaker pa pala ako kaya naman rinig na rinig nila ang sinabi ko. “Hospital? Anong ginagawa mo r’yan? Na-aksidente ka ba? Bakit hindi mo kami tinawagan kaagad? Ayos ka lang ba? Saang hospital ‘yan, pupuntahan ka namin,” sunod-sunod na sabi pa ni Luna kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Parang bigla tuloy akong nagsisi na sinabi ko sa kanila kung nasaan ako. Mas mukhang mai-stress pa pala ako nang ganito. Ramdam ko na rin naman ana masama na ang pakiramdam ko kaya naman hangga’t maaari sana ay ayaw kong makipagtalo sa kanila kaya naman sinagot ko na ang mga tanong nila. “Hindi ako na-aksidente, pero ‘yong kaibigan ko ang na-aksidente. Hit and run kaya naman nandito ako sa hospital ngayon para samahan siya. Sobrang nataranta na rin ako kanina kaya naman hindi na ako nakatawag pa sa inyo. Nasa Saint Merdy Hospital kami ngayon. And no need na pumunta pa kayo dahil ayos naman na ang lahat.” Nauna na akong sabihin ang bagay na ‘yon dahil ayaw ko na pumunta pa sila rito. Ilang oras na lang din naman na at paniguradong hinahanap na ako ng killer ko para patayin. Kaya naman hindi na ako papayag pa na pati sila ay madamay. Tama na ‘yong kami na lang ang biktima, mas lalong hindi ko matatanggap kung pati sila ay makikita ko na namang mapahamak. Paniguardong hindi ko na talaga kakayanin. “Sige na, tatawagan ko na lang kayo kapag ayos na ang lahat,” sabi ko pa at ibinaba na ang tawag. Hindi ko na rin naman na sila hinintay pa na magsalita dahil baka kung ano-ano pa ang itanong nila sa akin. Iniligpit ko na lang din ang cellphone ko sa bag at saka ko napansin ang gamit ni Andrew. Ngayon ko lang naalala na wala pala akong number niya kaya naman nahirapan pa akong hanapin siya. Agad ko namang kinuha ang cellphone niya para tignan ang number niya kaya lang ay naka-lock ito. Hindi ko naman pwedeng basta-basta na lang buksan dahil baka tuluyang mag-lock. Saka ko lang din napansin na may finger print detector pala ang phone niya kaya naman napangiti ako. Mabuti na lang at walang kung anong aparato ang nakadikit sa kamay niya bukod sa dextrose kaya naman marahan kong inabot ang kanyang kamay niya para buksan ang cellphone. Ginamit ko ang kanang hintuturo niya kaya lang ay nag-error, ayaw bumukas kaya naman sinubukan ko ang iba pang daliri pero lahat ayaw. At dahil nakailang try ako ay kailangan ko pang maghintay nang ilang segundo para makasubok ulit. Napasabunot na lang ako sa sarili ko nang ma-realize ko na baka kaliwang kamay ang dominant sa kanya kaya naman baka left-handed siya. Hinintay ko na lang na matapos ‘yong oras at saka ko sinubukan ulit. Mabuti na lang at gumana kaya naman nabuksan ko ang cellphone niya. Kaagad naman akong dumiretso sa phone call at tinawagan ang sarili kong number, maya-maya lang ay nag-ring na ang cellphone ko kaya naman agad kong tinapos ang tawag. Kahit na imposible ay ni-save ko pa rin ang number niya sa contacts ko at saka ko sinimulang kabisaduhin. Alam ko naman na kapag umulit ang araw ay mawawala rin ang number niya sa cellphone ko pero mas mabuti na ‘yong sure, baka kasi mamaya ay gumana naman para at least hindi na ako masyadong mahirapan magkabisado. Nang ma-save ko sa contacts ko ang pangalan niya ay kinabisado ko na ang number niya. Sa buong buhay ko ay never pa akong nagkabisado ng number ng ibang tao kaya naman number ko lang ang kabisado ko. Pero syempre, may time pa rin na nalilimutan ko dahil sa pagiging makakalimutin ko. Mabuti na lang at halos pare-parehas lang ang number niya kaya naman hindi mahirap kabisaduhin. Ilang beses ko pa ‘tong paulit-ulit na binanggit para lang maalala ko. Naalala ko na siya nga pala ang may photographic memory sa aming dalawa kaya paniguradong sisiw lang sa kanya ang pagkabisado. Ilang beses ko pang paulit-ulit na binanggit ang pangalan niya hanggang sa makabisado ko na ‘to, sana lang talaga ay hindi ko makalimutan kaagad. Maya-maya lang din ay may kumatok sa pintuan kaya naman agad akong tumayo para tignan kung sino ‘yon. At gano’n na lamang ang pagkagulat ko nang makita ko sina Hazel at Luna. Tuloy-tuloy naman ang pasok nilang dalawa sa kwarto kaya naman napaatras ako. Napa-face palm na lang talaga ako nang makita nila si Andrew na nakahiga at walang malay. “Anong ginagawa niyo rito? Sabi ko naman kanina na hindi niyo na kailangang pumunta ‘di ba?” tanong ko sa kanila kaya naman agad silang bumaling sa akin. “Ayaw mong pumunta kami rito kasi may tinatago ka sa amin? Gano’n ba ‘yon, Tracy?” sabi ni Hazel kaya naman napakunot ang noo ko sa sinasabi niya. Hindi ko naman kasi maintindihan ang tinutukoy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD