"HELLO, Beautiful!" Napahawak si Charlyn sa puso at kamuntik nang mapatalon nang biglang yumuko sa harapan niya ang almost 10 feet clown. Binigyan siya nito ng rosas at saka tumawa. "Kuya, nakakagulat ka naman! Kamuntik na akong atakehin." "Ay! Sorry!" Sagot ng clown na tumawa ulit. Hindi katulad ng ibang nakakatakot, ang clown na ito ay approachable, tamang-tama na emtertainer lalo na para sa mga batang naroon. "Pero salamat sa rosas, ah! Pati na rin sa pambobola!" "Hindi ako nambobola, binibini! Nagsasabi ako ng totoo! You are the brightest among the countless stars," sabi nito with matching action, iyon bang parang makata,"You are the rarest flower in my eyes!" "Ah! Okay, sabi mo, eh!" Tatawa-tawa niyang tugon. Nagpaalam na sa kanya ang clown at ibang babae naman ang binola nito.

