Chapter 29

1291 Words
‘If you love life, don’t waste time, for time is what life is made up of.’ – Bruce Lee “Parang ganito. Nagising ka one day na parang normal ang lahat kagaya no’ng naksanayan mo, like panibagong araw, gano’n. Pero pagkagising mo ulit kinabukasan, nagising ka sa parehong araw,” paliwanag ko sa kanya. Mukha namang naging interesado siya sa sinasabi ko dahil ibinaba niya muna ang tinidor na hawak niya at humarap sa akin. “So ibig sabihin, ‘yong araw na ‘yon ay paulit-ulit na nangyayari, gano’n ba?” tanong niya kaya naman agad akong tumango sa kanya. “Paano ‘yon? Ako lang ba ang nakakaalam na umulit ‘yong araw na ‘yon?” tanong niya pa ulit. “Oo. At sa bawat ginagawa mo ay may mga nagbabago na pangyayari pero sa huli ay gigising ka na gano’n pa rin. Na nasa parehong araw ka ulit.” “Wow! That one was hella insane. Ang creepy niya, but at the same time, you have the freedom to do everything you want. Pero parang sobrang imposible kasi na mangyari” wika niya at mukhang excited pa siya. Napatingin na lang tuloy ako sa kanya, kung alam niya lang. Kung alam niya lang na nangyayari talaga at hindi imposible ang sinasabi ko. “But there is a twist,” muli naman siyang napatingin sa akin. “At the end of the day, may papatay sa’yo.” “Then you will wake up na parang walang nangyari? Na gano’ng araw ulit?” pagpapatuloy niya sa sinasabi ko kaya naman tumango ako sa kanya. “Woah! That was really insane,” she said at napahawak pa sa magkabilang braso niya. “Look. Grabe ‘yong goosebumps ko sa sinabi mo,’ at ipinakita niya pa sa akin ang braso niya. “Ano ang gagawin mo kung sakaling sa’yo mangyari ang bagay na ‘yon?” muling tanong ko sa kanya. “Alam mo ba, no’ng sinabi moa ng bagay na ‘yon naisip ko na gagawin ko lahat nang gusto ko. ‘Yong mga bagay na hindi ko pa nagagawa dahil wala akong time. Pero when you said na may papatay sa akin, biglang parang wala akong maisip na gawin.” Mukhang parehas lang din pala kami nang nasa isip. Kahit sino naman siguro, mapapaisip ka na lang na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin, kagaya no’ng sabi niya, ‘yong mga bagay na hindi mo pa talaga nagagawa. Pero kung ang magiging kapalit no’ng libreng oras na ‘yon ay ang buhay mo, paniguradong hindi ka talaga makakaisip nang gagawin. “Bagong idea mo ba ‘yan for your novel?” tanong niya kaya naman napatingin ako sa kanya. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot. “Why not? Ang ganda no’ng idea, I think pwede mo siyang isulat. For sure, maraming magbabasa,” dagdag niya pa. “Wala akong balak isulat ‘yon, Luna,” sagot ko na lang sa kanya at bumalik na lang ulit sa pagkain. Mukhang wala rin pala akong napala. Pero at least, nasabi ko sa kanya at nakapagbigay siya nang opinion niya. Kaya lang ay ‘yong mga sinabi niya ay halos kaparehas lang din nang ginagawa ko ngayon. “Wait, parang time loop?” Bigla tuloy akong napaisip sa sinasabi niya. “You know, may nabasa kasi ako about sa gan’yan, naalala ko alng din bigla. But I think, a unique event cannot be copied, but it can be replicated. And as a result, there is no way to create a time loop.” May mga nabasa na rin ako tungkol sa time loop. And if I’m not mistaken, time loop or temporal loop where you re-experience a period of time that is repeated, sometimes more than once, with the hope of breaking free from the cycle of repetition. And according din sa mga nabasa kong libro, causal loops are unchanging and self-originating, while time loops are constantly resetting. Like when a certain condition is met, such as a character's death or a clock reaching a certain time, then the time loop will reset. Shook! Bakit ngayon ko lang naisip ang tungkol dito. Bakit ngayon ko lang naisip na it is possible that what I’m experiencing is a time loop. Kaya naman paulit-ulit na nangyayari ang araw na ‘to at bumabalik lang ulit sa umaga kapag namatay ako. “Well, Tracy, I think I need to go first. May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin sa shop,” she said at inayos na niya ang gamit niya. Nagpaalam lang siya sa akin at umalis na rin kaagad kaya naman naiwan muli akong mag-isa rito sa unit. Ilang minuto na ang nakalipas pero nanatili pa rin ako sa pwesto ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ‘yong sinabi kanina ni Luna. Hindi ko tuloy maiwasan na pa-simpleng sabunutan ang sarili ko. Bakit nga ba hindi ko naisip kaagad ang tungkol do’n. Marami na akong nabasa na novel at napanood na movie tungkol sa time loop. At para matapos ang time loop na ‘to ay kailangan kong malaman kung paano ‘to nagsimula, kung ano ang dahilan. O kaya naman ay kailangan kong malaman kung sino ang pilit na pumapatay sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong nagkaro’n nang panibagong pag-asa na makaalis sa time loop na ‘to. Kung kanina ay makikisabay na lang ako sa kung ano man ang mangyayari, ngayon ay hindi na ako papayag. Kailangan kong makagawa nang paraan para matapos ang kalokohan na ‘to. Ngayon ay bigla akong nabuhayan nang pag-asa. Na may paraan pa pala talaga para masira ko ang time loop na ‘to, para matapos ‘to at makabalik na ako sa normal kong buhay. Mabuti na lang din pala at nabanggit ko kay Luna ang tungkol dito. Kahit na kasi abala siya sa trabaho at shop niya ay libangan niya rin ang pagbabasa nang mga novels kaya naman marami rin siyang alam at kung ano-anong idea rin ang naibabahagi niya sa akin para makagawa ako ng bagong stories. At dahil nakahanda naman na ako ay inayos ko lang ang gamit ko at lumabas na. Nang makarating ako sa parking lot ay saka ko lang napansin na nakailang missed calls na pala sa akin si Lhia. Hindi ko nasagot ang mga tawag niya dahil masyadong okupado ang isip ko. Pagpasok ko sa sasakyan ko ay muling nag-ring ang cellphone ko pero hindi ko na ‘to sinagot pa. Kaya naman mabilis na lang akogn nag-compose nang message para sa kanya. Sinabi ko lang na may emergency kaya hindi ako makakapunta. Matapos kong ma-send ang text message ay pinatay ko na ulit ang phone ko para hindi na nila ako matawagan pa. Mabuti na lang at may dala akong cap at face mask kaya naman matatakpan ko ang mukha ko. Hindi pa naman ako gano’n kasikat kaya ayos lang din naman pero kailangan ko pa rin gawin ‘to dahil sa venue nang event ko ako pupunta. May mga nakakakilala sa akin do’n kaya naman mas mabuti na maitago ko ang itsura ko para hindi nila ako makita. Do’n sa lugar na ‘yon nagsimula ang lahat kaya naman ‘yon ang una kong pupuntahan. Panigurado ako na may makukuha akong sagot sa lugar na ‘yon kaya naman kailangan kong kumilos kaagad. Nang mapatingin ako sa relo ko ay may ilang oras pa bago magsimula ang event kaya naman paniguradong sobrang abala na sila. Lalo na at hindi ako nagpaparamdam. Kailangan kong sulitin ang oras kaya naman napili kong dumaan na sa shortcut na dinaanan ko rati. Ilang minuto lang din ay nakarating kaagad ako sa venue ng event dahil naging mabilis lang din ang pagmamaneho ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD