Paglapag nila sa ikatlong palapag, kakaiba na ang nangyari. May iilan silang nakasalubong rin na manlalaro,ngunit mukhang pagod na pagod ang mga ito at kakatapos lang sa kanilang ginawa. Tinitingnan lang nila iyong isang grupo ng mga babaeng manlalaro na puno ng pasa ang katawan at naliligo ng pawis. Gusto pa sanang tanungin ni Makmak kung anong nangyari sa kanila ngunit kaagad namang hinawakan ni Ara ang kamay nito at umiling. "Hindi ko na kaya, Yvette." Punas sa damit ng pawis ng isang babae, pagkadaan sa kanila. "Ano kayang nangyayari?" mahinang tanong ni Vincent sa mga nagkibit balikat na lamang sila at naglakad. Sa pinaglabasan ng mga grupo ng babae, doon din sana papasok sina Patricia, ngunit mabilis namang nagsalita ang isang lalaki sa mikropono. Sa boses iyon parang hindi tun

