‘Time is a cruel thief to rob us of our former selves. We lose as much to life as we do to death.’ – Elizabeth Forsythe Hailey
Agad naman akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang ingay na nanggagaling sa gilid ko. Nang dumilat ako ay hindi na ako nabigla na nandito na naman ako sa kwarto ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil buhay pa ako o dahil mararanasan ko na naman ang mamatay ngayong araw.
Malamya akong bumangon mula sa pagkakahiga at hinintay na muling tumunog ang cellphone ko. Nang mag-ring muli ito ay hindi na ako ngasayang pa ng oras at kaagad itong sinagot.
“Finally! Akala ko ay wala ka nang balak pang sagutin ang tawag ko. Sigurado ako na kagigising mo lang, hindi ba?” walang ganang sabi ko kay Lhia at narinig ko naman ang mahinang pagsinghap niya mula sa kabilang linya.
“OMG! Paano mo nalaman ang sasabihin ko?” tanong niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay na-imagine ko naman kung ano ang reaksyon niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako.
“So, kaya ka tumawag ay para i-inform ako na hindi mo ako masasabayan papunta sa event dahil may urgent task ka na kailangang tapusin pero susunod ka rin naman kaagad,” sabi ko pa at muli ko na namang narinig ang pagsinghap niya.
“P-paano mo nalaman?” hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ko na lang ‘yong pinansin at iniba ko na lang ang usapan. Kahit sabihin ko sa kanya ay sigurado ako na hindi rin siya maniniwala.
“Do’n na lang tayo magkita,” walang ganang sagot ko sa kanya at ibinaba ko na ang tawag. Hindi ko alam kung paano ko matatakasan ang araw na ‘to pero parang nawalan na ako ng gana na tumakas pa kaya naman makikisabay na lang ako sa kung ano man ang mangyayari.
At dahil maya-maya lang din ay nandito na si Luna ay nagpasya ako na maligo na lang. At hindi nga ako nagkamali dahil matapos kong maligo ay kararating niya lang. Kaagad ko namang binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Luna.
Hindi ko naman magawang suklian ang mga ngiti niya kaya naman nag-mukhang napipilitan tuloy akong ngumiti. Tuluyan naman na siyang nakapasok kaya kaagad ko ring sinara ang pinto. Dumiretso naman ako sa mesa at naghanda na ng platito dahil alam ko na kakainin din namin ang dala niyang cake.
“Tracy, ayos ka lang ba?” nagtataka niyang tanong. Marahil ay nawi-weirduhan na siya sa kinikilos ko pero hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niya at inihandan na ang cake.
“Kainin na natin ‘to kasi ‘di ba nag-bake ka para sa akin dahil special day ko,” sabi ko pa. Kagaya ni Lhia ay mukhang nabigla rin siya sa sinabi ko. “Tapos may meeting ka mamaya at sa susunod na araw hindi ba? Tungkol do’n sa bagong bakeshop mo na nasa Laguna.”
“H-how did you know?” tanong niya pa at kaagad na naupo sa harapan ko. Saglit naman akong tumingin sa kanya para sulyapan siya at muli kong binalik ang atensyon ko sa pagkain.
“Nagkausap tayo no’ng isang araw. Kahapon kasi ay hindi mo nasabi dahil naka-tampuhan tayo,” sagot ko sa kanya pero mukhang mas lalo naman siyang naguluhan sa sinabi ko.
“What do you mean? Hindi naman tayo nagkausap no’ng nakaraang araw, even yesterday, I didn’t have a chance to talk to you because I was busy,” paliwanag naman niya pero umiling lang ako.
Kahit na sabihin ko pa kasi sa kanya ay hindi naman niya ako maiintindihan. Proven and tested ko na ‘yan, kahapon pa nga lang nangyari, kung kahapon ba matatawag ang araw na ‘yon.
“Tapos plano mon a magpadala ng coffee and pastries sa venue hindi ba? Plano niyo rin ni Hazel na pumunta sa event ko mamaya pero ayaw niyo lang sabihin kaya ang sabi niyo ay busy kayo,” I said. Seryoso naman siyang tumingin sa akin kaya naman tinignan ko siya pabalik.
“Si Hazel ba ang nagsabi sa’yo?” seryosong tanong niya pa. Akala ko pa naman ay kung anong importante ang sasabihin niya dahil ang seryoso niya masyado. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot kaya naman umayos na siya ng pagkakaupo.
“Then, how did you know that? Kami lang ang nakakaalam ng bagay na ‘yan,” sabi niya pa. Napabuntong hininga na lang tuloy ako dahil hindi ko na alam kung paano pa sasagutin ang tanong niya.
Pakiramdam ko rin ay parang tamad na tamad akong kumilos ngayon. Na parang ang lamya-lamya ko kaya naman napansin niya kaagad ‘yon.
“Hey! What happened to you? Bakit parang wala kang gana? Today is you special day kaya dapat happy ka,” she said. Hindi ko magawang maging masaya para sa araw na ‘to dahil alam ko na pagkatapos ng kasiyahan ay katapusan na rin ng buhay ko.
“Tinatamad lang ako. Anyway, pwede mo ba akong pilian ng damit?” sabi ko sa kanya kaya naman agad siyang napangiti at tumayo mula sa pagkakaupo.
“Yeah, why not. Mabuti at naisipan mo na magpatulong sa akin,” masayang wika niya at dumiretso na kaagad sa drawer ko at naghanap ng damit na isusuot ko. Mamamatay na lang din naman na ako, bakit hindi pa ako magsuot ng magandang damit.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay lumabas na siya ng kwarto ko at may dala-dalang dalawang dress, nang tignan ko naman ang mga ‘yon ay saka ko lang napansin na hindi ko pa pala nasusuot ang mga ‘yon.
“Choose one. Napansin ko na ang dami mong bagong damit pero hindi mo sinusuot, sayang naman kung naka-hang lang sa drawer mo,” sabi niya pa habang pinapakita sa akin ang mga dress. Parehas naman na maganda kaya naman hindi rin ako makapili kaagad.
“Ito na lang ang susuotin ko,” sabi ko sa kanya at kinuha ‘yong dress mula sa kanya.
‘Yong napili ko ay ‘yong off-shoulder na dress. Kung tama ang pagkakatanda ko ay regalo ‘to sa akin ni Lhia. Parang ang tagal na rin no’ng binigay niya sa akin ‘to, hindi naman kasi talaga ako palalabas kaya naman ngayon ko lang ‘to masusuot.
Binigay naman na niya sa akin ‘yong dress kaya naman nagpalit na kaagad ako ng damit. Pagkatapos ko ring magbihis ay nag-volunteer pa siya na ayusan ako kaya naman hindi na ako umangal pa at naupo na lang din kaagad.
“You know, T, dapat ay matuto ka na talagang mag-ayos. Isa ka nang public figure ngayon kaya naman for sure maraming magpapa-picture sa’yo,” sabi kio kaya naman nahinto siya sa paglalagay ng foundation sa mukha ko.
“Seriously?” gulat na sabi niya habang nakaharap sa akin. “Nakikita mo ba ‘yong future kaya alam mo na kaagad ang sasabihin ko? You’re so weird today, you know?” dagdag niya pa.
Hindi ko nakikita ang manyayari in the future pero ilang beses na rin naman nang nangyari ang araw na ‘to kaya naman halos makabisado ko ang mga sasabihin nila. Naiiba lang ang ibang scenario pero sa huli ay mamamatay pa rin naman ako.
Pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makita ang hinaharap, why not? Gusto kong malaman kung sino ang pilit na pumapatay sa akin. At gusto ko ring malaman kung bakit niya ginagawa ‘yon. Kung bakit obsess na obsess siya na patayin ako.
“Ayan, you’re done na,” wika ni Luna kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ko. Nang tignan ko ang mukha ko sa salamin ay gano’n ulit ang ayos ko, kung paano niya ako ayusan no’ng mga nakaraang araw.
“Thank you,” pasasalamat ko sa kanya at inayos na rin ang gamit ko. “Kailangan mo na umalis kasi may aasikasuhin ka pa, hindi ba? Isa pa, no need to treat the staff, ako na ang bahalang sumagot since ako naman ang may event,” sabi ko pa sa kanya.
“You’re so weird talaga, Tracy,” ulit niya pa. Hindi ko na tuloy alam kung ilang beses na ba niyang nasabi na weird ako. “But yeah, you are right, kailangan ko na rin umalis kaagad.”
“Go on, magkikita naman tayo mamaya,” pahabol ko pa kaya naman sinimangutan niya pa ako.
Matapos humalik sa pisngi ko ay tuluyan na siyang nagpaalam at umalis. Nag-stay pa naman ako ng ilang minuto bago ako bumaba. Alam ko naman na maabutan ako ng heavy traffic mamaya kaya plano ko na sa ibang kalye dumaan kaya naman ayos lang na medyo magpatagal pa ako.
Hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng mangyari ngayong araw, pero bahala na.