Feel ni Charlyn ngayon ang pagwo-work-out dahil nakapadagdag sa motivation niya ang pinapakinggang musika na ‘Hanap-hanap’ by James Reid at Nadine Lustre. Hindi niya alam kung kaninong playlist ang tumutugtog, pero pasalamat siya dahil hindi na iyon gaya ng mga nakaraang araw na panay kay Karen Carpenters ang ipinatutugtog: maganda ngunit pati yata muscles niya ay matutulog. Nakahiga siya sa dumbell bench press at hawak ang total ten pounds dumbell sa nakakuyom na mga palad. She breathes out and extends it ceilingwards as far as she can reach, saglit siyang tumigil at nang marahang ibinaba iyon ay sinabayan niya ng marahang pagsagap ng oxygen. The process continues, kaya lang sa kalagitnaan niyon ay nahinto siya. “B-bakit?” Taka niyang tanong kay Lester. Nakatayo ito sa tabi niya while

