“MASYADO kang maliit para sa isang lalaki!” “Seryoso, Dude. Saan ka pinaglihi?” “Patingin nga ng biceps mo, pati na rin ng abs?” Na-corner si Charlyn ng topless na mga lalaki at napagitnaan siya ng mga ito. Binabangga siya ng dibdib ng bawat isa, at siya na lampa ay patumba-tumba na lang,Ppinagtutulakan lamang siya. “Oo nga! Tingnan natin kung may improvement ang katawan mo. hubarin mo ‘yang t-shirt mo!” “Maghubad! Maghubad! Maghubad!” Sabay-sabay na chant ng malagong na boses ng mga lalaki. Sumigaw si Charlyn, pero nawala ang tinig niya bago pa niya maitodo. Tumingin siya sa mga ulap, sinubukan niya ulit sumigaw pero wala talaga! “Ahhhh!” agad napaupo si Charlyn mula sa kinahihigaang sofa. Halos napatalon naman si Lester sa gulat at natapon sa suot nitong dry fit shirt ang beverage

