KABANATA XLV: TWO DOWN

3167 Words
Naghahanda na si Vincent. Siya na kasi ang susunod at hindi niya alam kung masasagot niya ba ng tama ang itatanong sa kanya. Isa pa, ayaw niyang makadagdag pa sa isipan ng mga kakampi niya dahil sa pagkakamali ni Ian. Gagalingan na lamang niya upang hindi na siya makadagdag doon. "Ikaw si Vincent?" tanong ng kalaban. Tumango si Vincent at diretsong tumayo habang inaayos ang kanyang kulay itim na leather jacket. "Ito ang pangatlong tanong. May tatlong magkakaibigan. Sina Juan, Pedro at Jose. Ang tatlo ay naligaw sa gubat. Sa dulo ng gubat, naroon ang isang malawak na ilog. Sa kanilang paglalakad-lakad, natunton nila ang ilog. Upang makauwi, kailangan nilang makalampas doon. Ngunit hindi gano'n kadali ang pagtawid sa ilong, lalo na malakas ang agos roon at isa lamang ang bangka na kanilang sasakyan. Ang kanilang problema ay may kapasidad ang bangka na magsakay lamang ng limampung kilo." Tahimik na nakikinig lamang si Vincent. Hindi na siya nag-aksayang tumingin pa sa kasamahan dahil natatakot siyang makaligtaan ang bawat senario na sasabihin ng kalaban. Isa pa, isang beses lamang sasabihin iyon kaya dapat lang na makinig siya ng mabuti. "Si Juan ay may limampung kilo. Si Pedro at Jose naman ay may dalawamput limang kilo. Ang tanong, paano sila makakalampas sa ilog na iyon?" tanong ng kalaban. Napaisip si Vincent. Sa totoo lang ay mahina siya sa mga logic na ganito, lalong-lalo na sa math. Hindi niya akalain na makakarating pa sa kanya ang ganitong tanong. Wala na siyang magawa kundi bumalik sa pwesto at tanungin ang mga kaibigan. Nagsimula na ring mag-set ang timer ng dalawang minuto. Kinakabahan na siya at iniisip niya na baka hindi siya makaabot. "Nalito ako," kakamot-kamot sa ulong sabi ni Makmak. "Ano kasi ang tanong?" tanong nito kay Vincent. "Basta may tatlong magkakaibigan, kailangan nilang makalampas sa ilog, ang kaso lang limampung kilo lang daw ang kasya at kapasidad niyon.Ano ang gagawin?" pag-uulit ni Vincent. Tumingin si Vincent kay Patricia. Pilit inaalisa ni Patricia ang binigay na problema kay Vincent, ngunit mukhang nahihirapan din ang dalaga. Lumampas ang treinta segundo. Nasa isa't kalahati na lamang ang oras. "Kung sasakay ang dalawa, hindi na makakabalik ang isa.." pagtatama ni Patricia, sabay napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok. "Kainis na tanong 'yan, bat napakahaba kasi!" ngayon lamang nila nakitang naiinis na si Patricia. Hindi naman nila napansin na huling treinta segundo na lamang ang natitira, hanggang umabot sa beinta na lang. Kinakabahan na ang buong angkan. Si Ara ay parang wala sa sarili at hindu tumutulong. Si Ian naman nasa gilid lang din at inaalalanang kanyang pagkatalo. Biglang tumunog ang signal at naging pula ang ekis sa pangalan ni Vincent. Pare-parehi silang nalungkot nang tingnan iyon. Tinapik pa ni Makmak ang balikat ni Vincent bago ito bumalik sa unahan. Ilang segundo at nagsalita na ang kalaban. "Maaaring mauna ang dalawa na may dalawamput limang kilo na makatawid sa kabilang ilog. Pagkatapos, maaaring bumalik ang dalawamput limang kilo upang kuhanin ang limampung kilo na si Juan. Magpapaiwan si Jose, at kapag nakarating na sa kabilang uilog si Juan, babalik si Pedro na may dalawamput limang kilo upang kuhanin naman si Jose," paliwanag nito. Hindi na gaanong inintindi ni Vincent ang sinasabi ng kalaban, dahil hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin siya sa tanong na iyon. Bagsak ang balikat ni Vincent na bumalik sa kanilang pwesto. Nginitian lang siya ni Patricia at Makmak. "Ayos lang 'yan!" pagpapalakas ng loob ni Patricia. Tipid na ngumiti si Vincent at tumabi na lamang kay Ian. Ang huling sasalang ay si Patricia. Tatlo ang nakaatang na tanong sa kanya upang mailigtas ang mga kaibigan niya. Kung siya man ay magkamali sa isang tanong, maaari na silang mahulog sa kanilang kinatatayuan. Tinapik pa ni Makmak ang balikat ni Patricia at ngumiti. Si Vincent naman ay malungkot pa rin. Ngayon hati na ang nararamdaman nila, pero mas pinapangunahan pa rin ni Makmak ng isnag positibong pananaw. May tiwala siya kay Patricia na kakayanin ang lahat ng iyon. Matalino si Patricia at alam nito ang kanyang ginagawa. "Ang panghuling kalahok. Patricia. Pinapaalala ko lang sa iyo na kapag natalo ka ng isang beses sa larong ito, babagsak na kayo sa ilalim at hindi niyo alam kung ano ang naghihintay sa inyo roon," paalala ng kalaban. Tumango si Patricia. "Alam ko," aniya at huminga nang malalim. "Unang tanong. Ang bahay ni Maria ay isang bunggalow na kulay pink. Sa loob nito ang lahat ng gamit ay kulay pink. Ang mesa at mga bintana ay kulay pink Ang carpet ay kulay pink, pati ang bubong ay pink. Ang tanong, anong kulay ng kaniyang hagdan?" Tumahimik panandalian si Patricia. Hindi na siya tumingin sa nga kasamahan niya dahil baka makita lamang niya ang malungkot na mukha ni Vincent pati ni Ian, kaya minabuti na lamang niyang sarilinin iyon. "Magsisimula na ang iyong oras.." saad ng kalaban, ngunit biglang nagsalita si Patricia na ikinagulatbng lahat. "Wala," tipid niyang sagot. "Walang hagdan ang bunggalow dahil isa lamang itong one storey. Walang kulay ang hagdan, dahil walang hagdan," paliwanag niya. Ilang segundo lamang ay umilaw na nang tsek ang pangalan niya. Natuwa siya at tumingin sa mga kasamahan. Si Makmak at todo suporta kay Patricia, kaya nagkaroon ng dobleng lakas si Patricia upang galingan sa susunod. Tumungo ang ilaw sa pangalan ni Ian. Siya na ang susunod na ililigtas, kaya dapat niyang galingan. "Pangalawang tanong. May tatlong magkakaibigan. Sina Al, El at Il. Ang tatlo ay pawang menor de edad ngunit gusto nilang makapasok sa bar upang makita kung anong ginagawa sa loob. Sa kuryosidad ay sumubok sila. Ngunit bago sila makapasok ay may code na sasabihin. Hinanda na ng tatlo ang kanilang sasabihin at isa-isa na silang sumubok. Pinanuod muna nila ang ibang mga customer na tinatanong ng tagapagbantay doon. Nalaman nila na may sinasagutan lamang ay sigurado silang kaya nila iyon. Nang sumalang na si Al, tinatanong siya ng bouncer. Six?" tanong ng bouncer. "Three," sagot ni Al, kaya pinapasok siya. Tuwang-tuwa ang dalawa nang malaman na nila ang technique at kung ano ang isasagot. Sumunod naman si El.Tinanong siya ng bouncer "Nine," tanong ng Bouncer. Sumagot si El. "Two." Pinapasok siya. Malakas na ang loob ni Il dahil nalaman niya na manghuhula lamang ng ipapares sa tanong ng bouncer. Taas noo siyang humarap rito at tinanong na siya. "Ten," tanong ng bouncer. Tumawa pa si Il dahil kumpiyansa siya na tama ang sagot niya. "Five,"sagot nito. Ngunit hindi siya pinapasok. Ang tanong, bakit hindi pinapasok si Il?" Hindi na makasagot si Patricia kaya nagsimula nang mag-set ang timer. Inisip niyang maige ang tanong at halatang naguluhan rin siya doon, isa pa mahina sa matematika si Patricia kaya hindi niya natulungan kanina si Vincent. Ilang segundo na lamang at babagsak na sila mula sa kanilang kinatatayuan, nang magsalita si Patricia nang sagot na hindi siya kumbinsido. "Mali ang sagot niya, dahil dapat eight?" nagdadalawang isip niyang sagot. Nangangatog na ang kanyang paa. Kinakabahan at ayaw tumingin sa pangalan ni Ian. Hinihintay na lamang niyang gumuho sila sa kanilang kinatatyuan, ngunit lumipas ang limang segundo, tumunog ang pangalan ni Ian at napalitan ng tsek ang kaninang ekis. Biglang sumigaw si Ian. "Yes! Isa na lang, Patricia. Kaya mo yan!" sigaw sa likuran nina Makmak at Ian. Nakahinga nang maluwag si Patricia. Isa na lang at makakalampas na sila sa unang estado. Kailangan lamang niya ng natinding pokus at intindihin ang bawat tanong. Napapansin niya na pahirap nang pahirap ang tinatanong sa kanya, kaya dapat lang ay bantayan niya ang bawat sinasabi ng kalaban. "Ito na ang panghuling katanungan, at maari na kayong maihatid sa pangalawang palapag. Kailangan mo lang dito ay pag-isipan ang iyong isasagot. Isang maling sagot at babagsak kayo sa ibaba," paalala ng kalaban. Tumango lang si Patricia at huminga na naman siya nang malalim. "Panghuling tanong. Kunwari ay nasa submarine kayo. Ikaw, ang asawa mo pati na ang nanay mo. Biglang lumubog ang submarine, at isa lang ang pwede mong iligtas doon. Sino iyon at bakit?" Sa tanong na iyon ng kalaban, biglang kumunot ang noo ni Patricia at napahawak siya sa kanyang sentido. "Submarine?" pag-uulit niya. "Wala akong ililigtas doon, dahil lumulubog naman talaga 'yon diba?" tanong niya at napatingin sa mga kasamahan. Nabigla sina Makmak sa sinagot ni Patricia. Ang bilis kasi niyang sumagot, isa pa tama ang sagot niya. Makalipas ang limang segundo, biglang tumunog ang pangalan ni Vincent at napalitan ng kulay berde ang kulay pula nitong pangalan. Naging tsek na rin, kaya mabilis na tumakbo si Patricia at niyakap ang kanyang mga kaibigan. Biglang bumukas ang itaas. Tuwang-tuwa silang lahat. Napansin ni Ara na matindinang pagkakayap ni Makmak kay Ara, kaya nakaramdam na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib. "Ang galing mo," bati ni Ara kay Patricia. Si Patricia naman ay niyakap ang kaibigan at mas pinagtuunan ng pansin si Vincent. Napansin naman iyon ni Makmak kaya nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Isang maligayang pagbati sa inyo. Ihahatid na kayo sa pangalawang palapag. Sana ay hindi na kayo bumalik rito at makarating sa pinakahuling palapag," bati ng kalaban. Biglang umugong ang kanilang kinatatayuan kaya naghahawak- hawak sila ng kamay. Umangat sila at dinala na sa ikalawang palapag. Pagtapak sa ikalawang palapag, hindi na sila gano'n nabigla dahil katulad lamang ito ng unang palapag. Pag sumalubong sa kanilang tatlong pinto. Ang pinagkaiba lang ay may kulay na. Maglalakad-lakad sana sila ngunit biglang may nagsalitang isang babae. Isang babae na ipit ang boses. Nakatingin sila sa kisame kung saan nangangaling. Pakiramdam nila, iyon ang magiging kalaban nila sa sunod. "Magandang umaga sa limang panauhin. Binabati ko kayong nakarating dito sa ikalawang palapag. Magsisimula ang inyong laban pagkatapos ng sampung oras." "Sampung oras?! Ano pang gagawin natin rito? Tutunganga?" reklamo ni Ian. " Yan kana naman, Ian e. Nagpapadalos-dalos ka. Huminahon ka nga muna!" bawal sa kaniya ni Vincent. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. "Sorry na boss. Kasi naman e!" hirit pa niya. "Maaari na kayong pumasok sa pulang pinto. Sa loob ng pulang pinto, may naghihintay muli sa inyong dalawang pinto. Buksan ninyo ang kanan. Maglakad-lakad pa kayo. Huwag lamang kayong masyadong maingay, dahil may mga Quadrong nakakulong sa sa hallway na daraanan ninyo. Paglampas ninyo room, may isang butler na naghihintay sa inyo. Ituturo niya kayo kung saan ang hinandang pagkain. Sana magustuhan ninyo! Paalam!" wika ng babae at pinatay na ang mikropono. Hindi inasahan ng lima na sa tagal nila sa loob ng tore ay may naghihintay pala sa kanilang pagkain. Mabuti na lamang, dahil hindi na maipagkakaila ni Makmak na kanina pa nagsasalita ang kanyang tiyan. Hindi maiwasan ng lima na mangislap ang kanilang mata nang marinig iyon. Tinandaan naman ni Ara ang bawat detalye dahil kahit siya ay natatakam na rin. "Reklamo kasi nang reklamo," singhal ni Ara at nagsimula nang buksan ang pulang pinto. "Hoy surot!" tawag naman ni Ian. " Napakasungit mo naman! Syempre nagugutom na rin ako, no!" reklamo ni Ian. Tumigil sa paglalakad si Ara at humarap kay Ian. Napatigil din sina Patricia, Makmak at Vincent dahil baka biglang bigwasan si Ian ni Ara. "Sinong di magugutom sa sagot mo? Simenteryo pa," malditang sabi ni Ara at sabay-sabay silang nagtawanan. Bigla naman nag-init ang mukha ni Ian kaya nanahimik na lamang siya. Habang naglalakad- lakad sila, tama nga ang sinabi ng babae. Malawak ang espasyo ng daanan, ngunit sa gilid niyon ay may kulungan. Kulungan ng mga Quadro. Dinadaanan nila ang ibat-ibang uri ng Quadro. Namamangha sila dahil mayroong nagbabasa, pinupunasan ang nakolektang gamit, nakatingin sa kanila ng masama habang naglalaway at meron ding nakatingin na parang nagbabanta. Walang umimik sa lima. Natatakot sila na baka makawala ang mga Quadrong iyon at lapain sila. Isa pa, nagugutom na sila. Hindi na nila kayang makipag laban sa mga Quadro kung saka-sakali man. Hindi nila alam kung hanggang saan ang hangganan ng hallway na ito. Makalipas kasi ang treinta minutos na paglalakad ay ganun pa rin ang kanilang binabaybay. Hinihintay na lamang nila a may makita silang butler na naghihintay sa kanila sa unahan. "Kelan kaya matatapos ito?" nakaramdam na ng pagod si Makmak, kaya napatigil muna siya. Ang iba ay naglalakad na. Si Ara naman ay sinamahan siya. "Kaunti na lang. Naaamoy ko na yung letson e," pagkukunwari ni Ara kaya lalong napakunot ang noo ni Makmak at nadagdagan ang kanyang gutom. "Kainis naman to! Sige na nga. Halika na," pag-aaya ni Makmak na mukhang tinalaban ng pagpapatakam ni Ara. Sa isang oras nilang paglalakad, natunton din nila ang pinakadulo ng hallway. Tama nga ang babae at may naghihintay na butler sa kanila roon. Isang lalaking may bangs, naka itim na longsleeve. Isang pormal na kasuotan. Magiliw na ngumiti ang butler sa kanila. "Magiliw po namin kayong binabati sa ikalawang palapag. Dito po tayo," saad ng lalaki sa malambing na boses at nilahad ang kamay pa kaliwa. Bigla naman siyang inakbayan ni Ian sa sobrang tuwa. "Buti naman at nakarating na kami. Ano, marami ba kayong hinanda para sa amin? Nakakapagod ang magsagot ha?" saad nito. "Nakakapagod talaga," bulong ni Ara. Narinig naman iyon ni Ian at sinamaan siya ng tingin. "Simenteryo pa ha?" dagdag pa nito. Natawa nang bahagya sina Makmak, Patricia at Vincent. Kahit kailan talaga, para silang mga aso't pusa magbangayan. "Opo. Marami po kaming hinanda para sa inyo at tiyak na kapag kinain niyo iyon ay gaganahan muli kayo sa pangalawang pagsubok," saad nito. Naglakad pa sila ng ilang hakbang nang buksan ng lalaki ang isang pinto sa kanan. Pagbukas niyon, halos maglaway silang lahat at manlaki ang kanilang mata sa kanilang nakita. Hindi sila makapaniwala na totoo ngang may hinandang pagkain sa kanila at hindi lang isa. Ilang bandehadang pagkain ang nakahain sa pahabang mesa. Mayroon pa nga doong isang buong letson at samut-saring pagkain. Wala ng sinayang na oras si Ian at kaagad na tinanggal ang pagkakaakbay sa butler. Kaagad siyang pumasok at nilantakan ang isang buong manok. Sabay-sabay na ring pumasok sina Ara, Patricia, Makmak at Vincent at kaagad silang kumain. Napangiti na lamang ang butler at nagpaalam na magbabantay muna sa labas. Sa sobrang guton ay hindi na sila nakaramdam ng hiya sa bawat isa. Kahit napakadumi na ng gilid ng kanilang bibig ay patuloy pa rin silang kumakain, habang nagtatawanan. Hindi lamang mga simpleng pagkain ang hinanda sa kanila. Para iyong fiesta sa sobrang dami. Ang kanilang tubig din ay hindi lamang pang ordinaryong tubig. Iyon ay whine, kaya sarap na sarap sina Ian sa kanilang kinakain. Nang matapos na sila, napasandal na lamang sila sa kanilang mamahaling upuan. Hawak ang kanilang tiyan, napangiti ang magkakaibigan. "Grabe, hindi ko akalain na ganito karami ang pagkain," saad ni Makmak habang hinihimas ang tiyan. "Oo nga. Parang pang isang buwan na ulam na natin ito," dagdag pa ni Patricia. Hindi na makapagsalita si Ian at Vincent dahil nananakit na ang kanilang tiyan sa sobrang dami ng kanilang kinain. May natira pang kalahating letson na nakahapag att pakiramdam nila ay kailangan nilang ubusin iyon, dahil hindi nila alam kung kailan ulit sila makakakain. Tumayo si Makmak nang tingnan ang iba pang pagkain na hindi nagalaw. Nakakita siya ng plastik sa gilid ng mesa at binalot niya ang lahat ng iyon. "Mas mabuti nang maagap, kaysa wala," wika niya, ngunit bigla na namang tumunog ang mikropono habang binabalot niya ang pagkain. "Pasensya na. Ngunit kapag ikaw ay nagbaon ng pagkain sa paglabas no rito ay hindi namin tiyak ang kaligtasaan mo. Umiinit ang pagkain na iyan hanggang sa masunog ang pagkain kasama ka, kaya kung maaari ay dito niyo na lamang ubusin lahat," paliwanag ng babae. Mabilis na sinoli ni Makmak ang kaniyang mga sinupot na pagkain at kinain na lamang niya iyon. Pinilit na rin ng iba na ubusin ang pagkain kahit nananakit na ang kanilang tiyan sa sobrang kabusugan. Dalawang oras sila nagpahinga doon. Lumabas sila ng kwarto at naroon pa rin ang butler na nakangiti sa kanila. Parang hindi man nainip iyon at napagod, dahil ang ngiti kanina simula nang salubungin sila at ganon pa rin hanggang ngayon. "Nasiyahan po ba kayo sa inyong kinain?" tanong ng butler. "Oo. Busog na busog nga kami e," wika ni Ian sabay himas sa kanyang tiyan. "Mabuti po kung gano'n. Habang naghihintay ay ililibot ko muna kayo sa Arcade namin dito. Kung inyong mapapansin ay may walong oras pa kayo. Maaari kayong maglibot o kay ay magpahinga sa aming delux room. Ano po ang gusto ninyo?" tanong ng butler. "Pwedeng magpahinga muna?" tanong ni Ara nang maramdaman na siguro ang pagod at busog. Sinang-ayunan naman iyon ng iba pa, kaya isinama na sila sa kanilang magiging kwarto. Pagkalipas muli ng tatlumpung minuto dinala sila sa isang dulong kwarto. Simple lang ang harapan ng kwarto at hindi iyon ang inaasahan nilang makita, dahil ang sabi ng butler ay delux room daw ang pupuntahan nila. "Ito na ba iyon" tanong ni Ian nang ituro ang pinto na kahoy na nasa kanilang harapan. "Akala ko ba ay delux?" pag-alma nito. Ngumiti lang ang butler at dinukot ang susi sa kanyang bulsa. Hindi na iyon nagsalita at parang may gustong patunayan. Pagbukas niyang iyon, halos malaglag ang panga ng lima sa kanilang nakita. Hindi nila akalain na ang loob ng kwartong iyon ay mala palasyo. "Ito ang sikreto ng tore ng Madraska. Hindi mo aasahan ang iyong sunod na makita," saad pa nito at nauna nang pumasok. Pagpasok nila doon, isang kulay beige na pintura ang nakapalibot sa buong silid. Naroon ang sala na napakalawak. Mayroon ding tv sa harapan. Ang upuan ay napakalambot at mayroon ding babasaging mesa. Pagtapak nila, isang madulas at malinis na sahig ang sumalubong sa kanila. Nahihiyang tumapak si Patricia, dahil ayaw niyang gasgasan ang linis ng sahig. Sa kisame ay may nakasabit na dalawang chandelier. Napakaliwanag kaya hanggang pagpasok nila ay nakaawang pa rin ang kanilang bibig. Naglakad pa sila ng kaunti. Naroon naman ang kusina na napakalinis at mabango. Tabi niyon ang palikuran na napaka laki. Kaagad na pumasok si Ian doon dahil nararamdaman na nito ang pag-alboroto ng kaniyang tiyan. Sa likuran, naroon ang limang malalaking higaan. Sakto lamang iyon para sa kanila. Mayroong isang malambot na kama at malambot na kumot ang nakapatong doon. Parang hotel talaga iyon. Tuwang-tuwa sina Makmak at Vincent. Patakbo silang nagpunta sa kanilang napiling higaan at kaagad na nilapat ang kanilang likuran. Hindi maipagkakaila ang tuwa sa kanilang mukha. Lalo na at ngayon lamang nila natamasa ang ganito kasarap na buhay. Hindi pa rin makapaniwala si Patricia na mayroon pa ring kagandang lugar sa madilim na baryong ito. Walang paglagyan ng tuwa sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ang kanyang kasamahan na masaya. "Salamat," saad ni Patricia nang tapos nang ipaliwanag ng butler ang buong silid. "Kung may kailangan kayo ay naroon lamang ako sa labas, binibini," wika nito at akmang aalis ngunit nagsalita muli si Patricia. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya. "Kanina ka pa kasi namin kasama, ngunit hindi ko pa alam ang pangalan mo," dagdag pa niya. Bago makarating sa pinto, ngumiti ang butler. "Lance, binibini," anito at nagpaalam na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD