Chapter 12

1342 Words
‘It is the time you have wasted for your rose that makes your rose so important.’ – Antoine de Saint-Exupéry (Little Prince) “Thank you,” mahinang wika ko sa kanya at nagpatuloy na ulit sa pagkain. Hindi naman na siya nagsalita pa kaya naman hindi ko na rin siya inabala. Nang mapatingin ako sa harapan ko ay hindi ko maiwasan na pagmasdan ang kaharap ko. Para kasing nagkita na kami kaya lang ay hindi ko maalala kung saan. Napabalikwas naman ako ng bigla siyang mag-angat ng tingin kaya naman nagtama ang mga mata namin. At do’n ko lang naalala na siya ‘yong lalaki kanina sa gas station. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ‘yong lalaki na nakabangga ko papalabas do’n sa may banyo. Tumikhim naman siya kaya agad akong napaiwas ng tingin, hindi ko napansin na ang tagal ko na palang nakatingin sa kanya. Wala naman siyang sinabi kaya naman bumalik na lang ako sa pagkain. Napansin ko naman na agad niyang tinapos ang pagkain niya at umalis na rin kaagad. Mukhang aalis na ‘yong bus na sinakyan nila kaya naman ng makatayo siya ay sinundan ko pa siya ng tingin. Habang nakatingin sa kanya kanina ay napaisip ako na baka siya ‘yong gustong pumatay sa akin pero mukhang mali ako. Kung tama ang pagkakatanda ko ay mas matangkad siya sa akin at malaki rin ang kamay niya kumpara ro’n sa pumatay sa akin na mas matangkad lang ng kaunti sa akin. Mukhang hindi naman siya ‘yon dahil tingin ko ay nasa six feet siya habang ‘yong killer ko ay paniguradong nasa 5’6 or 5’7 lang dahil 5’5 ako. Nang makaalis ang bus ay naiwan na naman akong mag-isa kaya naman mabilis ko ring tinapos ang pagkain ko at dumiretso na rin sa kotse. Umalis na rin ako kaagad dahil nagsisimula na ring dumilim ang paligid. Anong oras na rin kasi kaya naman binilisan ko na rin ang pagmamaneho para hindi ako abutin ng sobrang gabi sa daan. Ilang oras na lang din naman na ay paniguradong makakarating na ako sa rest house namin. Habang nasa byahe ay bigla namang bumuhos ang ulan kaya naman medyo binagalan ko ang pagmamaneho. Nakakainis, kung kailan malapit na ako ay saka pa umulan. Ang hassle pa naman magmaneho kapag maulan dahil hindi ko pwedeng basta-basta bilisan dahil baka ma-aksidente pa ako. Binagalan ko na lang ang pagmamaneho para lang makasigurado. Mabuti na lang at wala masyadong sasakyan na dumadaan dito sa kalye na nadaanan ko dahil naghanap ako ng ibang way para hindi makasabay sa mga buma-byaheng bus. May mangilan-ngilan akong nakakasalubong na sasakyan kaya naman mas binabagalan ko ang pagmamaneho kapag gano’n. Masyado kasing makitid ang daan dito at paliko-liko pa kaya naman mas kailangang mag-doble ingat. Ilang kilometro na lang din naman na ang layo ko kaya naman tingin ko ay mahigit isnag oras lang ay baka nando’n na ako. Ngayon tuloy na naalala ko ay ang tagal ko na rin palang hindi nakakauwi ng probinsya. Parehas kasi na taga-Bicol ang parents ko kaya naman ito ang hometown talaga namin. Tuwing bakasyon lang din naman sila nakakapunta rito dahil may pasok ang mga kapatid ko. Ako kasi ay hindi nakakasama sa kanila dahil laging may kailangan akong tapusin. Isa pa ay mabilis akong ma-bored kaya naman minsan ay sinasadya ko na hindi sumama sa kanila. No’ng una ay nagre-reklamo pa nga si mama dahil lagi akong hindi sumasama sa bakasyon pero may oras daw ako para gumala. Pero ayon, nasanay na rin naman na siya kaya hinahayaan na niya ako. Kaya nga ngayon na lang ulit ako makakapunta rito. Mabuti na lang talaga at may google map at waze kaya naman hindi agad-agad ako maliligaw. Ngayong naalala ko, napaisip tuloy ako kung kailan ba ako huling nakatawag sa bahay. Kung kailan ko huling nakausap si mama at papa. Pagkarating ko sa rest hour ay tatawag kaagad ako sa kanila. At imbes na mag-drama pa ay tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagmamaneho. Habang nasa byahe ay hindi ko tuloy maiwasan na isipin ang mga bagay-bagay. Ngayon kasi na na-realize ko ay masyadong maikli ang buhay ng tao. Pero hindi natin ‘yon alam dahil hindi naman natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ‘to. Maski ako ay hindi ko in-expect na mamamatay ako ng maaga. Pakiramdam ko tuloy ay masyado kong ni-take for granted ‘yong mga bagay na madali kong nakukuha pati na rin ‘yong mga tao na laging nand’yan para sa akin. At na-realize ko rin na ang dami ko pa palang hindi nagagawa. Kasi bukod sa pagsusulat ay lagi lang naman talaga akong nasa apartment. Kaya naman hindi ko nagagawa ‘yong mga bagay na hindi ko nagagawa dati. Kaya naman tapos lang ang araw na ‘to ay sisiguraduhin ko na susulitin ko ang bawat araw na lumipas. Na hindi ko papalampasin na lumipas ang isang araw na hindi ko nagagawa ang bagay na matagal ko na dapat ginawa. ----- Ilang oras pa ang lumipas at malapit-lapit na rin ako sa rest house namin, mabuti na lang talaga at hindi ako naligaw. Pamilyar na rin naman na kasi sa akin ang daan. Huminto na rin sa pagbuhos ang ulan pero sakto pa rin ang takbo ko dahil madulas ang kalsada dahil basa. Nang matanaw ang ilang nagtataasang bahay ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil finally ay nakarating din ako kaagad. ‘Yong rest house kasi namin ay may ilang kalapit din na bahay kaya naman mukhang subdivision ang buong lugar, ‘yon nga lang ay walang guard na nagbabantay dito. Nang makarating sa rest house namin ay kaagad kong pinarada ang sasakyan ko. Nang tignan ko ang ilang kalapit na bahay ay saka ko lang napansin na walang tao. Mostly ay rest house rin kasi ang mga ‘to kaya naman tuwing bakasyon lang talaga maraming tao rito. Habang nasa daan kasi ay napansin ko na kakaunti lang ang bahay na may nakabukas na ilaw at sa bandang bungad pa ‘yon habang ang rest house namin ay nasa bandang dulo. Pagdating kasi rito sa dulo ay mas magkakalayo na ang mga bahay. Nang makababa ay kinuha ko lang din ang gamit ko at dumiretso na kaagad sa loob. May mga damit din naman ako rito kaya naman hindi na problema ang damit. Pagpasok ko sa loob ay saglit ko pang pinagmasdan ang kabuuan nito. Gano’n pa rin ang ayos nito no’ng huling punta ko ilang taon na ang nakakalipas. Kahit na ilang buwan na walang pumupunta rito ay malinis pa rin ang buong bahay. Ang alam ko kasi ay kada dalawang linggo ay may pumupunta rito para maglinis kaya naman nananatiling malinis at maayos ang bahay kahit walang tao. Kaagad kong sinarado ang pinto at dumiretso sa kwarto ko. Pagkabukas ko ay naabutan ko na gano’n pa rin naman ang ayos ng mga gamit ko. Nakaayos at malinis din ang mga libro ko. Nang mahawakan ko ang mga gamit ay may kakaunting alikabok ito. Mukhang sa mga susunod na araw ay babalik na ulit dito ang naglilinis. At dahil hindi pa ako nakakaligo ngayong araw ay napagpasyahan ko na maligo na muna. Nang tignan ko ang drawer ko ay malinis at maayos din ang mga damit ko. Mukhang naalagaa talaga ang mga gamit na nandito. Pagkatapos kong kumuha ng pamalit ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Hindi na rin ako masyadong nagtagal dahil malamig ang panahon. Kaya naman matapos maglinis ng katawan ay bumaba na rin ako. Pagkababa ko sa kusina ay kaagad kong tinignan ang mga drawer kung may pagkain ba. Nakabili ako kanina ng pagkain pero kakaunti lang din ‘yon at puro biscuit pa. Hindi naman sapat sa akin ang mga ‘yon dahil malakas din akong kumain. Gano’n na lang ang saya ko ng makita ko na may mga naka-stock na pagkain. Tinignan ko naman muna ang expiration date at hindi pa naman sila expired kaya naman makaka-survive ako sa ilang araw na pag-stay ko rito dahil may pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD