Chapter 6

1469 Words
‘Time waits for no one.’ – Folklore “Ayan! Pwede ka nang dumilat,” she said kaya naman idinilat ko na ang mga mata ko. Pagkatapos niya kasing ayusin ang kilay ko ay nilagyan niya pa ako ng eye shadow, sabi ko nga ay kahit hindi na dahil hindi naman party ang pupuntahan ko pero mas makulit siya sa akin kaya naman napilit niya ako. Hindi naman sobrang kapal no’ng makeup na nilagay niya dahil light lang. Sabi niya kasi ay mas bagay sa akin na light lang ang makeup kaya pumayag na ako. Siya naman kasi ang mas may alam sa ganitong bagay kaya hindi ko na siya pinakialaman pa. “Ang ganda mo talaga, Tracy,” sabi niya pa habang inaayos ang buhok ko. Bago kasi niya tapusin ang makeup ko ay inayusan niya rin ang buhok ko, simple lang naman ang ginawa niya dahil pagkatapos i-blower ay plinantsa niya kaya naman straight na straight ang mahaba kong buhok. “Mas maganda ka pa rin,” sagot ko sa kanya at inayos na ang gamit ko. Pagkatapos naming mag-asaran ay mabilis din naming inayos ang mga gamit dahil anong oras na rin, though hindi pa naman ako super late dahil mamayang hapon pa ang event. At dahil always traffic namin ay bumaba na kaagad kami dahil aabutin pa ako ng ilang oras sa byahe. “Bye, Tracy! Kailangan ko na munang bumalik sa shop so I’ll drop by to your event later,” paalam niya kaya naman tumango ako sa kanya. Nang makasakay siya sa kanyang sasakyan ay agad din siyang nagmaneho papalayo kaya naman sumakay na rin ako. At gaya nga ng inaasahan ay inabot pa ako ng mahigit isang oras sa byahe dahil sa heavy traffic. Hindi ko rin kasi maiwasan na pagmasdan ang mga nadadaanan ko para ba tignan kung nakita ko ito sa panaginip ko pero mukhang hindi naman. Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag dahil hindi naman lahat ng nangyari sa panaginip ko ay nasunod, pero akala ko lang pala. Dahil pagkarating ko sa venue ay kaagad na bumati sa akin ang ilan sa mga production team na kakilala ko. “Good morning,” bati ko naman pabalik dahil ayokong isipin nila na ang bastos ko. Natigilan naman ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ng isa sa mga production team member kaya naman muli akong napatingin sa pwesto nila. At do’n ko nakita ang kararting lang na si Ian, isa sa mga empleyado ni Luna, na may dala-dalang kape at tinapay. Base sa pagkakatanda ko ay hindi ako napagdala ng coffee and bread kaya naman nagtataka akogn lumapit kay Ian para tanungin kung sino ang nagpa-order nitong mga pagkain. Ngunit abala rin siya sa pagbitbit kaya naman hindi ko siya nalapitan kaagad. Naagaw naman ang pansin ko ng bigla akong tawagin ni Kuya Benjo kaya agad akong humarap sa kanya at nakita ko naman na papalapit siya sa pwesto ko. “Tracy, kailangan ko pa lang ilipat ng paradahan ang sasakyan mo dahil darating ‘yong mga libro mo. Mahihirapan pa kasing iakyat ang mga libro kapag sa dulo pa sila pumarada,” he said. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan dahil sa sinabi niya. Kahit na nag-aalinlangan ay inabot ko pa rin sa kanya ang susi. “Kuya Benjo, sa bungad mo na lang iparada para madali kong mahanap mamaya,” pahabol na bilin ko pa sa kanya. Sumaludo pa siya bago tuluyang umalis dahil dumating na rin ang sinasabi niya na truck na naghatid ng mga libro ko. Kaya naman kahit ayaw kong ipalipat ang sasakyan ko ay wala na aong nagawa dahil baka ma-apektuhan ang trabaho nila dahil sa kanya. “Ma’am Tracy, mauna na ako,” paalam niya kaya naman tumango ako sa kanya. Nang maalala ko naman sa kanya ang itatanong ko ay hindi ko na nasabi pa dahil nakaalis na rin siya kaagad. Kaunti lang din kasi ang empleyado ni Luna kaya naman mukhang nagmamadali siya pabalik. “Tracy, pasabi sa kaibigan mo salamat sa pa-meryenda,” narinig kong sabi ng isa sa mga staff kaya naman ngumiti na lang ako sa kanila. Saka naman ako naka-receive ng text message mula kay Luna. Tinatanong kung dumating na raw ba ‘yong pagkain. Treat niya raw ‘yon dahil special day ko ngayon, pahabol niya pa sa text. Nag-pasalamat na lang ako sa kanya at ibinalik ko na sa bag ang cellphone ko. Hindi ito ‘yong mismong nangyari sa panaginip ko pero halos kaparehong-kapareho. Mula sa pagtawag ni Lhia, pagpunta sa unit ni Luna, at itong pagdala ng pagkain. Sana lang ay iba na ‘yong sa mamaya para naman hindi ako kabahan ng ganito. “Thank you, Tracy, ang sarap ng tinapay na tinda ng kaibigan mo,” narinig kong sabi ni Kuya Benjo. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. “Kuya Benjo, saan pala nakaparada ‘yong kotse?” tanong ko sa kanya ng makakuha ako ng pagkakataon. Agad naman niyang itinuro ‘yong bungad kaya naman nakita ko kaagad ‘yong sasakyan ko. “Ayan lang sa bungad. Para hindi ka na mahirapan hanapin mamaya,” he said kaya naman tumango ako. Bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob ay nakasalubong ko na si Andrei. Pinapatawag na kasi ako ni Lhia dahil maya-maya ay magsisimula na rin ang event kaya naman sumunod na ako sa kanya papasok. Nang makapasok sa loob ay nasilayan ko pa ang iilang readers na nakapila sa baba. Nang maihatid naman ako sa waiting room ni Andrei ay nagpasalamat lang ako sa kanya at umalis na rin siya kaagad dahil may gagawin pa raw siya. Pagpasok ko naman sa loob ay nagulat ako dahil ‘yong pwesto at ginagawa ngayon ni Lhia ay kaparehong-kapareho do’n sa nakita ko. Abala siya sa pagbabasa ng manuscript at may tambak din ng folder sa gilid niya na mukhang kailangan niyang pirmahan for approval. “Nand’yan ka na pala, upo ka muna,” she said ng mapansin niya ako. Saglit lang din naman siyang tumingin sa akin at muling bumalik ang atensyon niya sa hawak niya. “Sorry for this, dinala ko pa ang trabaho ko. May mga bagong writer kasi na nagpasa ng manuscript and I need to evaluate each one of them,” she said. ‘Yon din ang sinabi niya sa akin! Pero ang kaibahan lang ay hindi ako nagtanong sa kanya dahil kaagad na niyang sinabi ang ginagawa niya. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako na iba ang nangyayari o hindi dahil halos magka-parehas lang din naman. “Halos magkasunod lang din pala tayo. Kararating ko lang din kasi,” dagdag niya pa kaya naman tuluyan na akong nagulat. “Hey, are you okay?” tanong niya pa ng mapansin ang ekspresyon ko. Tumango na lang ako sa kanya kahit na para bang hindi ayos ang pakiramdam ko. ‘Yong kabang nararamdaman ko tuloy ngayon ay hindi para sa event kung hindi para sa buhay ko. Parang pakiramdam ko tuloy ay ayaw ko nang matapos pa ang event. “Wait, I’ll just finish this and then we will talk,” wika niya. Hindi na ako sumagot pa dahil mukhang patapos na rin naman na siya sa ginagawa niya. Imbes na excitement at kaba ang maramdaman ko para sa event ay purong kaba na lang ang nararamdaman ko dahil alam ko na ang mga susunod na mangyayari. Pakiramdam ko tuloy ay may kakaibang kakayahan ako na makita ang hinaharap. Na imposibleng mangyari dahil wala naman ako sa libro. Na ito ang reyalidad kaya naman imposible ang mga iniisip ko. Hindi ko napansin na masyado na pala akong napatulala kung hindi ko pa narinig na magsalita si Lhia. “Kinakabahan ka ba?” tanong niya kaya naman tumango na lang ako. May parte ng utak ko na parang gustong sabihin sa kanya ang nangyayari pero may parte naman na huwag dahil paniguraadong hindi niya ako paniniwalaan. Kahit sino naman sigurong tao ay hindi maniniwala kapag sinabi ko na nakita ko ang hinaharap. “Ano ka ba, normal lang ‘yan so you don’t have to worry. Saka pipirma at kakausapin mo lang naman ang mga readers mo if ever,” she said kaya ngumiti na lang ako. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang kaba. Ang kailangan ko na lang gawin talaga ay paghanda ang mangyayari mamaya na sana ay hindi matuloy. Natigil din kami sa pag-uusap ng biglang may kumatok kaya naman naghanda na kaagad kami. ‘Tracy, kalimutan mo muna kong ano man ‘yang iniisip mo. Importante ang araw na ‘to kaya naman don’t make mistakes,’ sermon ko sa sarili ko at ilang beses pa akong huminga ng malalim. Hindi na rin ako nagtagal pa sa loob at kaagad ng lumabas ng waiting room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD