‘Punctuality is the thief of time.’ – Oscar Wilde (The Picture of Dorian Gray)
At dahil may stock naman ng pagkain ay nagsimula na muna akong maghanda ng kakainin ko para ngayong gabi. Puro noodles at de lata lang ang nandito pero ayos na rin kaysa wala akong makain. Wala namang laman ang ref dahil nga wala rin namang tumatao rito.
Nang maihanda ang mga kailangan ko ay nagsimula na rin akong magluto. Gumawa na lang ako ng omelet, mabuti na lang at may itlog saka corned beef. May bigas din naman kaya naman nakapagsaing na rin ako. Habang nagluluto ay naisipan ko na buksan ‘yong TV para naman hindi masyadong tahimik.
Parang nabibingi kasi ako sa sobrang katahimikan. Pagbukas ko ng TV ay balita kaagad ang bumungad sa akin, mukhang may bagyo pa ata. Nakakapagtaka lang dahil no’ng nakaraang dalawang araw naman ay hindi umulan. Ngayon lang talaga.
Matapos kong pakinggan ang balita tungkol sa bagyo ay bumalik na rin muna ako sa pagluluto pero naririnig ko naman hanggang dito sa kusina kaya naman ayos lang. Nang matapos akong magluto ay dumiretso na ako sa sala at naghanap ng pwedeng panoorin.
Kahit ngayong araw lang ay i-enjoy ko muna ang oras. Nang makahanap ng pwedeng panoorin ay nagsimula na rin akong kumain. Parang nakahinga naman tuloy ako ng maluwag dahil alam kong wala nang iba pang makakahanap sa akin sa ngayon.
Masyadong malayo ang lugar ko ngayon kaya naman confident ako na hindi ako mapupuntahan ng kung sino man ‘yong walang hiya na gustong pumatay sa akin. Pero nanatili pa rin akong alerto lalo na at mag-isa lang naman ako ngayon.
Kaya naman matapos kong kumain ay sinigurado ko muna na nakasara at naka-lock ng maayos ang mga pinto pati na rin ang bintana. Napansin ko naman na unti-unti na ring lumalakas ang ulan. Mukhang malakas pa ang epekto no’ng ulan dito sa Bicol, sana lang talaga ay hindi ako bahain ngayong gabi.
Kahit na naka-jacket na ako ay ramdam ko pa rin ang lamig kaya naman pinatay ko na lang ang electric fan para na rin tipid sa kuryente at saka ako bumalik sa panonood. Nang ma-bored na ako sa pinapanood ko ay naghanap ulit ako ng pwede bang panoorin.
Natigilan naman ako ng biglang mapunta sa balita ang channel. Nang ililipat ko na sana ito ay bigla akong natigilan ng may makita akong pamilyar na mukha.
“Ngayon-ngayon lang, isang lalaki, natagpuang patay sa may airport sa may Bicol. Ayon sa mga nakasaksi ay dali-dali raw itong sumugod sa airport na mukhang may hinahanap hanggang sa matagpuan na lamang itong walang buhay sa gilid ng kalsada,” narinig kong sabi ng reporter.
Hindi ko naman maiwasan na biglang kilabutan at kabahan hindi dahil hindi ako sanay makarinig ng ganyang balita kung hindi dahil ‘yong larawan ng lalaking namatay ay pamilyar sa akin. Siya ‘yong lalaki na nakita ko sa may gas station at ‘yong lalaking nakasabay ko sa may stopover.
Alam kong wala itong kinalaman sa akin pero hindi ko maiwasang kabahan dahil sa nakita ko. Parang kanina lang ay nakita at nakasabay ko pa siyang kumain pero ngayon ay wala na siya. Hindi mo talaga masasabi kung kailan ka pwedeng mamatay.
Isa pa ay ang bata niya pa pala. Halos magka-edad lang kami, he is also between 26 years old. Sayang lang at maaga siyang nawala.
“Ini-imbestigahan na ngayon ng mga kapulisan ang nangyari. At kung may nakakakilala man sa pamilya ng biktima ay maaari po tayong makipagtulungan sa mga pulis,” dagdag pa nito at muling nag-flash sa screen ang pangalan at edad niya.
So he’s name is Andrew Roxas, at tama nga ako na halos ka-edad ko lang siya cause he’s 27 years old. Maya-maya lang din ay nawala na ang larawan niya sa screen at ibang balita na ang inuulat ng reporter. It’s so unfortunate to die early.
Kasi kapag maaga kang namatay ay hindi mo na magagawa pa ‘yong mga bagay na gusto mong gawin. Hindi mo na matitikman ‘yong mga pagkain na gusto mong kainin. Hindi mo na mapupuntahan pa ‘yong mga lugar na lagi mong gustong puntahan. Hindi mo na magagawa pa ‘yong mga bagay na nakakapag-pasaya sa’yo.
Nakakapanghinayang lang kasi hindi man natin gusto ay nasasayang na natin ‘yong bawat araw na lumipas kaya naman ang nangyayari ay inuuna nating gawin ‘yong mga bagay na wala naman talagang ambag sa buhay natin.
Dahil dito, hindi na rin natin napagtutuunan ng pansin ‘yong mga taong laging nand’yan para sa akin dahil masyado nating na-take for granted ang buhay. Kaya nga pagkatapos ng araw na ‘to ay dadalaw kaagad ako kila mama at ipapasyal ko sila sa mga lugar na matagal na nilang sinasabi sa akin.
Na-realize ko na matagal na pala talaga nila akong niyayaya na lumabas pero lagi akong tumatanggi sa kanila, kung hindi dahil sa tinatamad ako ay nagsusulat ako, o kaya naman ay kung ano-ano pang dahilan na hindi nauubos.
Na ang dami ko palang oras at panahon na nasayang dahil lagi lang akong nakakulong sa apartment ko. Na ang dami kong pagkakataon para makasama ang pamilya ko pero ako ‘tong pilit na lumalayo at umiiwas sa kanila.
Ibinaling ko na lang sa iba ang atensyon ko dahil kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Alam ko naman na makikita ko pa sila bukas kaya bakit pa ba ako nagda-drama rito. Isa pa ay kailangan ko na lang palipasin ang gabing ‘to at pagkatapos no’n ay paniguradong magiging ayos na ulit ang lahat.
At dahil no to bad vibes na ulit ako ay itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa panonood. May nahanap naman ako na magandang palabas kaya naman nalibang din ako sa panonood.
Bukod kasi sa romance ay nahiligan ko na rin manood ng mga action-thriller na palabas, dahil na rin siguro nagsusulat ako kaya naman kailangan ko ng mas malawak na idea para sa mga bagong story na isusulat ko. Kaya naman kapag nakakapanood ako ng mga murder drama ay nakakakuha akong ideya kung paano papatay ng character.
Minsan nga ay hindi ko maiwasang matuwa kapag nababasa ko ang comments ng mga readers ko dahil minsan ay nagre-reklamo sila kapag pinatay ko ‘yong isang character. Do’n ko rin na-realize na masyado silang nag-invest ng emotion do’n sa character na ‘yon kaya naman masakit sa kanila ang nangyari.
Kaya talaga ako natutuwa na magbasa ng gano’n ay dahil ibig sabihin ay okay ‘yong character na naisulat ko, na nagawa ko, dahil nagawa niyang pumasok sa puso ng mga readers ko kaya naman naa-attach sila sa isang character.
At dahil natapos na rin ang pinapanood ko ay pinatay ko na ang TV at saglit na hinugasan ang mga pinagkainan ko. Pagkatapos kasi nito ay aakyat na rin ako para matulog. Pero bago ‘yon ay kailangan ko rin munang tignan kung ano nang nangyari ro’n sa event.
Naka-charge rin kasi muna ang cellphone ko dahil sa paulit-ulit nila na pagtawag at pag-text. I-inform ko lang din naman sandali sila Hazel na ligtas at ayos naman ako para hindi na sila masyadong mag-alala pa. Minsan kasi ay kung umakto ang dalawang ‘yon ay parang si mama.
Matapos kong maghugas ay pinatay ko na ang ilaw sa sala at umakyat na sa kwarto ko. Mukhang hindi muna ako maga-aircon ngayong araw dahil masyadong malamig. Hanggang ngayon kasi ay umuulan pa rin. Hindi naman gano’n kalakas pero ‘yong hangin ay masyadong malakas ang bawat hampas.
Parang nakakatakot tuloy lumabas ngayon. Mas natatakot kasi ako kapag mas malakas ang hangin kaysa sa ulan. Pakiramdam ko ay any moment ay pwede akong liparin. Ang payat ko pa naman kung ikukumpara sa height ko.
Pagkaakyat ko ay pinatay ko na rin ang ilaw sa kwarto ko at masyado palang madilim kaya naman binuksan ko na lang ang lamp shade sa side table at saka ako dumiretso sa kama. Nang tignan ko ang cellphone ko ay fully charged naman na ‘to kaya kaagad kong binuksan.
Kagaya kanina ay sobrang daming missed calls at text pero mas kaunti na ngayon kumpara sa kaninang umaga. Una kong binasa ‘yong mga messages na galing kina Luna. May gc din kasi kaming tatlo kaya naman tadtad ‘yon ng messages na puro mention sa akin.
May ilang notifications din ako na nadadaanan ng tingin ko na galing sa mga readers ko, pero hindi ko muna binasa ‘yon. Nakita ko naman ang message ni Lhia na nagalit nga ang management at gusto raw nila akong makausap sa lalong madaling panahon.
Hindi na muna ako nag-reply dahil hindi pa ulit ako handang humarap sa kanila. At dahil mukhang napansin nila Luna na online ako ay nakatanggap kaagad ako ng video call mula sa kanila.
Nang sagutin ko naman ‘to ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nila. Hindi naman nila ako masyadong makita dahil madilim at lamp shade lang ‘yong nakabukas na ilaw.