Bumalik na si Patricia sa napili niyang higaan. Ang kanilang pwesto ay nauuna si Makmak na katabi ng pader, sunod si Vincent, Ara, Patricia at Ian. Si Ian ay hindi pa rin lumalabas sa palikuran at mukhang nakatulugan na nito doon. " Grabe ano? Busog na busog ako," wika ni Ara habang nakatingin sa kisame. Hinahawakan niya rin ang kanyang tiyan na mukhang nagbabadya na. "Kaya nga e. Pero nakakapagsuspetsiya 'yan, biruin mo binusog nila tayo, pagkatapos ay dadalhin pa tayo sa mamahaling kwartong ito?" Nilibot ni Makmak ang tingin nito sa paligid. "Pero alam niyo, ngayon pa lang ako nakahiga sa ganito kalambot na kama. Tsaka ganito kasarap na kumot. Ang lambot din ng mga unan oh." Yakap niya pa rito. Kitang-kita ang tuwa sa mata ni Makmak, kahit hindi nito sabihin. Si Vincent naman ay tila

