“GOOD MORNING, baby! Kahit kanina pa umaga at nakatulog ka lang din dahil sa pagod, actually.” Pagkadilat agad ni Charlyn ay agad pagbati ang kanyang narinig mula kay Lester. Ang binata rin ang una niyang nakita, nakaupo ito sa tabi niya at banayad na hinahaplos ang kanyang buhok habang nakatagilid siyang nakahiga at nakaharap dito. Papunga-pungas siya habang tila lutang na nakatingin kay Lester. He was smiling from ear to ear, saka nag-sink in sa utak niya ang nangyari dahilan kung bakit tila tumaas lahat ng dugo sa kanyang mukha. Agad hinatak ni Charlyn ang kumot mula sa dibdib niya hanggang sa itaas ng ilong. Oo nga pala, ibinigay niya ang sarili ay Lester ng umagang iyon! “Oh! Ba’t ka nagtatalukbong?” lambing nitong tanong bago hinatak ang kumot. “Ano ba? ‘wag mong hatakin!” bawi n

