Chapter 23

1324 Words
‘Time is a storm in which we are all lost.’ – William Carlos Williams Ilang minuto pa kaming nagtagal sa ganitong posisyon hanggang sa si Luna na rin ang kusang humiwalay mula sa pagkakayakap. Matapos ‘yon ay napatingin naman ako kay Hazel na kanina pa rin pala nakatingin sa aming dalawa. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay kaya naman natawa na lang ako sa kanya at maya-maya lang din ay lumapit siya sa akin para yakapin ako. Isang mahigpit na yakap naman ang binigay niya sa akin at agad ko itong ginantihan ng yakap. Ilang minuto rin kaming nagtagal sa pagkakayakap at saka kami naghiwalay. Matapos ‘yon ay dumiretso kami sa sala para pag-usapan ang nangyari. “Tracy, ano baa ng nangyari? Bakit hindi ka pumunta sa event mo? Alam mo ba na ilang beses pa kaming tinawagan ni Lhia para tanungin kung nasaan ka,” sunod-sunod na sabi ni Luna nang makaupo kami. Napabuntong hininga na lang tuloy ako dahil hindi ko rin talaga alam ang sasabihin ko sa kanila. “I’m dying,” mahinang sabi ko kaya naman agad silang napatingin sa akin. “Ano bang sinasabi mo? Bakit ka mamamatay? Wala ka namang sakit,” Hazel said. Tumango naman ako sa sinabi niya at saka muling tumingin sa kanila. “Yeah, wala nga akong sakit. Pero mamamatay pa rin ako. May papatay sa akin,” dire-diretsang sabi ko sa kanila. At mas nagulat pa sila sa sinabi ko. Napansin ko pa na sinubukan ni Hazel na magsalita pero agad din niyang tinikom ang bibig niya. “Bakit hindi mo sinabi sa amin? Kung may nagtatangka pala sa buhay mo, ay dapat sabihin natin ‘yan sa mga pulis,” sabi pa ni Luna pero umiling lang ako sa kanya. “You know, I tried. Sinubukan kong sabihin sa kanila, maraming beses na pero hindi gano’n kadaling paniwalaan,” sabi ko pa kaya naman mas lalo silang nagtaka sa kung ano ba ang tinutukoy ko. “W-what? What do you mean?” nagtatakang tanong ni Hazel. “Would you believe me if I say that this same day is repeating?” seryosong tanong ko sa kanila. Agad naman kaming binalot nang katahimikan matapos kong magsalita. “See, that’s why I can’t tell you everything,” dagdag ko pa. “Sandali, naguguluhan ako. Parang naiintidihan kita na hindi. Care to enlighten me?” Hazel said at napahilot pa siya sa sintido niya. Huminga na lang ako nang malalim at saka nagsimulang magsabi sa kanila. “This exact day is repeating over and over and over again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na umilit ang araw na ‘to pero pagkatapos kong mamatay ay nagigising na lang ako sa parehong araw at mamamatay ulit ako pagkatapos. The day keeps repeating nonstop,” tuloy-tuloy na wika ko. Hindi naman sila nakapagsalita kaagad kaya nagpatuloy na lang din ako. “Lagi akong nagigising nang umaga na para bang walang nangyari pero hindi natatapos ang araw na ‘to na hindi ako namamatay. Ilang beses ko na ring sinubukan na sabihin sa inyo ang tungkol dito pero laging ganyan ang reaksyon niyo.” “Are you creating a new novel?” tanong ulit ni Hazel kaya naman agad na napakunot ang noo ko sa kanya. “What do you mean by that?” “It just that, ‘yong mga sinasabi mo, parang ang hirap paniwalaan. Why does this day keeps repeating and bakit ikaw lang ang aware na nangyayari ‘yon?” sabi pa ni Luna kaya naman sa kanya ako napatingin. “See, that is why I am hesitant to tell you guys. Kasi alam ko na hindi kayo agad maniniwala sa sasabihin ko.” Kasi kahit anong paliwanag ang gawin ko ay hindi nila ako maiintindihan. Hindi nila maiintindihan kung ano ang pakiramdam nang gumising nang gumising sa parehas na araw pagkatapos mong mamatay. Hindi nila maiintindihan kung ano baa ng pakiramdam nang para ka ring nasisiraan nang bait. “You don’t know the feeling of being killed every day,” seryosong sabi ko pa sa kanila. “Tracy, you know, hindi naman sa hindi kami naniniwala sa sinasabi ko. It just that, ang hirap kasing paniwalaan,” komento pa ni Hazel. “I know. Kaya nga sinasabi ko sa inyo ang nangyari. Kasi you know, sa maniwala man kayo hindi, makakalimutan niyo rin na nangyari ang araw na ‘to dahil gigising din kayo sa parehong araw na hindi kayo aware sa kung ano ang nangyari ngayong araw.” “Kung gano’n nga ang sitwasyon, bakit nangyayari sa’yo ang bagay na ‘to?” tanong pa ni Luna. “I don’t know too. Hindi ko rin alam, basta ba nagising na lang ako na umilit na naman ang araw na ‘to. Believe it or not, ilang beses kong sinubukan na tumakas, lumayo, at kung ano-ano pa pero paulit-ulit din akong nahahanap nang killer ko.” “Sino naman ang gustong pumatay sa’yo?” “’Yan din ang tanong ko, Luna. Kasi kada susubukan ko na alamin ang bagay na ‘yan ya huli na ang lahat,” mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang mas lalo tuloy akong pinanghinaan nang loob. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kung gawin. Na kung may paraan pa ba para matapos ang araw na ‘to. Pero kahit anong piga ko sa utak ko ay wala na akong maisip. “Then, what are you going to do now?” Ang hintayin na mamatay ako? Napailing na lang tuloy ako dahil hindi ko na talaga alam kung ano pa ang pwede kong gawin. Napahinto lang ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Hazel. “Then, kung totoo nga na may papatay sa’yo, sasamahan ka namin ngayong araw,” she said kaya agad akong napatingin sa kanya. “No!” agad na pagtanggi ko. “Madadamay kayo, ayokong mapahamak kayo dahil sa akin.” “Para saan pa na naging magka-kaibigan tayo kung hindi ka rin naman pala namin matutulungan?” sabi naman ni Luna. “Pero hindi niyo naman kailangan gawin ang bagay na ‘to. Ayoko na madamay pa kayo sa problema ko.” “Then, make a decision, Tracy. Kung ayaw mo na madamay kami, na mapahamak kami, edi kalimutan mo na rin na may kaibigan ka. Na naging kaibigan mo kami,” Hazel said. “Hazel,” pagtawag pa sa kanya ni Luna pero tumayo na siya kaagad. “Kasi para saan pa na naging kaibigan natin siya kung wala rin naman pala siyang tiwala sa atin? Para saan pa ‘tong pagka-kaibigan na ‘to kung hindi tayo magtutulungan?” Hindi ko tuloy maiwasan na makonsensya sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay masyado talaga akong naging makasarili. Na hindi agad ako nagtiwala sa mga kaibigan ko. Ayaw ko lang naman kasi na madamay pa sila sa gulong ‘to kaya naman nahihirapan din talaga akong sabihin sa kanila ang nangyari. Ngayon ay magkakasira pa ang pagkakaibigan namin dahil sa bagay na ‘to. Napabuntong hininga na lang din ako at saka muling tumingin sa kanila. “I’m sorry,” mahinang sabi ko at saka yumuko. “Masyado kong sinarili ang problema ko. Hindi ko inisip na may mga kaibigan ako na handang tumulong sa akin. I’m sorry.” “I’m sorry din, masyado lang akong nadala nang emosyon ko,” paghingi rin nang sorry ni Hazel. Ngumiti lang ako sa kanya at naupo na rin siya ulit. “Kung may balak nga na pumatay sa’yo, mas okay din na magkakasama tayo dahil posible natin siyang malaban dahil tatlo tayo at mag-isa lang siya. Kaya naman dito muna kami magpapalipas nang gabi ni Hazel,” wika naman ni Luna kaya ngumiti ako sa kanya. Laking pasasalamat ko na lang talaga na may mga kaibigan ako na kagaya nila. Kasi kung hindi dahil sa kanila ay baka nasisiraan na ako nang bait ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD