Chapter 38

1147 Words
‘Time expands, then contracts, and in tune with the stirrings of the heart.’ – Haruki Murakami “Huh? Ano bang sinasabi mo Hazel?” nagtatakang tanong ko sa kanya dahil hindi ko na talaga siya maintindihan. Nang tignan ko naman si Luna ay nagkibit balikat lang siya kaya naman muli akong bumaling kay Hazel. “Bakit hindi mo sinasabi sa amin na may boyfriend ka na pala?” sabi niya pa kaya naman nasamid ako kahit wala naman akong iniinom. “Boyfriend?” takang tanong ko pa sa kanya at saka siya lumingon kay Andrew kaya naman nakuha ko kaagad ang tinutukoy niya. hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil sa inaasta niya. Akala ko kung ano na ang sinasabi niya na tinatago ko. “Nahuli ka na namin, itatago mo pa ba?” pahabol na sabi niya pa kaya naman natawa na lang ako sa kanya. Kahit kailan talaga ‘tong si Hazel masyadong tamang hinala. At saka paano naman ako magkakaro’n ng boyfriend kung lagi nga lang akong nakakulong sa unit ko at hindi lumalabas. “Alam mo, sana ayos ka lang. Hindi ko siya boyfriend, kaibigan ko lang si Andrew,” sabi ko naman sa kanya at pinaupo sila. Mabuti na lang at may sofa sa gilid kaya naman hindi nila kailangan tumayo. Mabuti na lang din at pinayagan sila ng nurse na dumalaw pa lalo na at past time na ng pagdalaw. “Kaibigan lang? Kailangan pang bantayan buong magdamag, wala ba ‘yong parents niya?” pahabol na sabi niya pa. Kanina ko pa napapansin parang sumasagap na lang siya ng tsismis. Kahit kailan din talaga ‘tong babae na ‘to. “Oo, kaibigan lang talaga. Wala rin ‘yong parents niya dahil nasa business trip, kaya naman ako muna ang nagbabantay sa kanya,’ pagsisinungaling ko na lang. Hindi ko naman kasi talaga alam kung nasaan ang parents niya. Isa pa, kagaya ng sabi ko kanina, kahapon lang kami nagkakilala kaya naman wala akong alam tungkol sa kanya. Hindi ko naman masasabi sa kanila na kahapon ko lang siya nakilala dahil parehas naming nararanasan ang time loop. “Ano pa lang nangyari at bakit bigla kang na-aksidente kahapon?” wala sa sariling tanong ko sa kanya. Ngayon naman ay nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Late ko na rin naman na na-realize na mali pala ang nasabi ko sa kanya kaya naman hindi ko na mababawi pa. “Huh? Ayos ka lang ba? Ako na-aksidente kahapon, eh nasa bahay nga lang ako natutulog,” nagtatakang sagot niya pa sa akin. “Ah, oo nga. Sa bagong story ko pala ‘yon na sinusulat, Hazel din kasi name ng character ko kaya naman nalito lang ako,” pagbabago ko na lang sa usapan. Bakit ba naman kasi padalos-dalos ako sa pagsasalita, ayan tuloy ay muntik na kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Grabe rin naman kasi pag-aalala ko sa kanya kahapon no’ng naka-receive ako ng text na sinasabing na-aksidente siya. Kaya nga agad din akong umalis no’n s bar at nagmaneho kahit na lasing pa ako. Kaya lang ay hindi talaga kumakampi sa akin ang tadhana dahil sa dinami-rami nang pwede kong mabangga at makasalubong ay ‘yong killer pa. Ayon tuloy, ang bilis natapos no’ng araw at hindi ko na siya napuntahan pa. Pero ayos na rin naman na dahil mabuti ang lagay niya ngayon kaya okay na ako ro’n. “Sabi mo na-hit and run siya. Ano bang nangyari? Natandaan ba ‘yong plate number nang nakasagasa sa kanya?” nag-aalalang tanong naman ni Luna kaya sa kanya naman ako bumaling. “Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Basta pauwi na sana ako no’ng oras na ‘yon kaya lang ay na-stuck ako sa heavy traffic, tapos ayon, bigla na lang nagkagulo ‘yong mga nasa harap at saka ko nakita na duguan na siya sa kalsada,” paliwanag ko naman sa kanya. “Ang dami-daming tao sa lugar na ‘yon bakit wala man lang humabol do’n sa sasakyan?” tanong naman ni Hazel kaya nailing na lang ako. Hindi ko naman kasi talaga alam ang nangyari kaya naman hindi ko masagot ang mga tanong nila. Ilang minuto pa silang naghintay hanggang sa naisipan ko na paalisin na sila dahil alas-onse y medya na. Habang sinasamahan nila ako ay hindi ko maiwasan na kabahan dahil pakiramdam ko kasi ay ano mang oras ay dadating na ‘yong killer. Pero ilang minuto na lang din naman na at matatapos na ang araw kaya naman hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o ano. Ilang beses ko pang pinilit sina Hazel na umuwi na, mabuti na lang at nakisabay si Luna kaya naman napapayag ko rin si Hazel. “Feel ko talaga boyfriend mo ‘yan, kasi kung hindi, hindi ka naman magmamadali na paalisin kami. O kung hindi mo boyfriend, kalandian mo,” pahabol na sabi pa ni Hazel kaya naman natatawa na lang ako sa kanya. “Alam mo, kulang ka lang sa tulog, magpahinga na kayo dahil may trabaho pa kayo bukas, ako na ang bahala rito,” sabi ko pa at halos ipagtulakan na sila papasok. Mabuti na lang talaga at mabilis maka-pick up si Luna kaya naman nakuha niya ang gusto kong mangyari. Bago sila tuluyang umalis ay kung ano-anong pahabol na banat pa ang pinagsasabi ni Hazel. Mabuti na lang at hindi gising si Andrew, dahil kung hindi ay mas nakakahiya. Umalis naman na rin sila kaya naman nang hindi ko na sila matanaw sa hallway ay isinara ko na ulit ang pinto at inayos ang gamit ko. Mabuti na lang din at may dala silang pagkain kaya naman makakakain na rin ako. Kanina ko pa rin kasi nararamdaman ang gutom kaya lang ay hindi ako makapag-simula sa pagkain dahil sa mga pabanat ni Hazel. Kailangan ko rin naman kasing sabihin sa kanila kung paano ako napadpad dito para naman hindi na sila masyadong mag-alala. Gano’n naman kasi talaga sila, hindi nila ako iiwan hangga’t hindi sila kampante na maayos na talaga ako. Kaya nga minsan ay kailangan ko pa silang pilitin nang paulit-ulit para lang umuwi na. Sabagay, hindi lang naman sila gano’n sa akin, dahil gano’n talaga ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Laking pasasalamat ko na lang talaga na sila ang naging kaibigan ko. Hanggang ngayon din kasi ay tanda ko pa kung paano kami nagkakilalang tatlo. Naging magka-kaklase kaming talo no’ng high school kaya naman naging close rin kami dahil parehas na madadaldal. Tapos pagdating nang college ay naging schoolmate rin kami at magka-kaklase sa ibang subject. Kaya nga ilang taon na rin kaming magkakasama at magka-kaibigan. At kahit ngayon na nagta-trabaho na kami at may kanya-kanyang buhay ay siyempre hindi pa rin nakakalimutan ang isa’t isa. Kaya naman mas kailangan kong gumawa nang paraan para bumalik na ulit sa normal ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD