Chapter 11

1394 Words
‘The key is in not spending time, but in investing it.’ – Stephen Covey Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon pero ang gusto ko lang ay maalis at makalayo sa lugar na ‘to. Patuloy lang ako sa pagma-maneho hanggang sa maisipan ko na pumunta sa probinsya. Pupunta akong Bicol ngayon, sigurado ako na hindi na niya ako masusundan do’n. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisipan pumunta sa Bicol pero may rest house kami ro’n kaya naman pwede akong mag-stay do’n, kapag nakalayo ako, sigurado ako na hindi na ako susundin nang kung sino man ang gustong pumatay sa akin. Bago tuluyang umalis ay dumaan muna ako sa pinakamalapit na gas station. At dahil aabutin pa ng ilang minuto bago ma-full tank ang sasakyan ko ay bumaba muna ako para makapag-hilamos at magpalit ng damit. Mabuti na lang din at maayos at saka malinis ‘yong banyo rito hindi katulad sa ibang gas station. Nang marinig ko na may kumatok ay binilisan ko na ang pag-aayos at lumabas na rin kaagad. Nakabangga ko pa ‘yong lalaki sa pinto kaya naman nalaglag ang pouch na dala ko. Mabuti na lang pala at naka-pouch sila dahil kung hindi ay baka nagkalat na ang mga gamit ko sa sahig. Kaagad naman na dinampot no’ng lalaki ‘yong pouch at ibinigay din sa akin kaya naman nagpa-salamat ako sa kanya. Hindi naman sinasadya na magkatinginan kami kaya naman ilang segundo rin ata akong napatingin sa mata niya, natauhan lang ako ng iwagaygay niya ang kamay niya sa harapan ko. Napaayos tuloy ako ng pagkakatayo dahil nakakahiya. “Ah, thank you ulit,” wika ko at umalis na kaagad. Napansin ko pa ang pahabol na tingin niya pero hindi ko na lang binigyan atensyon. Pasalamat siya at cute siya. Pagkalabas ko ay nagsasalin pa rin ng gas ‘yong lalaki kaya naman saglit pa akong naghintay. Pagkatapos din no’n ay nagbayad na ako at muling bumalik sa pagba-byahe. I didn’t expect na aabot ako sa ganitong punto para lang makalayo sa killer ko. Alam ko na madi-disappoint si Lhia dahil sa ginawa kong pag-ditch sa event pero hindi ko pwedeng isugal ang buhay ko para lang matuloy ‘yon. Hindi ko rin alam kung paanong mage-explain sa kanila. Kung paano ko sasabihin na dalawang beses nang nangyari ang araw na ‘to at dalawang beses na akong pinatay. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na nasa ganitong sitwasyon ako dahil alam ko naman na hindi sila kaagad maniniwala. Kagaya na lang ng reaksyon ni Luna kanina. Nang sabihin ko sa kanya ang nangyari, she treated me like a crazy woman. Akala niya ay stress lang ako at kulang sa tulog. Ilang beses ko pang sinabi sa kanya pero hindi siya naniwala. Napatingin tuloy ako sa backseat at natanaw ko ‘yong cake na dala-dala niya kanina. Bago kasi siya bumaba ng sasakyan ko kanina ay iniwan niya ‘yong cake dahil hinanda niya raw ‘yon para sa akin. Parang bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt dahil sa ginawa ko kanina. Hindi ko intensyon na iwan na lang siya basta-basta at mapagtaasan ng boses. Kaya lang ay hindi ko na na-kontrol ang emosyon ko that time kaya naman nagawa ko ang mga bagay na ‘yon. Ang gusto ko lang naman ay maintindihan nila ako. Ramdam ko naman na pinilit niya akong intindihin pero nahihirapan lang talaga siyang paniwalaan dahil imposibleng mangyari kaya naman naiintindihan ko rin siya. Kasi kung sa akin din sasabihin ang bagay na ‘yon ay tingin ko ay hindi rin ako maniniwala kaagad. Lumipas ang mga oras at nakalayo na rin ako, pero malayo pa ako sa Bicol. Ilang oras pa ang kailang kong i-byahe bago tuluyang makarating do’n. At dahil hapon na rin ay nakaramdam na ako ng gutom kaya naman naisipan ko na kumain muna. Kaya naman naghanap kaagad ako ng pinakamalapit na rest stop. Nang makahanap ay agad akong pumarada at lumabas para kumain. Mukhang wrong timing pa ang pagdating ko dahil saktong pagkababa ko ay siya ring paghinto ng isang bus. Nang tignan ko ang plaka ay papunta ring Bicol ang byahe nito. Mukhang nag-stopover ito para makakain ang mga pasahero. Hindi na rin naman na ako nagsayang pa ng oras at kaagad na pumasok sa loob para bumili ng pagkain. Mabuti na lang pala at may cold cash pa ako kaya naman may panggastos pa ako kung sakali. Nakapag-withdraw naman din kasi ako kanina kung sakali na kailanganin ko ng pera. Masyadong biglaan ang plano ko kaya naman hindi ko napaghandaan pero ayos lang dahil makakalayo ako sa lugar na ‘yon. Nang makabili ng noodles ay sinimulan ko na ‘tong lagyan ng mainit na tubig. Mabuti at nakapagbayad kaagad ako dahil ang bilis humaba ng pila. Nang malagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ay pumwesto muna ako sa pinakadulo upang hintayin na maluto ito. Dahil sa pagmamadali ay hindi na ako nakakain. Kahit sino naman siguro ay hindi makakakain kaagad kung buhay mo ang nakasalalay. Kaya naman habang naghihintay ay binuksan ko na muna ang cellphone ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ay sunod-sunod na nagsipasukan ang mga notifications. Una kong binuksan ang mga missed calls kaya naman bumungad sa akin ang sunod-sunod na pangalan ni Lhia. Ilang beses din pala akong tinawagan ni Luna at Hazel. Nang tignan ko naman ang text messages ay gano’n din. Tambak ito ng text messages mula sa mga kakilala ko, especially Lhia, Luna, and Hazel na may pinakamaraming texts. Nang basahin ko ang mga messages nila ay pare-parehas lang din naman sila ng sinasabi at tinatanong. Nabasa ko pa ang text ni Lhia na nagalit ang management sa ginawa kong biglaang pag-alis. At dahil labag sa contract ang ginawa ko ay inaasahan ko na kaagad na may punishment akong makukuha. At handa akong tanggapin ‘yon basta ba ay masiguro ko lang na magiging ligtas na ako. Bukod pa ro’n ay tinatanong nila kung nasaan ako kaya naman para hindi sila mag-alala ay nagsabi ako sa kanilang tatlo na pupunta muna akong Bicol at saka na lang ako magpapaliwanag sa kanila. Nang ma-send ko ang message kina Luna at Hazel ay agad din naman silang nag-reply at pinagalitan pa ako. Pero matapos ‘yon ay sinabihan din nila ako na mag-ingat kaya naman I owe them an explanation. Maayos ko lang talaga ang gulong ‘to ay ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat kahit na hindi sila kaagad maniwala. Nakatanggap naman ako ng message mula kay Lhia na tinatanong kung bakit kailangan ko pang pumunta sa Bicol pero hindi na ako nagpaliwanag. Matapos kong magsabi sa kanya na may aasikasuhin lang ako at pinatay ko na ulit ang cellphone ko bago pa maka-receive ng tawag mula sa kanila. Natigil naman ako sa ginagawa ko ng mapansin ko na may nakatayo sa harapan ko kaya naman napatingin kaagad ako sa kanya. “Can I share a table?” tanong niya kaya naman napatingin ako sa paligid at saka ko lang napansin na wala nang bakanteng mesa dahil ukupado na ang lahat. Tumango na lang ako sa kanya kaya naman umupo na kaagad siya at sinimulan nang kainin ang mga binili niya. Nagsimula na rin naman na akong kumain dahil lumambot na ang noodles kaya naman kaagad ko itong kinain. Mabuti na lang pala at ‘yong malaki ang binili ko dahil gutom na gutom na rin naman na ako. Habang kumakain ay hindi sinasadya na bigla akong masamid kaya naman agad akong napahawak sa dibdib ko para marahan itong hampasin. Shocks, nakalimutan ko palang bumili ng inumin. Tatayo pa lang sana ako ng maglagay na ng bottled water sa harapan ko ‘yong lalaki na kasalo ko sa mesa. Nang tignan ko ito ay hindi pa naman ito nabubuksan. Magsasalita pa lang sana ako para tanggihan ay nauna na siya. “That’s buy one take one,” maikling sabi niya at saka ko lang din napansin nag maliit na sticker sa gilid ng tubig. Natanaw ko rin naman kaagad ‘yong sa kanya kaya naman hindi na ako nag-inarte pa at kaagad na tinanggap ‘yong binigay niya. Kung gano’n ay kailangan ko rin palang mag-ingat sa sarili ko dahil baka aksidente kong mapatay ang sarili ko. Mabuti na lang din at nakapagbigay kaagad siya ng tubig kaya naman hindi ako nabulunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD