Chapter 14

1471 Words
‘Time is free, but it’s priceless. You can’t own it, but you can use it. You can’t keep it, but you can spend it. Once you’ve lost it you can never get it back.’ – Harvey Mackay Nang sagutin ko ang tawag ay agad na bumungad sa ang nag-aalalang mukha nina Hazel at Luna. Hindi naman ako makapagsalita kaagad dahil tinadtad na nila ako ng tanong na hindi ko magawang makasingit sa kanilang dalawa. Hindi ko tuloy alam kung sino ang pakikinggan ko sa kanilang dalawa dahil parehas na nangingibabaw ang mga boses nila. Nang mukhang matapos sila sa pagsasalita ay saka lang ako nakasingit. “Tapos na kayong magsalita?” sarkastikong tanong ko sa kanila at parehas naman silang hindi na nagsalita kaya nagsimula na ako. “Sorry kung hindi ako nakapagsabi kaagad dahil biglaan lang din naman ‘tong pag-alis ko. I need to leave to save my life,” napabuntong hininga na lang ulit ako at napantingin sa kanila. At gano’n na lang ang pagka-dismaya ko ng makitang nagla-lag sila sa phone ko. Mahinang napasabunot tuloy ako sa buhok ko dahil sa nakita. Wala kasing wifi rito dahil bihira lang magkaro’n ng tao kaya naman data lang ang gamit ko. Okay pa naman ang signal kaya lang ay bumabagal talaga ang connection kaya siguro nagla-lag sila sa akin. Ilang segundo lang din ay naging maayos na ang connection kaya naman gumagalaw na rin sila sa screen ko. “Anong sinabi mo? Choppy ka, Tracy, hidni namin masyadong naintindihan dahil paputol-putol,” rinig kong reklamo ni Hazel. “Well, anyway, kaya kami napatawag para itanong kung k-kasama mo n-na ba… s-si… ang sabi niya kasi ay pupuntahan ka… n-niya… kaya naman s-sinabi namin kung saan… ka ngayon,” paputol-putol na sabi naman ni Luna. Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa sinabi niya. Siguro ay gano’n din ako sa kanila kanina. Hindi ko tulyo maintindihan kung ano ba ang sinasabi niya. Napansin ko rin na unti-unti nang humihina ang signal kaya siguro paputol-putol na rin sila sa akin. “Luna? Hazel?” tawag ko sa kanila, hindi ko tuloy alam kung naririnig ba nila ako dahil hindi naman sila sumasagot. “Luna, anong sinabi mo, pakiulit naman.” “T-tracy? Nawawala k-ka n-na… anyway, b-baka n-nand’yan na r-rin… d-dahil nag-domestic f-flight s-siya…” rinig kong sabi ni Hazel pero hindi ko na talaga makuha pa ang mga sinasabi niya dahil sobrang paputol-putol na ang audio. Kaya naman agad akong nag-message sa group chat namin para sabihin na hindi ko sila maintindihan, kaya lang ay ang bagal din mag-send ng message ko. Nasa 3 bar na lang din pati ang signal ko ngayon kaya naman sobrang bagal na. Isa rin talaga ‘to sa dahilan kung bakit ayaw kong sumama kila mama kapag pumupunta sila rito mag-bakasyon dahil may oras na sobrang bumabagal ang connection. Sinabi ko na nga sa kanya na magpakabit na kami ng wifi rito para hindi kami nahihirapan pero ayaw niya. Ang dahilan niya kasi ay nandito kami para mag-enjoy hindi para mag-cellphone buong araw. Nakukuha ko naman ang punto niya kaya lang ay may oras kasi na may meeting ako o hindi naman ay kailangang tapusin. Kaya in the end, hindi na talaga ako sumasama sa kanila. Matapos pa ang ilang minuto ay na-send din ang message ko. Kung alam ko lang na sobrang bagal pala ng internet connection ngayon ay sinabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin sa kanila. Ilang minuto pa ay naka-receive naman ako ng chat kay Luna na sinasabing ‘wag ko raw ibaba ang tawag kaya naman hinayaan ko lang din na naka-bukas ang call. Hindi rin naman nila ako nakikita dahil madilim. Naisipan ko pa nga buksan ang ilaw para makita nila ako kaya lang ay naalala ko na mabagal nga pala ang connection ko ngayon kaya baka blurred din ang mukha ko sa kanila. Mukha naman nag-uusap silang dalawa dahil may naririnig akong paputol-putol na boses. Kaya imbes na magsalita ay nag-message na lang ako sa kanila para sabihin kung bakit ako umalis. Alam kong nasabi ko na ang dahilan kay Luna at alam kong hindi rin naman agad maniniwala si Hazel pero mas mabuti na rin na alam nila. Saka na lang talaga ako magpapaliwanag sa kanila kapag naayos ko na ang lahat. Matapos kong i-type ang message ko ay ni-send ko na ‘yon sa kanila kaya lang ay sobrang bagal na naman kaya ilang minuto pa akong naghintay. Bukod sa nasa 3 bar na lang ang signal ay nagle-letter H na ang connection ko o hindi naman ay 3G. Hindi ko tuloy maiwasang ma-stress dahil sa connection. Mabagal na ng anag internet connection sa bahay ay mas mabagal pa rito. Kapag normal na araw naman ay hindi naman gano’n kabagal talaga, kaya lang sobrang bagal ngayon ay dahil maulan din talaga at may bagyo pa. Bigla naman akong natigilan ng makarinig ako ng mahinang putok sa baba. Napabangon tuloy ako kaagad dahil sa ingay. Hindi ‘yon gano’n kalakas pero dahil tahimik ngayon ay rinig na rinig ko ang pagputok. Kaagad ko namang hinanap ang tsinelas ko at lumabas ng kwarto. Dinala ko na rin ang cellphone ko para mabantayan ko kung na-send na ba ang message ko. Agad naman akong nagmadali sa pagbaba dahil baka mamaya ay may kuryente nang sumabog o kung anong nangyari sa baba. Saglit naman akong napatingin sa cellphone ko at connecting pa rin, pati ang video call ay naputol na at connecting na lang din dahil sa sobrang bagal ng internet connection. Nang tuluyan akong makababa ay nagtungo kaagad ako sa switch ng ilaw pero ayaw bumukas. Ilang beses ko pang sinubukan pero ayaw talaga kaya naman sobrang dilim ng paligid. Sinubukan ko pang buksan ‘yong ibang switch pero ayaw talagang bumukas. Mukhang brownout pa ngayon dahil sa malakas na ulan. Mabuti na lang at na-full charged ko ang cellphone ko kaya naman may magagamit akong ilaw. Naghanap muna ako ng kandila sa mga drawer pero wala akong makita kaya naman mukhang aasa na lang muna ako sa ilaw na nanggagaling sa flashlight ng phone ko. Nang matapat ko ang ilaw sa may bandang banyo ay parang may napansin ako na anino pero nang tignan ko ‘tong mabuti ay wala namang tao. Mukhang namamalikmata lang ako. Matapos ‘yon ay kaagad ko naman tinignan ang mga switch at saksakan para i-check kung ano ‘yong narinig kong mahinang putok. Na-double check ko na ang lahat ng saksakan ng kuryente at switch pero wala naman akong nakita na palatandaan na may pumutok mula rito. Kung gano’n ay mukhang hindi galing sa kuryente ang narinig ko, mabuti naman kung gano’n. Mahirap na kung biglang magkaro’n ng sunog dito. Dis oras na rin naman na kasi ng gabi kaya naman sobrang dilim na rin. May liwanag na nanggagaling sa buwan pero hindi rin ‘yon sapat para makita ang daanan. Nag i-check ko naman ang cellphone ko ay tuluyan nang naputol ang tawag. Mabuti na lang at na-send ang message ko sa kanila, kailangan ko na lang hintayin ‘yong reply nila kaso mukhang matatagalan pa bago ko ma-receive ‘yon dahil tuluyan nang nag-E ang connection ko. Isang bar na lang din ang natitira sa signal kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Mukhang ang malas ko pa ngayong araw dahil bukod sa brownout ay wala pang connection. Bakit ba naman kasi bigla pang nagka-bagyo, samantalang kahapon naman ay wala. Paakyat na sana ako para bumalik sa kwarto nang bigla akong makarinig ng pagkalampag sa kusina. Agad ko namang itinapat ang ilaw do’n pero wala akong ibang nakita. At nang alisin ko ang ilaw ay may naaninag ulit akong anino kaya naman tinapat ko ang ilaw sa lugar na ‘yon. Mukhang may akyat-bahay pa na nakapasok dito. Kahit na natatakot ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksyon na ‘yon pero bago ako tuluyang lumapit ay kumuha muna ako ng kahit anong bagay na pwede kong magamit. At sa dami ng pwedeng makuha ay payong pa ang nadampot ko, pero pwede na rin ‘to basta may magamit lang for self-defense. Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit do’n at tanging kulog na may kasamang kidlat lang ang maririnig. Sinubukan ko naman na bahagyang takpan ang ilaw para sakaling kung may tao man ay hindi niya matukoy na papalapit ako. Medyo nasasanay na rin sa dilim ang mata ko kaya naman nakakalakad na ako ng diretso. Tuluyan ko naman nang pinatay ang ilaw kaya naman binalot na ang buong sala ng kadiliman. Mas hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa payong na nakuha ko at buong tapang na nagtungo sa may kusina. Only to find out na wala naman palang tao. Pinakaba ko lang pala ang sarili ko, pero mabuti na lang din at mali ang hinala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD