Chapter 39

1200 Words
‘They always say time changes things, but you actually have to change them yourself.’ – Andy Warhol “At dahil kumakalam na ulit ang sikmura ko ay nagsimula na akong kumain. Mabuti na lang talaga at naisipan nila Luna na magdala nang pagkain. Ngayon ko lang din kasi naalala na hindi pa pala ako kumakain simula kaninang umaga. Kaya naman siguro kanina pa nagre-reklamo ang mga alaga ko sa tiyan. Magpapabili na rin sana talaga ako nang pagkain sa kanila kanina kaya lang ay nawala sa isip ko. Hindi ko rin naman kasi maiwan si Andrew dahil baka mamaya ay bigla siyang gumising. Kailangan ko siyang makausap kaya naman hindi ako pwedeng umalis basta-basta lang. Isa pa ay hindi rin naman talaga kami sigurado kung ako lang ba talaga ang pakay no’ng killer. Ngayong naalala ko ang aksidente kanina, ibig sabihin ay hapon pa lang ay naghahanda na ang killer para patayin ako. Pero bakit naman kaya ang aga niyang kumilos ngayon? Pakiramdam ko tuloy ang lalo lang sumakit ang ulo ko sa iniisip ko. Napahinto tuloy ako sa pagkain at tumingin na lang sa kanya. Kung gano’n ay nakatadhana rin pala siyang mamatay sa araw na ‘to kagaya ko, at sa kamay pa talaga nang iisang tao. Pero hindi naman dapat mangyayari sa kanya ang bagay na ‘to kung hindi dahil sa akin. Dahil ako lang naman talaga ang balak patayin no’ng killer, hindi siya kasama, sadyang nadamay lang talaga siya. Hindi ko rin tuloy maiwasang maisip kung gaano kalakas at kadiskarte ‘yong killer. Kasi ang laking tao ni Andrew pero nagawa niya pa ring patayin. Well, kahit sino naman siguro ay mapupuruhan talaga kapag nasagasaan pero no’ng nasa Bicol kami ay natandaan ko na hindi siya nasagasaan no’ng araw na ‘yon. Pero may dala rin palang baril ‘yong killer kaya naman mas lamang pa rin siya. Hindi ko na lang talaga alam kung hahanga ba ako sa killer o ano. Grabe naman kasi ‘yong paghahanda na ginagawa niya para lang sa akin. Parang planadong-planado na niya ang lahat. Isa pa ay wala talaga siyang balak na tigilan ako kasi handa siyang sundan ako kahit saan pa ako magpunta. Pakiramdam ko tuloy ay kahit saan ako magtago ay masusundan at mahahanap niya ako kaya naman wala talaga akong kawala sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung hanggang kailan o hanggang saan niya ako hahabulin para lang patayin. Para bang gano’n katindi ang galit niya sa akin dahil handa siyang gawin ang lahat para lang patayin ako. Na tipong hindi siya maka-kampante hangga’t hindi niya nakikita na hindi na ako humihinga. Habang iniisip ang mga bagay na ‘yon ay bigla ko ring naisip ang mga taong malapit sa akin. No’ng araw na nakita kong walang buhay ang mga katawan nila Hazel at Luna, para talaga akong pinagbagsakan ng mundo no’n. Pakiramdam ko ay katapusan na ng lahat. Sobrang hindi ako makapaniwala sa nangyari, hindi rin naman kasi kailan man sumagi sa isip ko na idadamay at gagawin ‘yon sa kanila no’ng killer. Kaya nga nagulat din ako sa sarili ko dahil muntik ko na ring mapatay ‘yong killer. Kaya lang ay kung tinuloy ko ‘yong ginagawa ko ay baka tuluyan na talaga siyang mamatay at hindi na umulit pa ang araw, kung nagkataon ay baka hindi ko na talaga makikita pa ang kaibigan ko, pati na rin si Andrew dahil namatay na rin siya no’ng araw na ‘yon. Kaya nga handa na akong gawin ang lahat para lang matapos ‘tong kalokohan na ‘to. Hindi na ako papayag pa na may ibang tao pa na madamay, lalo na ‘yong mga malalapit sa akin. Sisiguraduhin ko na pagbabayaran lahat ng killer na ‘yon ang ginawa niya sa akin. Dahil sa galit at pagkamuhi na nararamdaman ko para sa killer ko ay hindi ko napansin na naging sunod-sunod na pala ang pagsubo ko, muntik pa tuloy akong mabulunan. Inilapag ko na lang din muna ‘yong pagkain at hinimas-himas ang dibdib ko. Masyado atang marami ang naisubo ko kaya naman mabubulunan pa ako, mabuti na lang at naagapan ko kaagad kung hindi ay baka mamatay pa ako dahil lang sa hindi ako nakahinga dahil sa pagkabulon. Saglit naman akong napatingin kay Andrew nang mapansin ko na biglang gumalaw ang mga daliri niya. Mabilis ko tuloy nailapag ang pagkain na hawak ko at lumapit sa kanya para tignan kung may malay na ba siya. Pero maya-maya lang din ay tumigil na sa paggalaw ang mga daliri niya kaya naman agad akong tumawag nang nurse. Mabuti na lang din at agad silang naka-respundi kaya naman kaagad nilang sinuri ang katawan ni Andrew. Kung ano-ano pa nga nag tinignan nila hanggang sa ilang sandali lang din ay natapos sila sa ginagawa. Muli naman akong napatingin kay Andrew at wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Nang matapos sila sa pagtingin ay humarap sa akin ‘yong doctor na tumitingin kay Andrew, agad din naman tuloy akong napatingin sa kanya. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam nang kaunting kaba dahil parang masyadong seryoso ‘yong sasabihin niya. “He is fine for now. Hihintayin na lang natin na magising siya to check if there are any other complications after his operation. So for now, mas mabuti na mabantayan muna ang pasyente,” he said kaya naman nakahinga ako nang maluwag, akala ko kung ano na ang nangyari. “Yes, thank you, doc,” wika ko at nagpasalamat sa kanila. Nagpaalam na rin ‘yong doctor at umalis na kasunod ang mga nurse na kasama niya. Mabuti na lang talaga at ayos lang siya. Muli naman akong napatingin kay Andrew at ngayon ay parang natutulog na lang talaga siya pero may mga kung ano-anong aparato pa rin ang nakadikit sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa kalagayan niya dahil kung hindi dahil sa akin ay wala siya rito ngayon. Napatingin naman ako sa relo ko at parang kinakabahan ako na ewan, ilang minuto na lang din naman kasi ay malapit nang mag-alas-dose. Kaya nga hindi ko maiwasang magtaka dahil hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam ‘yong killer. Hindi ko tuloy alam kung maka-kampante na ba ako o mananatiling alerto. Pero kailangan kong maging mas alerto lalo na at hindi pa talaga tuluyang natatapos ang araw. At kung sakali man na matapos na ang araw na ‘to ay mas okay para sa akin dahil ibig sabihin ay nakaalis din kami sa time loop. Kaya lang ay mananatiling nakaratay dito sa hospital si Andrew at hanggang ngayon ay hindi namin malalaman kung sino ang killer. At hindi rin kami tuluyang maka-kampante pa talaga dahil hindi ko alam kung kailan ulit pwedeng sumugod ‘yong killer para patayin ako. Kung gano’n ay hindi pa rin pala talaga magiging maayos ang lahat kahit na matapos ang time loop na ‘to. Napasabunot na lang tuloy ako sa sarili ko dahil hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Na kahit na matapos din pala ‘tong time loop na ‘to ay hindi pa rin pala talag matatahimik ang buhay ko. Kailan kaya babalik ulit sa normal ang buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD